Jose Philip "JP" Calderon

Directions Contact the organization

Jose Philip "JP" Calderon Public Servant

Maligayang Kaarawan, Vice Governor Francis Faustino β€œKiko” A. Dy!Hangad namin ang patuloy ninyong tagumpay sa paglilingk...
28/10/2026

Maligayang Kaarawan, Vice Governor Francis Faustino β€œKiko” A. Dy!

Hangad namin ang patuloy ninyong tagumpay sa paglilingkod sa mga mamamayan ng Isabela.

𝐋𝐆𝐔 πŒπ€π‹π‹πˆπ†, π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ“ πŽπ”π“π’π“π€ππƒπˆππ† π€π‚π‚πŽπ”ππ“πˆππ† πŽπ…π…πˆπ‚π„!Kinilala ng Association of Government Accountants of the Philippines (...
28/10/2026

𝐋𝐆𝐔 πŒπ€π‹π‹πˆπ†, π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ“ πŽπ”π“π’π“π€ππƒπˆππ† π€π‚π‚πŽπ”ππ“πˆππ† πŽπ…π…πˆπ‚π„!

Kinilala ng Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP) ang Municipal Accounting Office ng LGU Mallig noong October 20, 2026, sa SMX Convention Center, Clark, Pampanga.

Congratulations sa ating Municipal Accounting Office! Salamat sa inyong dedikasyon at tapat na paglilingkod sa bayan.




πŠπ€π‹π€π‡πˆ-π‚πˆπƒπ’π’ πŒπŽπ€ & π’πˆπ€ π’πˆπ†ππˆππ† | β‚±πŸπŸ’ πŒπˆπ‹π˜πŽππ† 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π‹π‹πˆπ†!Isa na namang magandang balita para sa ating bayan!Por...
27/10/2026

πŠπ€π‹π€π‡πˆ-π‚πˆπƒπ’π’ πŒπŽπ€ & π’πˆπ€ π’πˆπ†ππˆππ† | β‚±πŸπŸ’ πŒπˆπ‹π˜πŽππ† 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π‹π‹πˆπ†!

Isa na namang magandang balita para sa ating bayan!

Pormal nating nilagdaan noong Oktubre 27, 2026 (10:00 am) ang Memorandum of Agreement (MOA) at Specific Implementation Agreement (SIA) para sa KALAHI-CIDSS Program, kasama si DSWD Regional Director Lucia S. Alan.

Sa ilalim ng programang ito, makatatanggap ang Mallig ng β‚±14 milyong grant para sa mga proyektong tutugon sa pangangailangan ng ating mga komunidad.

Maraming salamat kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa DSWD Region II, at sa lahat ng katuwang natin sa patuloy na pagsuporta sa pag-unlad ng Mallig.

Patuloy tayong magtutulungan para sa mas maunlad na bayan. Dahil sa Mallig, walang maiiwan!




𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀, πŒπ€π˜ πƒπˆπ’πˆππ‹πˆππ€, 𝐀𝐓 πŒπ€π‹π€π’π€πŠπˆπ“: 𝐁𝐒𝐏 & 𝐆𝐒𝐏 π‚π€πŒπ πŸπŸŽπŸπŸ”!Matagumpay na naisakatuparan ang School-Based BSP & GSP Camp 202...
26/10/2026

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀, πŒπ€π˜ πƒπˆπ’πˆππ‹πˆππ€, 𝐀𝐓 πŒπ€π‹π€π’π€πŠπˆπ“: 𝐁𝐒𝐏 & 𝐆𝐒𝐏 π‚π€πŒπ πŸπŸŽπŸπŸ”!

Matagumpay na naisakatuparan ang School-Based BSP & GSP Camp 2026 sa San Jose National High School, kung saan nakiisa ang mga kabataang Scout sa iba't ibang gawaing humubog sa kanilang kakayahan, disiplina, pagkakaisa, at diwa ng paglilingkod.

Patuloy nating isabuhay ang tunay na diwa ng pagiging Scout laging handa, maaasahan, nagkakaisa, at buong pusong naglilingkod!

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀, π‡π”π’π€π˜, 𝐀𝐓 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ: 𝐁𝐒𝐏 & 𝐆𝐒𝐏 π‚π€πŒπ πŸπŸŽπŸπŸ”!Matagumpay na idinaos ang School-Based BSP & GSP Camp 2026 noong Oktu...
26/10/2026

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀, π‡π”π’π€π˜, 𝐀𝐓 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ: 𝐁𝐒𝐏 & 𝐆𝐒𝐏 π‚π€πŒπ πŸπŸŽπŸπŸ”!

Matagumpay na idinaos ang School-Based BSP & GSP Camp 2026 noong Oktubre 23–25 sa Mallig Plains National High School, tampok ang mga gawaing naglinang sa disiplina, pagkakaibigan, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad ng mga kabataang Scout.

