16/05/2026
Malabon City Housing and Urban Development Department
Official page of Malabon City Housing and Urban Development Department #MalabonAhon
16/05/2026
14/05/2026
BREAKING NEWS: Nagsimula na ang rotating power interruption sa ilang lugar sa Malabon dakong 6:00 PM matapos magpatupad ang MERALCO ng emergency load dropping bunsod ng red alert status sa Luzon Grid.
Ayon sa abiso, posibleng maapektuhan ang ilang bahagi ng Acacia, Baritan, Bayan-Bayanan, Catmon, Concepcion, Dampalit, Flores, Hulong Duhat, Longos, Muzon, Niugan, Tonsuya at Potrero. Inaasahan ding magpapatuloy ang rotational brownout mula 9:00 PM hanggang 12:00 MN sa ilang lugar.
Ayon sa NGCP, hindi sapat ang suplay ng kuryente upang matugunan ang kasalukuyang demand sa Luzon.
13/05/2026
Libreng Anti-Rabies Vaccination sa Barangay Niugan para sa Kalusugan ni Fur Baby πΆπ
Magkakaroon ng libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang a*o sa Brgy. Niugan bukas, Mayo 6, 2026 (Miyerkules), mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Niugan Basketball Covered Court.
Bahagi ito ng naka-iskedyul na anti-rabies vaccination program na isinasagawa sa ibaβt ibang barangay ng lungsod. Layunin ng City Health Department na mapanatiling malusog ang mga fur babies at maprotektahan ang komunidad laban sa rabies.
Inaanyayahan ang mga residente ng Brgy. Niugan na dalhin ang kanilang mga alagang a*o upang mabakunahan nang libre. Para naman sa mga residente ng ibang barangay, abangan ang susunod na schedule sa inyong lugar.
Manatiling naka-like at follow sa page ng Malabon City Government at City Health Department para sa mga update sa mga programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.
13/05/2026
π¨ PAALALA SA PUBLIKO | 7 ARAW NA LANG PARA MAGPAREHISTRO BILANG BOTANTE! π³
Pitong araw na lamang bago tuluyang magsara ang voters registration para sa November 02, 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE 2026).
Kung ikaw ay:
βοΈ bagong botante
βοΈ magpapalipat ng rehistro
βοΈ magpapabago ng impormasyon
βοΈ o magpapa-reactivate ng inactive voter record
ngayon na ang panahon para ayusin ito bago ang deadline sa MAYO 18, 2026.
Isinasagawa ang huling mga araw ng registration sa:
π Robinsons Town Mall Malabon, 2nd Level, katabi ng Tomβs World
π 8:00 AM β 5:00 PM
π
Martes hanggang Sabado hanggang Mayo 18, 2026
βοΈ Walang registration tuwing Lunes maliban sa Mayo 18, 2026
Ang pagboto ay hindi lamang simpleng paglalagay ng pangalan sa balota. Ito ay pagkakataong makilahok sa mga desisyong direktang makaaapekto sa inyong barangay, kabataan, pamilya, at komunidad mula sa mga programang ipatutupad hanggang sa mga lider na maglilingkod sa susunod na mga taon.
Sa bawat hindi nakakapagparehistro, may isang boses na hindi maririnig sa darating na halalan.
Narito ang kumpletong requirements at proseso para sa registration, transfer, reactivation, at iba pa:
π https://www.facebook.com/share/1DxiCe2Zsu/?mibextid=wwXIfr
Huwag hintaying maubusan ng oras. Magparehistro na habang may panahon pa. π³
13/05/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Website
Address
F. Sevilla Boulevard San Agustin Malabon City
Malabon
1470
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
