02/06/2026
ANG PINUNONG AYAW MAMUNO AY WALANG KARAPATANG MANATILI SA PWESTO.
Ang nangyari ngayong araw ay hindi pagkukulang sa proseso. Isa itong pag-abuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala ng publiko, at tahasang paglapastangan sa mga tuntuning dapat gumabay sa Senado bilang isa sa pinakamahalagang institusyon ng bansa.
Hindi maaaring maparalisa ang isang mahalagang institusyon dahil lamang sa kagustuhan ng iisang tao. Ang Senado ay hindi personal na pag-aari ng sinuman. Ito ay isang demokratikong institusyon na may malinaw na mga tuntunin at prosesong dapat sundin. Walang sinuman—kahit pa ang Senate President—ang nakahihigit sa mga ito.
Ang pagpapaliban ng sesyon nang walang wastong konsultasyon ay hindi lamang paglabag sa proseso. Isa itong pagkilos na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa institusyon, sa mga kapwa senador, at higit sa lahat, sa sambayanang Pilipino na umaasa sa Senado upang gampanan ang tungkulin nito sa paggawa ng batas at pananagutan sa pamahalaan.
Ang pamumuno ay hindi nasusukat sa titulo o posisyon. Nasusukat ito sa kakayahang gampanan ang tungkulin nang may integridad, pananagutan, at paggalang sa demokratikong proseso. Kapag ang isang pinuno ay nabigong gampanan ang kanyang mandato, ang nararapat ay managot. Kapag ang isang pinuno ay tumalikod sa kanyang tungkulin, ang nararapat ay magbitiw.
Hindi kailangan ng Senado ng pinunong umiiwas sa responsibilidad. Kailangan nito ng pamumunong handang sumunod sa tuntunin, managot sa sambayanan, at ilagay ang interes ng bayan higit sa pansariling kagustuhan.
CAYETANO, MAGBITIW KA NA!
01/06/2026
OPISYAL NA PAHAYAG NG BULSUONE SA PAGSUPORTA SA GENDER-AFFIRMATIVE GRADUATION RITES: MALAYANG PAGTATAPOS PARA SA BAWAT BULSUAN
Ang BULSUONE ay kaisa sa paninindigan para pagbubuo ng isang tunay na ligtas at inklusibong lipunan kung saan malayang ipinapahayag ng mga indibidwal ang kanilang sarili nang may dangal at dignidad.
Ngayong pangkalahatang pagtatapos sa Hunyo 2026, hindi lamang dapat na pagpaparangal sa talino, sipag, at sakripisyo ang maging patunay sa tagumpay ng bawat mag-aaral—Ito rin ay isang hakbang sa pagbibigay ng espasyo sa pagkilala at paggalang sa kanilang pagkatao.
Kaya naman, mariing sinusuportahan ng organisasyon ang pagpapatupad ng Gender-Affirmative Graduation Rites. Isinusulong nito hindi lamang ang karapatan ng mag-aaral, ngunit maging ang pagkakapantay-pantay, inklusibidad, at at pagkakaiba-iba sa loob at labas ng pamantasan. Naniniwala ang BULSUONE na ang pagpapatupad ng Transgender and Gender Non-Conforming (TGNC) guidelines ay daan para sa mas progresibong unibersidad na may buong pagtanggap.
Higit pa rito, sinusuportahan din ng partido ang sumusunod:
• Paggamit ng kanilang piniling pangalan (lived name) sa mga seremonya, non-legal na papel, at entablado.
• Pagpili ng kasuotan at uniporme na umaayon sa kanilang kasarian o gender expression.
• Paggamit ng naayon na panghalip (pronouns) bilang pagkilala sa kanilang pagkakakilanlan.
Sa apat o higit pang taon na pagtapak ng bawat mag-aaral sa Bulacan State University, dala nila ang kanilang buong pagkatao. At sa darating na pangkalahatang martsa ng pagtatapos, walang sinuman ang dapat na maiwan at magtago sa takot ng diskriminasyon.
Isang buong lakas ang BULSUONE sa pagtindig para sa isang ligtas at inklusibong pamantasan na gumagalang, kumikilala, at nagpapalaya sa Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and Sec Characteristics (SOGIESC) ng bawat BulSUans.
ISANG MALAYANG PAGTATAPOS PARA SA BAWAT BULSUAN!
31/05/2026
Nakikiisa ang BulSUONE sa panawagan para sa pagkilala, paggalang, at pagpapatibay ng karapatan ng bawat estudyante na maipahayag at maipamuhay ang kanilang identidad nang may dignidad!
18/05/2026
CONVICT SARA, NOW!
ARREST BATO, NOW!
OUST CAYETANO, NOW!
Hindi nagtatapos sa pagmulat ang laban—kinakailangan din itong samahan ng pagkilos at paniningil ng pananagutan.
Habang patuloy na sinusubukang baluktutin ng mga nasa kapangyarihan ang hustisya upang protektahan ang kanilang mga sarili, malinaw kung sino ang dapat managot sa libo-libong buhay na nawala, sa korapsyon, at sa mga pang-aabusong ipinataw sa sambayanan.
Bilang kabataan at iskolar ng bayan, hindi tayo maaaring manatiling tahimik habang patuloy na umiiwas sa pananagutan ang mga may sala. Tungkulin nating palawakin ang kamalayan ng mamamayan, ilantad ang katotohanan, at makiisa sa panawagan para sa tunay na hustisya.
Panagutin ang mga berdugo!
Panagutin ang mga magnanakaw!
Panagutin ang lahat ng umaabuso sa kapangyarihan!
