TOBOR as ONE

Directions

TOBOR as ONE KAPITAN POT MATIAS

19/09/2026

📢 PAUNAWA | GUICONSULTA AT YAKAP PHILHEALTH REGISTRATION

Magandang araw po, mga Kabarangay!

Ipinapaalam po sa lahat na ang nakatakdang GuicOnSulta at YAKAP PhilHealth Registration ngayong Lunes, September 21, 2026, mula 1:00 PM hanggang 7:00 PM sa Barangay Tobor Covered Court ay IPINAGPAPALIBAN MUNA.

📌 Hinihiling po sa lahat na HUWAG MUNANG PUMUNTA sa venue sa nasabing petsa.

Mangyaring hintayin po ang susunod na abiso para sa bagong schedule ng GuicOnSulta at YAKAP PhilHealth Registration. Ipapabatid po agad ng Barangay ang panibagong petsa at oras sa sandaling ito ay makumpirma.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa. 🙏

Barangay Tobor
Serbisyo para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Kabarangay. 💙

18/09/2026

📢 ANNOUNCEMENT | GUICONSULTA & YAKAP PHILHEALTH REGISTRATION

Magandang araw po, mga Kabarangay!

Ipinapaalam po sa lahat na magkakaroon ng Registration para sa GuicOnSulta at YAKAP PhilHealth sa ating barangay.

📅 Petsa: September 21, 2026 (Lunes)
⏰ Oras: 1:00 PM – 7:00 PM
📍 Lugar: Barangay Tobor Covered Court

📌 QUALIFICATIONS:

✅ Anumang residente ng Malasiqui
✅ 16 years old and above
✅ Lalo na po sa mga hindi pa nakarehistro o hindi pa miyembro ng nasabing programa.

📄 KAILANGANG DALHIN:

3 photocopies ng National ID o anumang valid government-issued ID, kasama ang 3 specimen signatures.

📣 Pakiusap po sa ating mga Barangay Officials, Purok Leaders at Kabarangay:
Mangyaring iparating po ang impormasyong ito sa inyong mga nasasakupan upang maging aware ang lahat at mabigyan ng pagkakataong makapagparehistro.

Hinihiling din po ang inyong presensya at pakikiisa sa araw ng registration, September 21, 2026, mula 1:00 PM hanggang 7:00 PM.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at patuloy na pakikiisa! 🙏

Barangay Tobor
Serbisyong pangkalusugan para sa bawat Kabarangay! 💙

03/09/2026
🌱🍎 Nutrition Month 2026 | Feeding Program 🍎🌱In celebration of Nutrition Month, a successful Feeding Program was conducte...
24/07/2026

🌱🍎 Nutrition Month 2026 | Feeding Program 🍎🌱

In celebration of Nutrition Month, a successful Feeding Program was conducted for the pupils of Tobor Elementary School, highlighting our shared commitment to promoting children's health, proper nutrition, and overall well-being.

Our heartfelt gratitude goes to Hon. Salvador T. Matias Jr., Barangay Captain of Barangay Tobor, together with the dedicated Barangay Officials, the Parent-Teacher Association (PTA) led by PTA President Liezel M. Matias, Principal Sir Michael Baraboza, and the entire Teaching Staff of Tobor Elementary School for their invaluable support, cooperation, and generosity in making this meaningful activity possible.

Together, we continue to prove that through unity, compassion, and service, we can help build a healthier and brighter future for our children.

"Healthy Diet, Gawing Affordable for All."

Thank you to everyone who contributed to the success of this Feeding Program. Your kindness and dedication truly make a difference.

baka may nakita kayo na kambing 4 dalawang puti isang isang black brown tapos isang anak ng black brown
20/06/2026

baka may nakita kayo na kambing 4 dalawang puti isang isang black brown tapos isang anak ng black brown

🚧🌿 ROAD CLEARING AT KALINISAN SA BARANGAY TOBOR 🌿🚧Isang matagumpay na araw ng paglilinis at road clearing ang isinagawa ...
17/06/2026

🚧🌿 ROAD CLEARING AT KALINISAN SA BARANGAY TOBOR 🌿🚧

Isang matagumpay na araw ng paglilinis at road clearing ang isinagawa sa Barangay Tobor upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating kapaligiran para sa lahat.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga masisipag at magigiting na Barangay Kagawad na sina Noel Bucaloy, Renelo Mangaoang, Alfredo Valdez, at Mario Necesito sa kanilang walang sawang pakikiisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating barangay.

Lubos din nating pinahahalagahan ang dedikasyon at pamumuno ng ating napakasipag at all-around na Punong Barangay, Kap. Salvador T. Matias Jr., na laging nangunguna at katuwang sa lahat ng gawain at programa ng barangay.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad, patuloy nating mapapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaunlaran ng Barangay Tobor.

