28/10/2023
Ngayon na po ang huling araw ng kampanya. Anu’t ano pa man ang mangyari sa darating na halalan, nawa’y hindi natin itigil ang ating kagustuhan na makapag lingkod sa kapwa nating ka-barangay. Sana mula sa simula hanggang sa huli ay mangibabaw ang respeto, pagkakaibigan at pakikipagkapwa tao natin sa bawat isa.
Dahil sa huli, lahat tayo ay panalo na, hindi man sa posisyon, kundi panalo na tayo dahil sa ipinamalas nating sakripisyo at dedikasyon na makapagbigay serbisyo sa ating kapwa.
27/10/2023
Akin pong hinihingi ang inyong suporta at tulong mga kabarangay ko sa Tinajeros. Sana po ay bigyan niyo po ako ng pagkakataon na muling makapag silbi at mapatunayan ang aking sarili bilang isang kagawad naman po ng Barangay Tinajeros ngayon, maglilingkod ng totoong may malasakit at buong puso. Sana po ay maisingit niyo na bilang isa sa mga mapipili ninyong kagawad sa darating na October 30. Maraming salamat po. 💚🩷
25/10/2023
Kayo ang isa sa mga inspirasyon ni Ate April. Para sa bawat batang Tinajeros! 💚🩷
25/10/2023
Kapag masaya talaga tayo sa ginagawa natin, hindi natin mararamdaman ang pagod. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap mga ka-barangay!
25/10/2023
Sino nga ba si April?
April Mañalac
“No matter what happens in life, be good to people.”
24/10/2023
Malaking bagay ang presensya at pakikinig natin sa mga kandidato, dito po natin malalaman ang sinseridad ng isang tao. Sana po ay maging matalino tayong lahat sa pagpili ng mga mamumuno sa ating barangay. Lahat po gusto ng pagbabago, pero ang piliin natin ay yung makatao at totoong may malasakit sa kapwa tao. Maraming salamat po sa lahat ng nagbibigay ng oras para mapakinggan kami. 💚🩷
23/10/2023
Isang masayang parada kasama ng mga angels ko. Salamat po sa walang sawang suporta! 💚
21/10/2023
Pangatlong araw ng kampanya. Nakakapawi ng pagod ang mga ngiti at mainit na pagtanggap ng ating mga kabarangay. Maraming salamat po sa inyo.
20/10/2023
Pangalawang araw ng kampanya. Maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta at kasama ko sa laban ko na ito.
19/10/2023
Sa pagsisimula natin sa unang araw ng ating kampanya, piliin natin ang KAPAYAPAAN sa gitna ng nakakalitong pulitika.
At sa lahat po ng kapwa ko aspirante nawa'y magkaroon tayong lahat ng isang MAPAYAPA, LIGTAS, PATAS at MATAPAT na Halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan 2023.