TJ Salamat

TJ Salamat

Share

Sinimulan natin, kaya GAGALINGAN PA NATIN!

11/06/2026

Tulad ng paglaban ng ating mga bayani para sa ating Kalayaan, palagi nating isasapuso at gugunitain ang kahalagahan ng isang malayang bansa.

Ang pagiging malaya sa lahat ng aspeto ay mahalaga sa demokrasya, kaya sa hamon ng nagbabagong panahon, panatilihin natin ang pagiging malaya sa puso, salita at gawa.

Mabuhay ang bawat Pilipino!

Mabuhay ang Pilipinas 🇵🇭

Pagbati para sa pagdiriwang ng 128th Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong June 12, 2026.

Mula sa Team TJ Salamat 💙



08/06/2026

Balik Eskwela 💙

Vacation is over kaya Welcome Back to School mga magigiting at masisipag na mag-aaral! 💙

Hangad natin ang maayos at ligtas na pagbubukas ng klase sa June 8, 2026.

Kasama ang buong Team TJ Salamat,
GALINGAN NATIN GUYS! 🤙



05/06/2026

Vacation is over kaya Welcome Back to School mga magigiting at masisipag na mag-aaral! 💙

Hangad natin ang maayos at ligtas na pagbubukas ng klase sa June 8, 2026.

Kasama ang buong Team TJ Salamat,
GALINGAN NATIN GUYS! 🤙



Photos from Holy Trinity Quasi-Parish - Diocese of Kalookan's post 04/06/2026
02/06/2026

Team TJ Salamat Statement
June 2, 2026

Bilang tugon sa bintang last May 31, 2026
Street Party sa Bustamante St.
Araw ng Kapistahan ng Tinajeros

"Lahat ng may magsusuot ng T-shirt ng Team TJ Salamat ay mabibigyan ng 250.00"

Ang paratang at kwento na ito ay
MALI AT MALISYOSO!

Itinatanggi ng aming hanay na may ganito kaming pakulo or utos sa kahit kanino mang umattend sa party.

Ang daming naganap sa buong linggo bago ang kapistahan na dinaluhan ng aming Team kaya lahat yun ay sapat na dahilan para sabihin na wala na kaming panahon para gumawa pa ng ganitong hakbang at lalo ng ganitong mga pakulo.

Sa bagong Kabanata ng Kabataang Tinajeros at ng Sangguniang Kabataan, sinisigurado namin na tinatapos na ng henerasyong Ito ang lahat ng nakasanayan, mas gusto nating mulat lahat ng sektor sa kung sino ang karapat-dapat at ano ang dapat gawin bilang Kabataan at bilang myembro ng komunidad, may integridad at hindi nagpapadala sa mga Fake News, ito yung mga issue na walang basehan, narinig lang at WALANG KATOTOHANAN.

Mula Day 1 ang focus namin ay makilala ang buong Team sa mas maayos na direksyon, tapat sa mga pangako at never manira ng kalaban, ang gusto natin mas malinis at marangal na laban, yung laban na walang emosyon, walang paninira at walang matinding bahid ng pamumulitika!

Ang palagi naming bilin sa mga bata at sa buong Team, igalang ang mga nagsasalita sa entablado sa ano mang okasyon, wag pagmulan ng pambubully at palaging baunin ang pinakamataas na respeto na kaya nating ibigay sa ibang tao, kalaban, kakampi at kahit sino pa man, palaging may nagpapaalala, palaging may nagseset ng boundaries, dahil yun ang TAMA at yun ang DAPAT!

Hindi natin kailangan ng mga ganyang propaganda dahil ang aming Team ay may sapat na talento at tunay na hangaring mas maayos, mas maka-Kabataan at mas matibay na paninindigan para sa bawat Kabataang Tinajeros.

Dito namin tatapusin ang issue na ito at nawa sa mga susunod na pagkakataon na may ganito, timbangin muna natin kung totoo o hindi, dahil ang tunay na pakikipaglaban nasa tamang pakikibaka wala sa paggawa ng mali sa kapwa kandidato.

Ang aming patuloy na pangako at paninindigan, GAGALINGAN PA NAMIN!

Dahil lahat ng aming lakas ay mula sa Kabataan kaya marapat lang na lahat ng aming ginagawa at gagawin ay para sa Kabataan.

Move on tayo for Tuesday 💙

-Team TJ Salamat

Photos from TJ Salamat's post 01/06/2026

Pinagplanuhan ng buong puso.
Pinag-isipan ng bawat kasapi.
Pinagpaguran ng lahat ng volunteers!

Kabataang Tinajeros at Brgy. Tinajeros,
ANG SOLID NYO!!!

Hindi nyo lang kami basta tinanggap sa mga palaro nyo, binagyan nyo pa kami ng sapat na panahon para mas makilala kayo, mas mapasaya kayo at mas maging makulay ang Kapistahan ng ating Brgy!

Lahat ng pagod namin sulit dahil sa inyong mga ngiti, sa inyong mga hiyaw, sigaw, masayang palaro at ating tunay na pagkakaisa bilang isang Brgy, para sa Tinajeros! 💙

Hindi lang ito patunay kundi ito ay testamento ng mas malalim pa nating pagsasama, pagtutulungan at mas aktibong Kabataan!

Tayo, bilang bagong henerasyon ng ating Brgy. ang magpapatunay na may pag-asa pa at mas may igaganda pa ang bagong kabanata ng Sangguniang Kabataan ng Tinajeros.

Ang tangi naming hangad, iparamdam na ang kapistahan ay para sa lahat!

Mula sa amin, TJ Salamat bilang aspiring SK Chairman, kasama sila Aspiring SK Kagawad na sila John Charls Bautista, Nash Berdol, Marianne Ashley Dilan, Joana Marie Gabriel, Rhaine Rebuya, Nickolai Pagibigan, Phaloma Dagohoy Villanda at Relinda Salamat bilang aspiring Brgy Kagawad, mas GAGALINGAN PA NAMIN!!!

Dahil ang lahat ng ito ay mula sa Kabataan,
AT PARA SA KABATAAN!!!!



Want your business to be the top-listed Government Service in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Tinajeros
Malabon