04/06/2026
Itโs giving school-ready era.. Project iSKul Kit is back! โจ
SK DAMPALIT: Project iSKul Kit 2026 (Year 2)
Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Dampalit, sa pangunguna ni SK Chairwoman Hon. Lady Ciane Cruz, ay muling magsasagawa ng pamamahagi ng libreng school supplies para sa mga kabataang mag-aaral ng ating barangay.
Layunin ng proyektong ito na makatulong sa mga mag-aaral na residente ng Barangay Dampalit na may edad 15 hanggang 30 taong gulang (Junior High School, Senior High School, at College).
Sagutan ang form na ito upang maisama sa listahan ng mga makakatanggap ng iSKul Kit:
๐ https://forms.gle/uLXonyaqY5aKB3HG8
๐ https://forms.gle/uLXonyaqY5aKB3HG8
๐ https://forms.gle/uLXonyaqY5aKB3HG8
๐ Limited Slots only!
โฐ Deadline ng pagsagot: June 5, 2026 (Biyernes) hanggang 11:59 PM lamang
๐ชช Paalala: Magdala ng valid School ID o School Registration Card sa araw ng pamamahagi bilang patunay ng pagkakakilanlan.
Ang opisyal na listahan ng mga makatatanggap ay ipo-post dito sa page ng Sangguniang Kabataan ng Dampalit bago ang araw ng pamamahagi.
04/06/2026
SCHOOL-BASED LAUNCH OF THE READING NOOKS: โREADING TO RISE PROGRAMโ
Ang Sangguniang Kabataan ng Dampalit ay naimbitahan ng Dampalit Integrated School upang maging hurado sa matagumpay na Launch of the Reading Nooks: Reading to Rise Program.
Isang karangalan na masaksihan ang dedikasyon ng paaralan sa pagsusulong ng kultura ng pagbabasa at pagpapalakas ng literacy ng mga mag-aaral. Ang bawat reading nook na aming nakita ay tunay na kapuri-puri, maayos ang pagkakagawa, malikhain ang disenyo, at malinaw na inisip para maging kaaya-ayang lugar ng pagkatuto at pagbabasa.
Lahat ng reading nooks ay kahanga-hanga sa kanilang sariling paraan. Makikita ang sipag, creativity, at malasakit ng mga g**o, magulang at mag-aaral sa pagbuo nito. May mga disenyo ring talagang stand out hindi lamang maganda sa paningin kundi praktikal at siguradong magagamit nang maayos ng mga mag-aaral sa darating na pasukan. Ang mga ito ay magagamit upang mas mahikayat pa ang kabataan na magbasa at matuto sa mas komportableng kapaligiran.
Ang ganitong mga proyekto ay patunay na ang edukasyon ay hindi lamang nasa loob ng silid-aralan, kundi patuloy na lumalago sa pamamagitan ng inisyatiba, kolaborasyon, at malasakit ng bawat sektor ng komunidad.
04/06/2026
Nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Dampalit sa Culminating Activity ng ARAL Program ng Dampalit Elementary School 1 at Dampalit Integrated School.
Ang ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) Program ay isang inisyatiba ng Department of Education na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na mapunan ang kanilang learning gaps at higit pang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbasa at matematika.
Masaya naming nasaksihan ang bunga ng pagsisikap at dedikasyon ng mga mag-aaral na naging bahagi ng programang ito. Sa kabila ng bakasyon, pinili nilang maglaan ng oras upang matuto at mas paghusayin ang kanilang kaalaman. Ang kanilang pagtatapos ay patunay na ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay susi sa tagumpay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga g**o, ARAL tutors, mga magulang, at lahat ng stakeholders na naging katuwang sa pagpapatupad ng programang ito. Ang inyong suporta at malasakit ay malaking bahagi ng paghubog sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Binabati namin ang lahat ng ARAL Program 2026 Completers! Nawaโy magsilbing inspirasyon ang karanasang ito upang patuloy kayong magsikap, mangarap, at abutin ang inyong mga mithiin.
Congratulations sa inyong lahat! ๐
02/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐
-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
Handa ka na bang magkaroon ng bagong oportunidad at mas magandang kinabukasan?
Narito na ang pagkakataon para maging bahagi ng ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, isang programang naglalayong ihanda ang kabataang Malabueรฑo para sa ๐ ๐ซ๐๐๐ง ๐ฃ๐จ๐๐ฌ, ๐ฅ๐ข๐ฏ๐๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐, at ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐!
Sa nagdaang ECO-Youth Project na isinagawa katuwang ang World Vision at Department of Labor and Employment, maraming kabataang Malabueรฑo ang nagpakita ng interes na matuto, magkaroon ng bagong kasanayan, at mabigyan ng oportunidad para sa mas maayos na kinabukasan.
Ngayon, muling nagbubukas ang pagkakataon para sa mga Out-of-School Youth (OSY) na nais magkaroon ng dagdag kaalaman, livelihood opportunities, at paghahanda para sa green jobs at sustainable careers.
Kung nais mong magkaroon ng bagong simula at maging bahagi ng programang nagbibigay pag-asa at oportunidad ito na ang iyong pagkakataon!
Ngayon, muling nagbubukas ang pagkakataon para sa mga kabataang nais:
โ
Open para sa edad 16-24 years old
โ
Magkaroon ng bagong kaalaman at skills
โ
Matutunan ang Green Careers at Green Enterprise
โ
Magsimula ng sariling kabuhayan
โ
Makahanap ng oportunidad sa trabaho
โ
Maging bahagi ng mas sustainable at progresibong komunidad
Hindi mahalaga kung saan ka nagsimula, ang mahalaga ay handa kang magsimulang muli.
