Sangguniang Kabataan ng Barangay Longos

Sangguniang Kabataan ng Barangay Longos

Share

Sangguniang Kabataan ng Barangay Longos

Photos from Barangay Longos's post 25/03/2026
Photos from Youth Of Longos Organization's post 25/03/2026
25/03/2026

ππ‘π†π˜. π‹πŽππ†πŽπ’ πŠπ€π‘π€πŠπŽπ‹ πŸπŸŽπŸπŸ” πŸ’œπŸ’ƒπŸΌπŸŽ­

Buong galak naming inaanunsyo na ngayong taon ay muli nating bubuhayin ang isa sa pinakaaabangang tradisyon ng ating komunidad β€” ang Karakol 2026, na gaganapin sa darating na Mayo 1, 2026!

Inaanyayahan ang lahat ng bonafide residents ng Longos na makiisa at maging bahagi ng makulay at masiglang selebrasyong ito. Ipakita natin ang ating pagkakaisa, talento, at pagmamalaki sa ating kultura!

Huwag magpahuli! Tipunin ang inyong grupo Sama-sama nating ibalik ang sigla at saya ng Karakol sa ating Barangay!

Para sa iba pang detalye, ipopost po namin sa official page ng Brgy. sa mga susunod na anunsyo.

✨ Karakol 2026: Tradisyon, Pagkakaisa, at Makabagong Kamalayan! ✨


.Longos

20/03/2026

ππšπ π›πšπ­π’ 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐨𝐧𝐠𝐨𝐬 𝐍𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧𝐚π₯ 𝐇𝐒𝐠𝐑 π’πœπ‘π¨π¨π₯

Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa ating mga manlalaro ng Basketball Girls sa matagumpay nilang paglahok sa NCR Palaro! Ipinagmamalaki naming ipahayag na nakamit nila ang ika-6 na puwesto mula sa labing-anim na lungsod na lumahok.

Ang inyong dedikasyon, pagtutulungan, at ipinakitang husay sa bawat laro ay tunay na inspirasyon. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagpupursigi at sa karangalang inyong inihatid sa ating komunidad. Patuloy nawa kayong maging inspirasyon sa mga kabataan!


17/03/2026

πŸ“’ ππ”ππ‹πˆπ‚ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜ | ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π‹πŽππ†πŽπ’

Ipinapaalam po sa lahat na walang pasok ang opisina ng Barangay Longos sa 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 𝟐𝟎, πŸπŸŽπŸπŸ” | π…π«π’ππšπ², para sa mga sumusunod na transaksyon:
β€’ Barangay Clearance
β€’ Business Permit
β€’ Iba pang serbisyo ng barangay

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadan).

βœ… Bukas naman po ang Tanod Office sa March 20, 2026, upang patuloy na magbigay ng seguridad at agarang tulong sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa. Nawa’y magkaroon tayo ng mapayapa at makabuluhang pagdiriwang.



Photos from Malabon City Government's post 11/03/2026

πŸ“’ ABISO SA PUBLIKO: SATELLITE VOTERS REGISTRATION

Alinsunod sa Section 9 ng COMELEC Resolution No. 11177, o ang β€œRules and Regulations on the Conduct of the System of Continuing Registration of Voters para sa November 2, 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE),” ipinababatid sa publiko ang SCHEDULE NG SATELLITE VOTERS REGISTRATION sa Lungsod ng Malabon.

Layunin nitong mas mapalapit sa mga mamamayan ang proseso ng pagpaparehistro, paglipat, o pag-update ng voter’s record upang makalahok sa darating na halalan.

πŸ“ Tingnan ang mga detalye ng petsa, oras, at lugar ng Satellite Voters Registration sa kalakip na anunsyo.

Hinihikayat ang lahat ng kwalipikadong MalabueΓ±o na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagparehistro at makibahagi sa pagpili ng mga susunod na lider ng inyong barangay at ng Sangguniang Kabataan.

πŸ—³ Magparehistro. Makilahok. Makiisa sa pagpapalakas ng ating demokrasya.

03/03/2026

πŸ’œπŸ«‚

07/02/2026

SK Longos Sports League 2025 - Championship GameπŸ’œπŸ€™πŸ»

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Longos's post 06/02/2026

CHAMPIONSHIP GAME!πŸπŸ€

πŸ“£ SK Sports League 2025 – Schedule para sa February 7, 2026! πŸ€πŸ’œ

Mga kabataang kasali sa SK Longos Sports League 2025, ihanda na ang inyong lakas, sportsmanship, at sigasig!

Layunin ng SK Sports League 2025 na mapalakas ang samahan ng kabataan, mapaigting ang disiplina sa laro, at itaguyod ang malusog na pamumuhay sa ating komunidad.

Kita-kits sa court sa February 7, 2026!
πŸ† Sama-sama nating ipakita ang tunay na diwa ng palakasan, pagkakaisa, at kabataang may malasakit! βœ¨πŸ’œ


Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Longos's post 05/02/2026

πŸ“£ Kabataang Longosians, sama-sama nating suportahan ang ating Longos Women’s & Men’s Volleyball Team sa kanilang Championship Game! 🏐πŸ”₯

Isang makasaysayang laban ang ating masasaksihan bukas (February 6, 2026), kaya’t inaanyayahan ang lahat ng kabataan at mamamayan ng Longos na makiisa at ipakita ang buong suporta sa ating mga atletang patuloy na nagbibigay karangalan sa ating komunidad.

Ang kanilang sipag, disiplina, at determinasyon ay patunay ng tunay na pusong Longosian. Ngayong sila ay nasa championship stage na, mas kailangan nila ang ating presensya, sigla, at panalangin para sa tagumpay.

πŸ“ Venue: Brgy. Tugatog, Malabon City
πŸ•– Time: 7:00 P.M.

Halina’t punuin natin ang venue ng lakas at suporta!
Sabay-sabay nating isigaw: Go Longos! Ipanalo natin β€˜to! πŸ’ͺπŸ†




Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Longos's post 04/02/2026

Isinagawa ng DILG–Malabon ang isang Surprise Audit and Assessment sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Longos, kabilang ang masusing pagsusuri sa aming Full Disclosure Board, upang matiyak ang pagsunod nito sa mga pamantayan ng pagiging aligned, kumpleto, at maayos na naidokumento ang lahat ng Financial and Property Transactions para sa Fiscal Year 2025.

Nanatiling matatag ang SK Longos sa pagsusulong ng transparency, accountability, at good governance bilang bahagi ng aming responsableng paglilingkod sa kabataang Longosians at sa buong pamayanan.

-MALABON

Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Longos
Malabon
1472