Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya

Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya, Tonsuya, Malabon.

Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya's post 15/07/2023

Naibahagi na po natin ang ating Hygiene Kit para sa mga buntis noong July 11, 2023. Nagakaroon rin po tayo ng panandaliang talakay sa usaping Safe Mother Session na pinangunahan ni MS.Hernanie Baysa (Midwife III), Breastfeeding Session na pinangunahan ni Mrs. Mariza Vicencio at Mrs.Edelyn Cantelero. Tayo po ay naghandog sa mga nagdadalang tao na nagpapakonsulta sa ating pong Super health center ng mga
Hygiene Kit na tiyak pong kahit papano ay makakatulong.



Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya's post 12/07/2023

Magandang Araw po Tonsuyanos
Bilang pakikiisa po sa nutrition month ngayong buwan ng Hulyo tayo po ay naghandog ng mga Hygiene Kit na ipapamahagi po natin sa ating mga kabarangay na buntis. Ang pagkakaroon po ng tama at maayos na hygiene sa katawan ay ang pagkakaroon po na malakas at malusog na pangangatawan upang makaiwas sa ano mang uri ng sakit sanhi ng dumi.



Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya's post 29/06/2023

Mabuhay Tonsuyanos, Kamakailan ay atin pong tinulungan ang mga residente ng Paradise 2 na maisaayos at malagyan ng takip ang mga kanal na maaaring makadisgrasya sa ating mga kabarangay kaya naman tayo ay nagbigay ng mga materyales para sa pag gawa nito. Hangad po namin ang kaligtasan ng bawat isa.



Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya's post 26/06/2023

Mabuhay Tonsuyanos, Kamakailan po ay ipinagawa po natin ang mga parteng may sira o nasira na sa Letre Court ng sa gayon po ay magamit ito ng maayos at walang mapahamak at ng mapakinabangan ng matagal ang atin pong mga pasilidad. Hangad ko po na maging maayos at ligtas ang paglalaruan ng mga tonsuyanos.


Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya's post 24/06/2023

HAPPY FIESTA TONSUYA!!!

Sa unang pagkakataon nagsamasama ang lahat ng lugar sa tonsuya PARADISE, FLOVI, KADIMA, DAMATA AT PROPER ito ay nagpapakita ng nagkakaisang Tonsuyanos. Hindi ito ang una’t huling magkakaroon ng ganto kasayang pagdiriwang sa Tonsuya. Maraming Salamat po sa lahat ng tumulong, nakiisa at nakidalo.


18/06/2023

Happy Father’s day sa lahat ng Ama, mga Nagpapakatatay para sa pamilya sa mga Single Mom na tumatayong Ama’t Ina Nawa’y bigyan pa kayo ng Diyos ng Malakas at Malusog na Pangangatawan dahil kayo ang aming sandalan at tibay mga haligi ng tahanan. Mabuhay kayo!


Photos from Jaye Lacson-Noel's post 17/06/2023
11/06/2023

Magandang Araw mga Kabataan ng Barangay Tonsuya!

Kinagagalak po namin na maimbitahan po kayo sa darating na June 12, 2023 alas Sais (6) ng gabi hanggang alas Dose (12) ng madaling araw sa Delos Santos 3, Tonsuya Malabon City.
Dahil ang Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya Council ay may inahanda muli para sa inyo ito ay ang "HYDROFOAM PARTY 2023". Kaya’t tara na at makisaya, makisayaw ay mag-enjoy sa handog naming party para sa inyo.

Kitakits Tonsuyanos.

NOTE: NO ENTRANCE FEE
TONSUYA RESIDENCE ONLY

Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya's post 30/05/2023

"KAPIT BISIG SEASON 2 BASKETBALL LEAGUE 2023 "
Nagpapasalamat ako at ang buong konseho sa Samahan ng Kapit Bisig sa pangunguna ni Sir JOHN FRANCISCO sa pag imbita sa akin sa kanyang paliga. Bilang pagsuporta sa kanyang paliga tayo ay nagdonate ng mga trophy na maibibigay sa mga kabataang mananalo sa kanilang paliga.

Bilang kabataan asahan nyo na lagi kaming nakasuporta sa inyong mga proyekto na makakatulong sa ating mga kabataan.


Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Tonsuya's post 30/05/2023

"Palmario Summer Basketball League 2023"

Bilang pagsuporta sa ating mga kabataan ng Palmario at Pilapil Area tayo ay nakiisa sa kanilang kauna-unahang Summer League na pinangungunahan ng CODY (Courageous, Optimistic, Diligent Youth).Bilang pakiisa sa kanilang unang summer league tayo ay nagdonate ng pintura upang maging maganda at malinis at mag bigay kulay sa kanilang court at tayo rin ay nagdonate ng dalawang Solar Light na magbibigay tulong liwanag sa kanilang court.

Nawa'y maging maayos at matagumapy ang inyong kauna-unahang summer league.


Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Tonsuya
Malabon
1470