Malabon TV

Malabon TV

Share

Reliable and trusted television platform for all Malabueños.

08/06/2026

Umabot na sa 75% ang konstruksyon ng Tinajeros B Housing Project, ayon sa pinakahuling monitoring ng City Housing and Urban Development Department.


08/06/2026

Nagsagawa ng Regular Board of Regents Meeting ang City of Malabon University kasunod ng CHED Institutional Recognition nito bilang Higher Education Institution.



08/06/2026

Ready to learn and grow?

Open pa ang registration para sa ECO-Youth Program ng PESO Malabon para sa mga out-of-school youth na edad 16 hanggang 24.

Registration is open until June 28, 2026.

08/06/2026

WELCOME BACK TO SCHOOL, LEARNERS! 📚🎒

Nagsimula na ang unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Malabon.

Sa Malabon National High School at Malabon Elementary School, sinimulan ang pagbubukas ng klase sa flag ceremony na sinundan ng pamamahagi ng hot meals para sa mga mag-aaral.

08/06/2026

Opisyal nang inilunsad ang Reading Nooks: Reading to Rise Program sa Ninoy Aquino Elementary School upang higit pang mapaigting ang kultura ng pagbabasa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Malabon.

07/06/2026

Halina't saksihan ang Flag Raising Ceremony ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Malabon City Jail Female Dormitory dito sa Malabon City Hall Lobby.

Bagong linggo, bagong pagkakataon para magkaisa para sa pagpapabuti ng ating komunidad tungo sa mas maunlad na Malabon.


Photos from Malabon TV's post 07/06/2026

Sa pagsisimula ng Balik-Eskwela 2026 ngayong araw, halos 62,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Malabon ang nagbalik-eskwela.

07/06/2026

Narito na ang mga tampok na balita ngayong linggo sa Malabuenews Weekend Report, mula sa mga programa at inisyatiba ng lokal na pamahalaan hanggang sa makukulay na aktibidad sa lungsod.

Panoorin at manatiling updated, mga Malabueño!



07/06/2026

Narito ang mga headlines para sa Malabuenews Weekend Report.

Abangan ang buong detalye mamayang 7 PM sa Malabon TV kasama sina Abby Peralta at Clarisse Pagobo.



07/06/2026

Paalala sa mga Motorista at Commuters

Magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng kalsada sa Rizal Avenue (General Luna Area) ngayong Hunyo 7, 2025, alas-2:00 ng hapon para sa pagdaraos ng Reyna ng Bulaklakan.

Ruta ng Sagala:
📍 Rizal Avenue
Kaliwa sa Gen. Luna
Kaliwa sa Don Basilio Blvd.
Kaliwa sa Women’s Club (Hulong Duhat)
End Point: Hulong Duhat Covered Court

Pinapayuhan ang lahat na gamitin ang itinakdang alternatibong ruta at maglaan ng sapat na oras sa pagbiyahe.

Alternatibong Ruta:
Ang mga sasakyang manggagaling sa Rizal Avenue Extension patungong Palengke ay maaaring:
• Kumanan sa Gen. Luna
• Kumaliwa sa Sacristia patungong F. Sevilla (Market Area)

Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


F. SEVILLA Boulevard BRGY. TAÑONG MALABON CITY
Malabon
1470