Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia

Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia

Share

Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia, City of Malabon
Telephone Number: 0288076319

18/05/2026

๐Ÿ“ฃ LAST DAY OF VOTERS REGISTRATION๐Ÿ—ณ๏ธ

Kabataan ng Acacia, ngayon na ang huling pagkakataon upang makapagparehistro para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE 2026)!

๐Ÿ“… MAY 18, 2026 ONLY
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 5:00 PM
๐Ÿ“ Robinsons Town Mall Malabon
2nd Floor, katabi ng Tomโ€™s World

Maaaring magtungo para sa:
โœ”๏ธ New Registration
โœ”๏ธ Transfer of Registration
โœ”๏ธ Reactivation
โœ”๏ธ Correction of Entries
โœ”๏ธ Updating of Status
โœ”๏ธ SK Registration

๐Ÿ“Œ MGA KAILANGANG DALHIN:

NEW REGISTRATION
โ€ข Valid ID na may Malabon address

TRANSFER
โ€ข Valid ID na may Malabon address
โ€ข Proof of residence

๐Ÿ“Œ Note: Hindi tinatanggap ang Barangay ID/Cert, Cedula, at Police Clearance bilang proof of residence.

UPDATING OF STATUS
โ€ข Marriage Contract
โ€ข CENOMAR
โ€ข Court Order (kung applicable)

REACTIVATION
โ€ข Valid ID

CORRECTION OF ENTRIES
โ€ข Birth Certificate o Baptismal Certificate

SK VOTERS
โ€ข Valid ID
โ€ข Birth Certificate

Huwag nang magpahuli! Gamitin ang iyong karapatang bumoto at maging bahagi ng pagpili ng mga susunod na lider ng ating barangay at kabataan.



Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia's post 16/05/2026

๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—œ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก: ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

Isang makabuluhan at matagumpay na talakayan ang naisagawa ng Sangguniang Kabataan ng Acacia sa ginanap na KK Youth Sectoral Consultation na nakatuon sa Sexual and Reproductive Health and Rights (SRHR), katuwang ang Likhaan sa pamamagitan ng Ka-Chat โ€œCommunity CSOs Action for SRHR.โ€

Layunin ng programang ito na mas mapalawak ang kaalaman ng kabataan hinggil sa SRHR, habang binibigyang-tuon din ang mga hakbang, implementasyon, at mga programang isinusulong ng Sangguniang Kabataan para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng kabataang Acacian.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Sandalan ng Kabataang Acacia sa pangunguna nina SK Charles F. Pantig at Chriselda Santos para sa matagumpay na pagpapatupad ng programang ito, kasama ang lahat ng mga kabataang nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang konsultasyong ito.

Patuloy nating palakasin ang boses ng kabataan tungo sa mas ligtas, mas mulat, at mas progresibong komunidad para sa .



Photos from Hon. Christopher Donaire Cinco's post 11/05/2026

๐—™๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐—ฆ๐—จ๐—•๐—ฆ๐—œ๐——๐—ฌ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ›ฝ

Ngayong May 11, 2026, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Cash Aid (Fuel Subsidy) para sa mga piling Tricycle Drivers at Riders ng Barangay Acacia sa ginanap na programa sa Kabataan Learning and Management Training Center.

Sa pamamagitan ng matagumpay na Bingo Bonanza Activity, ang lahat ng nalikom na pondo ay inilaan upang makatulong sa 25 piling Tricycle Drivers at Riders bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na biyahe at kabuhayan.

Ang programang ito ay pinangunahan ni Hon. Christopher D. Cinco, SK Chairperson / Ex-Officio Kagawad ng Barangay Acacia, bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng mga programang tunay na may malasakit para sa ating komunidad.

Lubos din po ang aming pasasalamat kina Kagawad Noel Catalan, Kagawad Mayet Flores, Kagawad Linda Capati, at Kagawad Ante Ignacio sa kanilang buong suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang programang ito.

Maraming salamat din sa Sangguniang Kabataan ng Acacia at Sandalan ng Kabataang Acacia sa kanilang pakikipagtulungan at suporta para sa kapakanan ng mamamayang Acacian.

Patuloy tayong magtulungan para sa mas maunlad at mas maasahang serbisyo para sa bawat Acacians ๐Ÿ’™




Photos from Malabon Youth Disaster Risk Reduction Volunteer-Acacia's post 11/05/2026
Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia's post 07/05/2026

Balikan natin ang isa na namang makabuluhan at masayang yugto ng SK Juan For All, All For Juan: Sugod Kabataan โ€“ Year 3 ๐Ÿ’™

Sa programang ito, mas lalo nating inilapit ang serbisyo sa kabataan, na punong-puno ng saya, tulong, at malasakit para sa bawat kabataang Acacians. Tunay na naging daan ito upang maramdaman ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan sa ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng matagumpay na proyektong ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod para sa kabataan.

๐Ÿ“ธ Silipin ang mga larawan at muling balikan ang masasayang alaala!

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia's post 06/05/2026

Part 3 | FEAST OF ST. JOSEPH THE WORKER

Narito ang ikatlong bahagi ng ating pagbabalik-tanaw sa makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Jose, Manggagawa noong Mayo 1, 2026 ๐Ÿ™

Masaksihan ang taimtim at makulay na prusisyon ng mga santo, na sumasalamin sa matibay na pananampalataya at pagkakaisa ng ating komunidad. Sa bawat hakbang, dala natin ang pag-asa, pasasalamat, at debosyon bilang mga tunay na Acacians.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay-buhay sa napakagandang tradisyong ito ๐Ÿ’›

๐Ÿ“ธ Tingnan ang mga larawan at balikan ang mga sandaling punong-puno ng biyaya at saya!



Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia's post 04/05/2026

PART 2 | FEAST OF ST. JOSEPH THE WORKER

Buong siglang nakisama ang Sangguniang Kabataan ng Acacia sa paglibot kasama ang marching band, na naghatid ng saya at buhay sa bawat kalsada ng ating komunidad. Kasabay nito ang munting pamimigay ng candies at snacks bilang pasasalamat at pakikiisa sa ating mga kabarangay.

Sa simpleng ngiti at pagbati, lalo nating pinatitibay ang samahan at malasakit sa isaโ€™t isa. ๐Ÿ’™



Tuloy-tuloy ang saya ng kapistahanโ€”maraming salamat, Barangay Acacia!

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Acacia's post 04/05/2026

Part 1 | FEAST OF ST. JOSEPH THE WORKER (MAY 1, 2026)

Buong galak na isinagawa ang unang bahagi ng Fiesta Activity sa pangunguna ng Pamahalaang Barangay ng Acacia sa pamumuno ni Kapitan Monching De Jesus at ng kanyang Sangguniang Barangay, katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Acacia sa pamumuno ni SK Chairperson Christopher Cinco.

Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating mga kabataang organisasyonโ€”Malabon Youth DRR Volunteer - Acacia Chapter at Sandalan ng Kabataang Acaciaโ€”na aktibong nakilahok at nagpakita ng tunay na diwa ng bayanihan at malasakit para sa ating komunidad.

Sa pagtutulungan at pagkakaisa, mas pinatibay natin ang diwa ng ating kapistahan at ang espiritu ng serbisyo para sa kabataan at barangay. ๐Ÿ’™

Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Maria Clara Street , Acacia
Malabon
1474