20/06/2026
Malabon Ahon Blue Card
Official page for the City Government of Malabon's Malabon Ahon Blue Card Program
20/06/2026
20/06/2026
19/06/2026
ππ Mamasyal, Mamili, at Magpabakuna!
Habang namimili sa mall, maaari ring tiyakin ng mga magulang na protektado ang kanilang mga anak laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng libreng pagbabakuna sa mga itinakdang MR SIA Fixed Post Vaccination Areas.
π Fisher Mall Malabon
π
Lunes hanggang Sabado
π 1:00 PM β 5:00 PM
π 3rd Floor, tapat ng Executive Optical
π Malabon Citi Square
π
Lunes hanggang Sabado
π 1:00 PM β 5:00 PM
π 2nd Floor, tapat ng Executive Optical
π§π¦ Inaanyayahan ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan upang makatanggap ng libreng bakuna laban sa tigdas at rubella.
Ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.
π‘οΈ Isang bakuna, dagdag proteksyon para sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na komunidad.
19/06/2026
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." β Dr. Jose P. Rizal
Sa paggunita ng ika-165 kaarawan ni Dr. Jose Rizal, nawa'y magsilbing inspirasyon ang kanyang mga salita sa ating kabataan na maging tagapagtaguyod ng kultura, kasaysayan, at turismo ng ating bayan. Bilang pag-asa ng bansa, mahalaga ang kanilang papel sa pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga pamanang yaman, mga makasaysayang lugar, at mga tradisyong Pilipino.
Maligayang ika-165 Kaarawan, G*t Jose Rizal!
Nawa'y patuloy nating isulong ang makabuluhang turismo at pagmamahal sa bayan para sa susunod na salinlahi. π΅πβ¨
18/06/2026
π’ Nakiisa ang Monitoring, Evaluation, Accountability and Learning (MEAL) Office at Malabon Ahon Blue Card (MABC) sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong June 18, 2026, alas-9:00 ng umaga.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na pinagtitibay ang kahandaan at kaalaman ng mga kawani sa wastong pagtugon sakaling magkaroon ng lindol. Mahalaga ang pagiging alerto at handa upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
π Tandaan sa oras ng lindol: DUCK! COVER! HOLD! π¦Ίπ
18/06/2026
β° MAMAYA NA ang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)!
Inaanyayahan ang lahat ng MalabueΓ±os na makiisa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026, ika-9 ng umaga.
Inaabisuhan ang publiko na sabay-sabay na makiisa sa pagsasanay sa loob ng inyong mga tahanan, paaralan, opisina, at mga establisimyento.
π Maging ang mga kliyenteng may kasalukuyang transaksyon sa City Hall sa oras na ito ay kinakailangang makikilahok din sa aktibidad bilang bahagi ng ating paghahanda sa sakuna.
Sa oras ng drill, tandaan ang Duck, Cover, and Hold para sa kaligtasan ng lahat.
Sama-sama nating palakasin ang kahandaan at kaligtasan ng bawat MalabueΓ±o.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
City Hall
Malabon