Sama-sama para sa isang malinis, maayos, at mas maunlad na Barangay Tobor! 💚




📢 PAALALA MULA SA PAMUNUAN NG BARANGAY TOBORIpinapaalala po sa lahat ng mamamayan ang mahigpit na pagpapatupad ng Munici...
16/04/2026

📢 PAALALA MULA SA PAMUNUAN NG BARANGAY TOBOR

Ipinapaalala po sa lahat ng mamamayan ang mahigpit na pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 006-2025 ng Bayan ng Malasiqui kaugnay ng Curfew para sa mga Menor de Edad (18 taong gulang pababa).

🕘 Oras ng Curfew:
9:00 PM hanggang 4:00 AM

🚫 Mahigpit na ipinagbabawal:
• Paglalagi o paglabas ng mga menor de edad sa pampublikong lugar sa oras ng curfew
• Walang kasamang magulang o guardian
• Pagpapabaya ng magulang sa kanilang mga anak

⚖️ Mga Kaukulang Parusa:
✔️ Unang Pagkakataon – Multa ₱1,000 + Counseling
✔️ Ikalawang Pagkakataon – Multa ₱2,000 + Seminar
✔️ Ikatlong Pagkakataon – Multa ₱2,500 o pagkakakulong

👨‍👩‍👧‍👦 Layunin ng ordinansang ito na maprotektahan ang ating mga kabataan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating barangay.

🙏 Hinihikayat po ang lahat ng magulang at kabataan na sumunod at makiisa para sa ikabubuti ng ating komunidad.

📌 Mahigpit na ipinatutupad simula April 13, 2026



09/04/2026

Ang Pamahalaang Barangay ng Tobor ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng indibidwal at grupo na naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Barangay Tobor Fiesta 2026.

Sa mga sponsors, volunteers, performers, bisita, at higit sa lahat sa mamamayan ng Tobor—ang inyong suporta at pakikiisa ang naging susi sa tagumpay ng pagdiriwang na ito.

Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at pagmamahal sa ating barangay.

Sa bawat ngiti, saya, at tagumpay ng ating pista—lahat ng ito ay bunga ng pagkakaisa at biyaya mula sa itaas.

Dahil sa inyong pagkakaisa, naging masaya, maayos, at makabuluhan ang ating pagdiriwang. Tunay na buhay ang diwa ng “Isang Tobor, Isang Puso.”

Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo sa gabay at biyaya ng ating mahal na patron, St. Francis of Assisi. Nawa’y patuloy niya tayong gabayan at pagpalain sa ating araw-araw na pamumuhay.

Mabuhay ang Barangay Tobor! 🎉

25/03/2026

The much-awaited evaluation day of the banderitas and arch from all participating puroks has been successfully conducted. This activity truly highlighted the unity, creativity, and cooperation of every community—proving that we are Tobor as One.

We sincerely extend our deepest appreciation to our three evaluators Sir LARRY ABRERA ( PALAPAR NATIONAL HIGHSCHOOL PRINCIPAL ), Sir MICHAEL BARBOZA ( TOBOR ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPAL ) and Ma’am SUSANA RAMOS (TOBOR NATIONAL HIGHSCHOOL PRINCIPAL )who dedicated their valuable time and effort to carefully assess each entry. Your fairness and keen eye for detail ensured a meaningful and credible evaluation process.

Among the five participating puroks, each one showcased exceptional effort in designing their banderitas and arch—displaying not only beauty and creativity but also cleanliness, organization, and strong teamwork. Every entry reflected the pride and spirit of their respective purok, making the judging both exciting and challenging.

More than just a competition, this activity strengthened camaraderie, bayanihan, and unity among us all. It clearly showed that when we work together, we can create something truly beautiful for our barangay.

To all participants, thank you for your dedication, hard work, and cooperation. Congratulations to everyone for making this event a success!😘😍

Tobor As One🫡

22/03/2026

📢 ANUNSYO PARA SA LAHAT 📢

Ang mga video na naka-upload na entry ng bawat purok ay gagamitin para sa People’s Choice Award.

👍❤️ Ang bilang ng reacts (like, heart, at iba pa) ang magiging batayan kung sino ang mapipiling manalo sa nasabing award.

❗ Paalala:

• Sa mismong video lamang bibilangin ang reacts.
• Ang reacts sa shares o ibang posts ay hindi kasama sa bilang.
• Ang People’s Choice Award ay hiwalay sa magiging evaluation ng mga hurado.
• Hindi ito kasama sa puntos ng official judging.
• Ang video reactions lamang ang pagbabasehan kung sino ang mananalo sa People’s Choice.

🏆 May hiwalay na premyo para sa People’s Choice Award.

⏰ Magtatapos ang bilangan ng reactions sa Abril 3, 5:00 PM.

Kaya naman, suportahan ang inyong purok! Like, react, at i-share ang inyong entry! 💪

maraming salamat 😘🫰

Address

Tobor
Malasiqui
2421

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TOBOR as ONE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share