24/12/2023
Maligayang pasko po sa ating Lahat🎄
VERified Serbisyong may Puso 💜
#mayforeVER
24/12/2023
Maligayang pasko po sa ating Lahat🎄
Finally na open ko din ang FB page ko!
07/06/2022
Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos.
Sapagkat sinasabi niya, "Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.”
Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas!
2 Mga Taga-Corinto 6:1-2 🙏
Magandang Balita Biblia
10/05/2022
“ I have fought the good fight,I have finished the race,I have kept the faith “ - 2 Timothy 4:7
Dumating na tayo sa dulo ng laban na ito at magkasama nating inilaban ito.
Walang nasayang, walang nawala dahil lahat ay buong Puso natin binigay.💜
Hindi man Tagumpay sa mata ng tao Pero nakasisigurado ako na Tagumpay ito sa mata ng Diyos dahil ginawa mo ang lahat ng malinis, tapat at may mapagkumbabang loob.💜
Atin na lamang babalikan at papahalagahan ang lahat ng ating mga naging karanasan sa laban na ito.
Mas marami tayong natanggap kesa sa nawala.
Bagong mga kaibigan na ngayon ay Kapamilya na.
Sa lahat ng ito mas nangibabaw ang saya. 💜
Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng sumuporta, nagmahal at tumindig sa amin.
Kayo po ang naging kalakasan at inspirasyon namin.
Sa aming mahal na Team GF, sa lahat ng mga taong bumubuo nito unang-una na kay Mayor Bebong at Pastor Erick, lubos po ang pasasalamat namin at paghanga sa inyo. 💜
Sa aming mga volunteers Team Forever, maraming maraming Salamat dahil kasama
namin kayo mula sa simula hanggang sa huli, mahal namin kayo 💜
At sa lahat ng nagtiwala, naniwala at nagkaloob ng suporta at tulong sa amin, sa aming mga pamilya, kamag anak , kaibigan, at sa inyong lahat na ipinagkatiwala ang 1 mahalaga ninyong boto, Maraming Maraming Maraming Salamat po.
Sa Diyos ang Pasasalamat, sa Diyos ang Papuri 💜
Mahal namin kayong lahat,
Kapitan Ver San Pedro at Kapitana Sheryl Albania San Pedro ( Barangay Lugam)
06/05/2022
Huwag magpa-IWAN sa BAYANIHAN!
Sumama at ipakita ang lakas ng BAYANIHAN! Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa gaganaping Grand Motorcade bukas, May 7, 6AM sa MSCC, katabi ng New City Hall! Lahat po ng dadalo ay magsuot po ng kulay BLUE. Tara na, ipanalo natin ang !
Isulong at tumindig sa mga Lider na Una ang Diyos, sunod ang Bayan, bago ang sarili. Ipaglaban at magkaisa para sa Gobyernong Tapat! Para sa mga karagdagang impormasyon, patuloy lang na tumutok sa ating page.
06/05/2022
VERified na may nagawa na at may magagawa pa para sa mga maloneño!
⚫️ 24 San Pedro, Ver (NUP)
05/05/2022
For Righteous Governance!!!
Honesty is the Best Policy!!!
04/05/2022
“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” - Lucas 16:10
“Trust happens when leaders are Transparent”
-Jack Welch-
Sa panahon ng pandemya, nangibabaw ang bayanihan at katapatan sa Barangay ng Lugam sa pamumuno ng inyong abang lingkod Punong Barangay Ver San Pedro
Nailathala at napasalamatan ang lahat ng nagpaabot ng kanilang mga donasyon. Upang maipakita ang mabuti at tapat na pamamahala, pinamunuan ni Kap Ver San Pedro na ang lahat ng cash donations ay dapat issuehan ng OR receipt ng barangay upang siguruhin na bawat centimo ay maibabahagi sa pagtulong. Dahil dito marami ang nagtiwala kung kaya naman bumuhos ang biyaya sa Barangay ng Lugam noong panahon ng pandemya na nag resulta sa maayos na pamamahagi ng tulong.
Bawat cash donations, mapa cash, cheke at money remittances ay sinigurado ng inyong lingkod na ito ay maissuehan ng OR receipt at maipaalam sa Publiko ang lahat ng ito..
Kung ang lahat ng namumuno sa ating bayan ay tapat at may transparency, siguradong uunlad ito.
Kung nagawa ito ng inyong lingkod sa Lugam, buong Puso ko rin itong gagawin sa Lungsod ng Malolos 💜
Serbisyong may Puso para sa lahat ng Maloleño💜