Sama-samang isabuhay ang diwa ng pagiging Scout: Handa, maaasahan, at laging naglilingkod!

πŒπ€π‹π‹πˆπ† 𝐑𝐇𝐔, π†πˆππ€π–π€π‘π€π ππˆπ‹π€ππ† πŒπŽπ’π“ πŽπ”π“π’π“π€ππƒπˆππ† π˜π€πŠπ€π ππ‘πŽπ•πˆπƒπ„π‘ π…πŽπ‘ π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ“Isang panibagong tagumpay para sa Mallig! Kinila...
25/10/2026

πŒπ€π‹π‹πˆπ† 𝐑𝐇𝐔, π†πˆππ€π–π€π‘π€π ππˆπ‹π€ππ† πŒπŽπ’π“ πŽπ”π“π’π“π€ππƒπˆππ† π˜π€πŠπ€π ππ‘πŽπ•πˆπƒπ„π‘ π…πŽπ‘ π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ“

Isang panibagong tagumpay para sa Mallig! Kinilala ng PhilHealth Regional Office II ang Mallig Integrated Rural Health Unit and Birthing Center bilang Most Outstanding YAKAP Provider for CY 2025 noong Oktubre 22, 2026, sa Tuguegarao City.

Patunay ito ng dedikasyon ng ating mga health worker sa pagbibigay ng de-kalidad at serbisyong pangkalusugan para sa bawat MalligueΓ±o.




𝐋𝐆𝐔 πŒπ€π‹π‹πˆπ†, ππ€π“πˆπŽππ€π‹ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐄𝐄 𝐒𝐀 π‚π˜ 2025 𝐀𝐃𝐀𝐂 ππ„π‘π…πŽπ‘πŒπ€ππ‚π„ π€π”πƒπˆπ“!Isang karangalan para sa Lokal na Pamahalaan ng Mallig, I...
23/10/2026

𝐋𝐆𝐔 πŒπ€π‹π‹πˆπ†, ππ€π“πˆπŽππ€π‹ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐄𝐄 𝐒𝐀 π‚π˜ 2025 𝐀𝐃𝐀𝐂 ππ„π‘π…πŽπ‘πŒπ€ππ‚π„ π€π”πƒπˆπ“!

Isang karangalan para sa Lokal na Pamahalaan ng Mallig, Isabela ang mapabilang sa mga National Awardee sa CY 2025 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit, na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Patunay ito ng matibay na dedikasyon ng ating pamahalaang lokal, katuwang ang mga kinauukulang ahensiya at sektor, sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan sa ating komunidad.

Sa sama-samang pagkilos at tapat na paglilingkod, patuloy nating itataguyod ang isang ligtas at drug-free na Mallig!




Maligayang Kaarawan Hon. Petra A. Pascual!
23/10/2026

Maligayang Kaarawan Hon. Petra A. Pascual!

𝐋𝐆𝐔 𝐌𝐚π₯π₯𝐒𝐠, 𝐊𝐚𝐒𝐬𝐚 𝐬𝐚 πŠπ€π‹π€π‡πˆ-π‚πˆπƒπ’π’ 𝐎𝐫𝐒𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaunlarang nakasentro sa mamamay...
22/10/2026

𝐋𝐆𝐔 𝐌𝐚π₯π₯𝐒𝐠, 𝐊𝐚𝐒𝐬𝐚 𝐬𝐚 πŠπ€π‹π€π‡πˆ-π‚πˆπƒπ’π’ 𝐎𝐫𝐒𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaunlarang nakasentro sa mamamayan, nakiisa ang LGU Mallig sa orientation para sa DSWD KALAHI-CIDSS, na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.

Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan, patuloy nating itinataguyod ang mas inklusibo at makabuluhang pag-unlad para sa bawat MalligueΓ±o!




ππ€πŠπ”ππ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 2026 | π‹πˆππ‘π„ππ† ππ€πŠπ”ππ€, ππ‘πŽπ“π„πŠπ’π˜πŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐓𝐀!Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Mallig sa pagsasaga...
22/10/2026

ππ€πŠπ”ππ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 2026 | π‹πˆππ‘π„ππ† ππ€πŠπ”ππ€, ππ‘πŽπ“π„πŠπ’π˜πŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐓𝐀!

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Mallig sa pagsasagawa ng School-Based Immunization Program ngayong Oktubre 2026, na naglalayong maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa HPV, Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria sa pamamagitan ng libreng pagbabakuna.

Patuloy ang LGU Mallig sa pagsusulong ng kalusugan at kaligtasan ng bawat batang MalligueΓ±o!




Address

Mallig
3323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jose Philip "JP" Calderon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Jose Philip "JP" Calderon:

Shortcuts

Share

Category