17/05/2026
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗸𝗮𝘀 na sorpresa para sa STARmiento FRESHIES! ✊🏻💫
Halina’t makiisa, dahil ngayon ay sisimulan muli natin ang araw na may dalang saya para sa Admissions and Enrollment 2026 ng Bulacan State University - Sarmiento Campus!
PLAY OUR GAMES FOR FREE!
> Crocs and Leaders
> Bato, Bato, PRICK!
Sagot na rin namin ang hydration sa ating WATER REFILLING STATION!
Maging kabilang, makilahok, at mag-enjoy kaisa ang BULSUONE! See you there, STARmientos, ano tara?! ☝🏻💛
16/05/2026
Sa dami ng nangyayari ngayon sa bansa, mas lalong nakikita kung gaano kahalaga ang bawat boto. Habang maraming Pilipino ang nahihirapan sa taas ng bilihin, kakulangan sa oportunidad, at iba’t ibang problemang dapat inuuna ng gobyerno, malinaw na ang mga iniluluklok natin sa pwesto ay may direktang epekto sa buhay ng mamamayan.
Kung gusto natin ng mas maayos na gobyerno, mas may pananagutan na mga lider, at mas makataong pamamahala—kailangan nating magsimula sa unang hakbang.
MAGPAREHISTRO.
13/05/2026
FROM TOKHANG TO THE HAGUE!
BATO ARESTUHIN!
Mariin naming kinokondena ang patuloy na pagbabaluktot sa mga demokratikong institusyon upang protektahan ang mga makapangyarihang dapat managot sa taumbayan. Sa gitna ng mga kaganapan kaugnay ng paghuli kay Ronald dela Rosa at ng patuloy na paniningil ng hustisya para sa libo-libong biktima ng madugong war on drugs sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte, malinaw na muling inuuna ng ilang opisyal ang pansariling interes at pampulitikang alyansa kaysa pananagutan at hustisya.
Lubhang nakaaalarma na ang mga institusyong dapat nagsisilbi bilang tagapangalaga ng batas at demokrasya ay nagagamit ngayon bilang kanlungan ng mga personalidad na pilit umiiwas sa pananagutan. Ang Senado ay hindi dapat maging entablado ng political spectacle, pangangalaga sa mga kaalyado, at pagharang sa mga lehitimong proseso ng hustisya. Kasama sa dapat managot ang mga opisyal na patuloy na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang pahinain ang panawagan para sa pananagutan, kabilang si Alan Peter Cayetano at iba pang mga lider na pinipiling manahimik o makiisa sa ganitong uri ng pulitika.
Habang patuloy na ipinagkakait ang hustisya sa libo-libong pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, hindi kami mananatiling tahimik sa harap ng hayagang paglapastangan sa katotohanan at pananagutan.
Panawagan sa lahat ng kabataan, mamamayan, at demokratikong sektor na manatiling mapagbantay at manindigan laban sa kultura ng impunidad. Iginiit namin ang agarang pananagutan ng lahat ng sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao at sa mga patuloy na gumagamit ng kanilang posisyon upang hadlangan ang hustisya.
Hindi nakakalimot ang mamamayan.
Hindi titigil ang kabataan.
At hindi matatapos ang paniningil hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng may sala.
OUST CAYETANO!
BATO ARESTUHIN!
11/05/2026
Mula sa loob ng pamantasan hanggang sa lansangan, muli nating pinatunayan na ang laban para sa karapatan, hustisya, at pananagutan ay hindi nakakulong sa apat na sulok ng unibersidad. Bilang mga kabataan at estudyante, may tungkulin tayong maging mapanuri hindi lamang sa mga usapin sa loob ng ating paaralan kundi pati sa mga pambansang isyung direktang nakaaapekto sa kinabukasan ng mamamayan.
Patuloy nating dadalhin ang laban mula sa pamantasan hanggang sa lansangan, kasama ang mamamayan sa pagsusulong ng hustisya, pananagutan, at tunay na pagbabago.
IMPEACH SARA DUTERTE, NOW!
10/05/2026
Kung patuloy nating ipinaglalaban ang karapatan at kapakanan ng mga estudyante sa loob ng unibersidad, dapat din tayong maging mapanuri at mapanagot sa mga nasa kapangyarihan sa labas nito.
Nakikiisa ang BulSUONE sa panawagan ng Student Council Alliance of the Philippines at Akbayan Youth para sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Sara Duterte. Sa gitna ng patuloy na pag-iwas sa pananagutan ng mga nasa kapangyarihan, mahalagang ipakita na may kabataang handang tumindig at makialam.
Makiisa bukas, 8:00 AM, sa ating mobilization at sama-sama nating igiit na walang sinuman ang dapat mas mataas sa pananagutan.
IMPEACH SARA DUTERTE, NOW!
02/05/2026
Pahayag ng BulSUONE hinggil sa pagkakasangkot ng apat na lider-estudyante ng partido sa iregularidad sa proseso ng paglalabas at paggamit ng pondo ng Student Government
Sinusuportahan ng partido ang desisyong iakyat ang kaso sa SDEC at ang layuning matapos man ang termino ay mapatawan ng kaukulang aksyon ang mga opisyales na sangkot dito.
Buong pagpapakumbabang nagpupuna rin ang partido at nanindigang hindi nito kukunsintihin — kahit pa sa mabuting rason o intensyon ang lalagakan ng mga items na nabanggit sa hearing — ang hindi pagsunod sa proseso ng paglalabas ng pondo.
Magpapatuloy ang partido sa pagbabantay at pagtulong para malinaw at maresolba ang kaso. Bilang isang alyansang kaisa ng mga estudyante at sambayanan, bukas din ito sa makabuluhang pagpupuna at pagtutulak ng internal na mga pagbabago.
Para sa bayan at sa estudyante.