10/05/2026
MALIGAYANG ARAW NG MGA INA 💐
Pagpupugay sa Lahat ng may Pusong Ina at Walang Sawang Nag-aaruga
Ngayong Mother’s Day, masaya at taos-pusong binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang lahat ng may pusong ina , mga ilaw ng tahanan na araw-araw ay nagbibigay ng pagmamahal, gabay, inspirasyon, at lakas sa kanilang pamilya.
Para sa lahat ng nanay, lola, ate, tatay, guardian, at sa sinumang tumatayong magulang, maraming salamat sa inyong walang sawang pag-aaruga at malasakit. Kayo ang tunay na bida sa bawat tahanang puno ng pagmamahalan at pag-asa.
Sa bawat yakap, paalala, sakripisyo, at simpleng pag-aalaga, malaking inspirasyon kayo sa ating mga pamilya at komunidad. Dahil sa inyo, mas nagiging matatag, masaya, at mapagmahal ang bawat pamilyang Malabueño.
Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at ng buong Pamahalaang Lungsod ng Malabon, taus-puso kaming nagpapasalamat at nakikiisa sa pagdiriwang ng inyong espesyal na araw.
Mabuhay ang lahat ng may pusong ina! 💙
Maligayang Mother’s Day! 🌷
10/05/2026
Ngayong Araw ng mga Ina, taos-puso po nating binabati ang lahat ng mga nanay na walang sawang nagsasakripisyo, nagmamahal, at gumagabay sa kanilang mga pamilya. Kayo po ang tunay na ilaw at lakas ng bawat tahanan.
Saludo po tayo sa inyong katatagan, malasakit, at walang kapantay na pagmamahal na araw-araw ninyong ipinapakita. Maraming salamat po sa lahat ng inyong sakripisyo para sa inyong mga anak at pamilya.
Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, at pagpapahalaga ang espesyal na araw na ito para sa lahat ng mga ina.
Happy Mother’s Day po sa lahat ng dakilang Ina!
09/05/2026
NANAY MOMENTS: Ang Maliit na Bagay na Hindi Natin Malilimutan 💙
May mga simpleng ginagawa si Nanay na habang bata tayo ay parang normal lang:
ang paggising para ipaghanda tayo,
ang pagpapaalala na magdala ng payong,
ang pagtitipid para may maihain sa hapag,
o ang tahimik na paghihintay hanggang makauwi ang lahat.
Mga maliliit na bagay na noong una ay hindi natin gaanong napapansin, pero habang tumatanda tayo ay mas nauunawaan nating doon pala nakatago ang pinakamalalim na pagmamahal.
Ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Mother’s Day, balikan natin ang mga simpleng Nanay moments na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin natin.
💬 Ano ang isang bagay na ginawa o laging ginagawa ni Nanay na hindi mo malilimutan?
09/05/2026
Maligayang kaarawan, City Administrator Alexander T. Rosete!
Sa araw na ito, nais po nating ipaabot ang ating taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyong dedikado at tapat na paglilingkod para sa ating mahal na lungsod ng Malabon at sa bawat Malabueño.
Maraming salamat sa inyong sipag, malasakit, at walang sawang suporta sa ating pamahalaang lungsod. Nawa’y pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan, tagumpay, at maraming biyaya kasama ang inyong pamilya.
Hangad po namin ang inyong patuloy na tagumpay at kaligayahan. Happy Birthday!
08/05/2026
PAALALA MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MALABON
Patuloy pong mino-monitor ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang sitwasyon kaugnay ng insidente sa Navotas Sanitary Landfill (NSL) katuwang ang City Government of Navotas, DENR, DOH, MMDA, at iba pang kaukulang ahensya.
Bagamat nagpapatuloy ang containment operations at regular na isinasagawa ang air quality monitoring, maaaring makaranas ng paminsang usok o amoy sa ilang bahagi ng lungsod, partikular sa mga lugar na malapit sa Dampalit, depende sa direksyon ng hangin.
Bilang pag-iingat, pinapaalalahanan ang publiko na:
• Iwasan ang matagal na pananatili sa labas kapag may naamoy o nakikitang usok
• Gumamit ng N95 o KN95 mask kung kinakailangan
• Mag-ingat lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may respiratory conditions
• Patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na advisory ng Pamahalaang Lungsod
Nananatiling nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Malabueño.
08/05/2026
SAVE THE DATES ✍️🗓️
Narito ang inyong guide sa mga regular holidays at special non-working days ngayong 2026. I-save na ‘to para sa inyong future lakad at pahinga!