Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong

Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong, Government Official, Multi-Purpose Hall, 2nd Floor, 2nd Street Tañong Malabon City, Malabon.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong's post 01/06/2026

Buong pusong nakiisa at sumuporta ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong sa Brigada Eskwela bilang pagpapakita ng malasakit at dedikasyon para sa edukasyon ng ating mga kabataan.

Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan. Ito ay isang mahalagang programa na nagpapakita ng bayanihan, pagkakaisa, at pakikipagtulungan ng komunidad upang matiyak na handa, ligtas, at kaaya-aya ang kapaligiran ng pag-aaral para sa bawat estudyante. Sa pamamagitan nito, mas nagiging inspiradong matuto at mangarap ang mga kabataang Tañong para sa kanilang kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng mga boluntaryo, g**o, magulang, at kabataang nakiisa. Sama-sama nating itaguyod ang kalidad na edukasyon para sa bawat kabataang Tañong!

01/06/2026

𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒌𝒖𝒍𝒂𝒚 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂...

Ang pagtanggap ay hindi lang nakukulong sa mga salita o 'di kaya ay nasusulat lang sa tubig. Malaki ang role nating mga kabataan sa pagsisig**ong lahat ay makararanas ng "safe space".

Ngayong , simulan natin na bigyang boses ang iba't ibang kulay sa komunidad. Iwagayway ang bandera ng bahaghari at ipagmalaki ang natatanging kakayahan ng taong may diverse na S*xual Orientation, Gender Identity and Expression, and S*x Characteristics (SOGIESC).

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong ay nakikiisa sa panawagang wakasana ng anumang uri ng diskriminasyon at magpagpasa ng polisiyang magbibigay ng proteksyon sa mga kapatid natin sa LGBTQIA+ Community.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong's post 01/06/2026

𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉 I Matagumpay na natapos at naaprubahan ang Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP) at Annual Barangay Youth Investment Plan (ABYIP) para sa Kabataan Tañong noong May 2026.

Ang Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP) ay tatlog taong plano na hango sa Philippine Youth Development Plan (PYDP) at Local Youth Development Plan (LYDP) ng City Government para sa buong kainaman ng mga kabataan sa Malabon.

Kaugnay nito, ang Annual Barangay Youth Investment Plan (ABYIP) ay mga aktibidad na pinagplanuhan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong na hango sa mga Focus Group Discussion (FGDs) at Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly. Naka-outline rito ang mga programa, proyketo, at aktibidad na nakaayon sa pangangailangan ng mga Kabataan sa ating Barangay.

Para sa mga susunod na update, maari niyong i-like ang ating Official page.

Photos from Tatak Tañong's post 16/05/2026
16/05/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐈𝐏𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐍𝐄𝐆𝐎𝐒𝐘𝐎

Isang proyekto na kung saan nagbibigay ng kakayahan sa mga kabataan na matuto makapag ipon at imulat ang mga isipan sa pagsisimula sa sariling negosyo.

Simple kwentuhan, simpleng pangarap, kaya Ano Taraa Negosyo tayo.

01/05/2026

Sa bawat pawis na tumutulo,
may kwento ng sipag, tiyaga, at pangarap.
Sa bawat kamay na kumikilos,
nabubuo ang lakas ng isang bayan.

Hindi man laging napapansin,
ang bawat manggagawa ang tunay na sandigan
tahimik na bayani sa likod ng pag-unlad
at pag-asa ng kinabukasan.

Kabataan man o nakatatanda,
iisa ang ambag sa paghubog ng mas maayos na mundo
sa maliit man o malaking paraan,
bawat gawa ay may saysay.

Sa panahon ng hamon at pagbabago,
ang sipag at pagkakaisa ang patuloy na magtataas sa atin.
Dito nasusukat ang tunay na lakas:
sa pagtindig, sa pagsisikap, at sa hindi pagsuko.

Ngayon, ipagdiwang natin ang dignidad ng paggawa
at ang puso ng bawat Pilipinong patuloy na lumalaban.

Maligayang Araw ng Paggawa! 🇵🇭

22/04/2026

𝙃𝙖𝙥𝙥𝙮 𝘽𝙞𝙧𝙩𝙝𝙙𝙖𝙮 𝙎𝙆 𝙆𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙙 𝙋𝙚𝙚𝙤𝙣𝙖 𝘼𝙨𝙝𝙡𝙚𝙮 𝙆𝙮𝙡𝙖 𝘽. 𝙏𝙖𝙥𝙞𝙖! 🥳
Happy Birthday! May your day be filled with laughter, love, and all the things that bring you joy. Wishing you endless happiness and a year full of amazing moments ahead!

- Greetings from your SK Family! 💜

09/04/2026

Sa bawat pintig ng puso ng kabataan,
naroon ang kwento ng tapang na hindi kumukupas.
Hindi man tayo nasa gitna ng laban noon,
dala natin ang diwa ng mga bayani sa bawat hakbang ngayon.

Sa simpleng pagtindig para sa tama,
sa pag-abot ng pangarap,
at sa pag-asa para sa mas maayos na bukas
dito muling nabubuhay ang tunay na kahulugan ng kagitingan.

Ang lakas ng kabataan ay hindi nasusukat sa edad,
kundi sa tapang na harapin ang hamon ng panahon
at sa pusong handang maglingkod sa kapwa.

Sa araw na ito, alalahanin natin
ang kabataan ang susunod na bayani
at sa bawat maliit na gawa,
nagiging bahagi tayo ng mas malaking pagbabago.

Maligayang Araw ng Kagitingan! 🇵🇭

26/03/2026

Homegrown talent, registered voter in Barangay Tañong

Ito na ang pagkakataon para ipakita ang galing, tapang, at puso sa paglalaro! Hindi lang ito laban sa court. Ito ay laban ng pangarap, pagkakaibigan, at pagmamalaki sa sariling streets ng ating Barangay. 🏀💯

Mga Bracket:
• 13 Under
• 17 Under
• 25 Under
• 26 Above

Sama-sama nating buhayin ang sportsmanship, respeto, at pagkakaisa ng kabataan sa ating komunidad. Ipakita ang tunay na lakas hindi lang sa laro, kundi sa puso. ❤️

📢 Maghintay lamang sa iba pang mga anunsyo para sa karagdagang detalye.

20/03/2026

Eid Mubarak! 🌙✨

Sa kabila ng ating pagkakaiba-iba sa paniniwala, kultura, at pinanggalingan nananatiling iisa ang ating puso sa diwa ng pagkakaisa, pagmamahalan, at pagbibigayan. Sama-sama tayong magdiwang bilang isang komunidad na may respeto at malasakit sa isa’t isa.

Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Multi-Purpose Hall, 2nd Floor, 2nd Street Tañong Malabon City
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm