Friends of Ricky Sandoval

Friends of Ricky Sandoval

Share

FORS21

05/06/2026
05/06/2026

WELCOME, JUNE! โœจ

Stepping into the month with fresh energy, renewed purpose, and lots to look forward to.

Maligayang pagdating, Hunyo! ๐Ÿ’™

Photos from Mayor Jeannie Sandoval's post 05/06/2026
03/06/2026

ABISO PUBLIKO ๐Ÿ“ฃ

Sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon, nais nating ipabatid sa ating mga magulang, mag-aaral, at g**o ang mahalagang gabay kaugnay ng pagpapatupad ng klase.

Ayon sa DepEd Order No. 022, s. 2024, wala na pong awtomatikong suspensiyon ng klase tuwing may extreme heat. Sa halip, ang desisyon para sa localized suspension ay nakasalalay sa pamunuan ng paaralan o sa Schools Division Superintendent (SDS), batay sa aktuwal na kondisyon at masusing pagtatasa ng sitwasyon.

Patuloy ang koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan sa Pamahalaang Lokal upang mabantayan ang heat index at iba pang salik na maaaring makaapekto sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga mag-aaral at mga g**o.

Kinikilala rin natin ang kakayahan ng bawat paaralan na matukoy ang pinakaangkop na paraan ng pagkatuto para sa kanilang mga mag-aaral, kabilang ang access sa internet, gadgets, at iba pang kinakailangang kagamitan. Dahil dito, binibigyan ang mga paaralan at Division Office ng sapat na flexibility upang makapagpatupad ng ligtas at epektibong alternatibong learning modalities kung kinakailangan.

Kung sakaling kinakailangan ang suspensiyon ng face-to-face classes, maaari itong ipatupad sa pamamagitan ng modular distance learning o iba pang angkop na paraan upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga kabataan.

Hinihiling namin ang patuloy na kooperasyon at pag-iingat ng lahat. Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral at g**o ay ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po.

Photos from Friends of Ricky Sandoval's post 30/05/2026

๐Ÿ€๐Ÿ’™ ISANG MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS! ๐Ÿฉต๐Ÿ€

Matagumpay na naisagawa ang FORS21 Friends of Ricky Sandoval Brgy. Tinajeros Basketball Clinic 2026 Graduation Day kasama ang Kabataang LODI Team TJ Salamat Isang makabuluhang araw na puno ng saya, pagkatuto, at inspirasyon para sa ating mga kabataang kalahok.

Sa loob ng programa, hindi lamang nahasa ang kanilang kakayahan sa basketball kundi naitanim din ang kahalagahan ng disiplina, pagtutulungan, respeto, at sportsmanshipโ€”mga aral na kanilang madadala sa loob at labas ng court.

Bilang pagkilala sa kanilang sipag, dedikasyon, at matagumpay na pagtatapos ng programa, ang bawat batang lumahok ay tumanggap ng Jersey Uniform at Certificate bilang simbolo ng kanilang pagsisikap at tagumpay.

Taos-pusong pasasalamat sa Kabataang Lodi Team TJ Salamat, Tinajeros National High School, sa mga magulang, coaches, volunteers, at sa lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito. Patuloy nating gabayan at suportahan ang ating kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Congratulations sa lahat ng graduates ng FORS21 Brgy. Tinajeros Basketball Clinic 2026! Patuloy na mangarap, magsikap, at maging inspirasyon sa inyong kapwa kabataan. ๐Ÿ’™๐Ÿ€





27/05/2026

Eid al Adha Mubarak sa ating mga kapatid na Muslim! ๐Ÿ’™

Nawaโ€™y maghatid ang pagdiriwang na ito ng kapayapaan sa inyong mga puso, higit pang pagtibayin ang samahan ng pamilya at komunidad, at punuin ang inyong buhay ng masaganang biyaya. Maging paalala rin sana ito ng kahalagahan ng malasakit at pagbabahagi sa mga nangangailangan bilang pagsasabuhay ng tunay na diwa ng banal na pagdiriwang na ito.

Hangad namin para sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay ang isang masaya, makahulugan, at makabuluhang pagdiriwang ng Eid al Adha 2026!

27/05/2026

Syempre may isa pa tayong Main Event, kasama ang Kabataang LODI, ang Friends of Ricky Sandoval, Relinda Salamat at ang buong Team TJ Salamat Kita-kits!

STREET DANCE PARTY
May 30, 2026 | 7PM Onwards
Dizon St. Corner Dona Victoria St.
Tinajeros, Malabon City

FREE ENTRANCE!
FREE ENTRANCE!
FREE ENTRANCE!

Salamat sa suporta sa ating event ๐Ÿ’™
Mayor Jeannie Sandoval
Vice Edward Nolasco
Cong. Ricky Sandoval

Salubungin natin ang Fiesta ng Barangay Tinajeros with sayawan, bonding at non stop tugtugan!



Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Malabon