09/09/2026
๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ ๐ฎ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐ฅ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ผ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฃ๏ธ
Sa kabila ng masamang panahon, nanaig ang malasakit at aktibong pakikilahok ng Kabataang Catmon! Noong Agosto 29, 2026, matagumpay na isinagawa ang KK General Assembly for the 2nd Semester of 2026 sa Catmon Integrated School Court, kung saan dumalo ang maraming miyembro ng Katipunan ng Kabataan at mga youth organizations upang makiisa, makinig, at maging bahagi ng mga usaping mahalaga para sa ating kabataan.
Ibinahagi ng SK Catmon Council ang kanilang Accomplishment Report, gayundin ang mga kasalukuyan at nakalatag na proyekto at programa para sa mga susunod na buwan. Naging mahalagang bahagi rin ng assembly ang Leadership Training, na naglalayong hubugin at palakasin ang kakayahan ng mga kabataang lider upang maging mas epektibong katuwang sa paglilingkod sa kapwa kabataan.
Higit sa lahat, naging daan ang pagtitipong ito upang marinig ang boses ng Kabataang Catmon, ang kanilang mga suhestyon, rekomendasyon, at komendasyon para sa buong SK Council. Ang bawat saloobin ay mahalaga at magsisilbing gabay sa patuloy na pagbuo ng mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng kabataan.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng active youth at youth organizations na nakibahagi, nakinig, at naglaan ng kanilang oras para sa makabuluhang pagtitipong ito.
Maraming salamat din kina SK Secretary of Brgy. Taรฑong and Ka-CHAT Representative, Mr. Justin Manalaysay at Vice Chairman of Kaya Natin Youth Malabon, Mr. Mich Gabuyo, sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at makabuluhang diskusyon na tunay na nakatulong at nagbigay-inspirasyon sa ating mga kabataang lider. Maraming salamat din kay Brgy. Kagawad Reymond Gabriel sa pagpapaunlak ng aming imbitasyon at pagbibigay ng mensahe para sa mga lider kabataan.
Sa pamunuan at staff ng Catmon Integrated School, maraming salamat po sa inyong pahintulot at pakikipagtulungan upang magamit ang inyong covered court bilang venue ng ating assembly. At sa lahat ng indibidwal na tumulong at naging bahagi upang maging matagumpay ang pagtitipong ito, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!
Sama-sama tayo, , sa pagpapatuloy ng nasimulang pag-unlad. ๐ค
Mula sa SK Catmon Council, sa pangunguna ni SK Chairman Vincent John โVJโ Tibang, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa! ๐