Naniniwala kami na ang bawat kabataang may pangarap ay karapat-dapat mabigyan ng pagkakataon. Sama-sama nating buksan ang pinto tungo sa mas maliwanag, mas matatag, at mas makakalikasang kinabukasan.
๐ Mag-register na at maging bahagi ng pagbabago!
๐ Scan the QR Code or click the link below for registration and further details.
https://forms.gle/pMQX4je8R7PDLkGf8
02/06/2026
Mula sa maliliit na ambag, nabubuo ang malalaking pangarap.
Buong puso pong nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Dampalit sa adhikain ng ๐.๐.๐. ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ sa pamamagitan ng pagbabahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral ng Dampalit Integrated School.
Maraming salamat sa SSLG ng Dampalit Integrated School sa pangunguna nina Alexis P. Sardido at Stayce Lee Ayesha S. Rotairo para sa makabuluhang proyektong ito. Nawaโy mas marami pa tayong kabataang mabigyan ng pag-asa at pagkakataong magtagumpay.
02/06/2026
Sa bawat walis na hinahawakan, bawat silid na nililinis, at bawat oras na inilalaan, buhay ang diwa ng bayanihan para sa ating mga mag-aaral.
Tayo po ay nakiisa sa Opening ng Brigada Eskwela 2026 na may temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.โ Kasama sina SK Chairperson Lady Ciane Cruz, Kapitan Edilberto โButchโ Cruz, at Kagawad Arman Vicencio sa pagsuporta sa programang naghahanda sa ating mga paaralan para sa isang matagumpay at ligtas na pagbubukas ng klase.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, kabataan, at mamamayan na makibahagi at mag-volunteer sa Brigada Eskwela ngayong Hunyo 1โ5, 2026 sa Dampalit Integrated School at Dampalit Elementary School 1.
Ang simpleng pagtulong ay malaking ambag sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan. Sama-sama nating patunayan na kapag nagkakaisa ang komunidad, walang imposible.
29/05/2026
Maraming salamat sa Kabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT sa matagumpay na pagsasagawa ng Love, S*x, Safety (L.S.S.) Community Education Session. Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Ms. Gennica Dela Cruz sa pagiging speaker at sa pagbabahagi ng mahalagang kaalaman sa mga kabataang Dampalit.
Malaki ang aming natutunan tungkol sa S*xual and Reproductive Health, responsableng pagdedesisyon, at pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan bilang kabataan. Naging mas malinaw rin sa amin ang mga isyung kinahaharap ng kabataan at kung paano ito haharapin nang may sapat na kaalaman at pananagutan.
Hindi lamang impormasyon ang aming natanggap kundi inspirasyon din upang maging mas mulat at responsable sa aming komunidad. Ang mga aral na aming natutunan ay aming dadalhin at ibabahagi sa iba.
Ang kabataang may tamang kaalaman ay may kakayahang gumawa ng tamang desisyon. Maging maalam, maging mulat, at maging responsable para sa mas ligtas na kinabukasan.
26/05/2026
๐๐จ๐ฏ๐, ๐๐๐ฑ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ (๐.๐.๐) ๐
Inaanyayahan namin ang mga kabataang edad 15-24 years old na makiisa, matuto, at makinig sa isang makabuluhang community education tungkol sa Love, S*x, at Safety na hatid ng Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT).
๐ May 28, 2026
โฐ 1:00 PM โ 5:00 PM
๐ Brgy. Dampalit Hall, 3rd Floor
Tatalakayin dito ang mga importanteng usapin tungkol sa:
โข S*xual and Reproductive Health
โข Mental Health
โข Kaligtasan at Responsableng Pagdedesisyon
โข At iba pang mahalagang kaalaman para sa kabataan
Sa mga gustong sumama at matuto, maaaring i-comment o mag-message dito sa aming page ang inyong FULL NAME Kita-kits, kabataang Dampalit!
23/05/2026
SK Grand Sagalahan 2026 ๐
Mula po sa Sangguniang Kabataan ng Dampalit, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ating nakasama at nakiisa sa ating Sagalahan 2026.
Naging makulay ang gabi dahil sa mga nag-gagandahan at nag-gagwapuhan, makukulay na kasuotan, at mga ngiting tunay na nagbigay-buhay sa ating selebrasyon.
Bagamaโt maikli lamang ang naging panahon ng preparasyon, lubos po kaming natutuwa at nagpapasalamat sa inyong pakikiisa at suporta upang maging matagumpay ang ating programa. Hindi man po inaasahan ang pag-ulan, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naghintay, nagtiyaga, at nanatili upang makiisa hanggang sa matapos ang ating programa.
Maraming salamat din po sa lahat ng tumulong, naglaan ng oras, pagod, at suporta upang mairaos nang maayos ang ating Sagalahan:
โข Kapitan Butch Cruz at Council
โข Sir El John Dela Cruz
โข Mayor Jeannie Sandoval
โข Vice Mayor Edward Nolasco
โข Kamaraโs Fire Brigade Inc.
โข Cyrixx Cruz
โข Kakampi at Sandigan ng Kabataang Dampalit
โข Dampalit Tanods
โข Dampalit Ladies Brigade
โข Infinity Prints
โข Binibining Dampalit 2024
โข Ginoo at Binibining Dampalit 2025
โข At sa lahat ng ating masisipag na volunteers
Muli, mula sa puso ng Sangguniang Kabataan ng Dampalit, maraming maraming salamat po sa inyong lahat! ๐
21/05/2026
SK SAGALAHAN 2026
๐ May 23, 2026 (Sabado)
๐ 6:00 PM
๐ Starting Point: Damzon (Academia)
๐ End Point: Rodriguez Court