02/06/2026
𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐊𝐔𝐋𝐀𝐘, 𝐀𝐘 𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘.
Sa bawat pagkilos para sa pagkakapantay-pantay, sa bawat tinig na nagtataguyod ng pagmamahal at pagtanggap, at sa bawat pusong patuloy na nagbibigay-liwanag sa ating komunidad, may mga kuwentong nararapat kilalanin.
Isang natatanging gabi ang nakalaan upang parangalan ang mga indibidwal, organisasyon, at kaagapay ng komunidad na nagsisilbing kulay, lakas, at inspirasyon ng ating bahaghari.
Malapit nang kilalanin ang mga 𝗕𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗵𝗮𝗴𝗵𝗮𝗿𝗶 ngayong ika-10 ng Hunyo, 2026.
01/06/2026
𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐈𝐏𝐀𝐊𝐈𝐓𝐀. 𝐈𝐏𝐀𝐆𝐌𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈. 𝐈𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍.
Hindi nila hiniling na maging iba.
Hindi nila hiniling ang espesyal na pagtrato.
Ang hinihingi lamang nila ay ang karapatang ituring na tao, na may pantay na dignidad, respeto, oportunidad, at proteksyon sa ilalim ng batas.
Sa bawat kulay ng bahaghari ay may kwento ng tapang.
Sa bawat tinig ay may panawagan para sa pagkilala.
At sa bawat hakbang ay may laban para sa pagkakapantay-pantay.
Ngayong Pride Month, hindi lamang tayo nagdiriwang ng pagkakaiba-iba, pinagtitibay natin ang ating paninindigan para sa isang lipunang walang diskriminasyon at may puwang para sa lahat.
Patuloy na makibeki.
Patuloy na makiisa.
Patuloy na ipaglaban ang karapatang pantao.
Lay-out by: Steven Owen Dela Cruz
28/05/2026
𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐓𝐀𝐖𝐀𝐓 | 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Sa bawat pagwagayway ng ating watawat ay nakaukit ang tapang, sakripisyo, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Ngayong National Flag Day, sama-samang ipinapakita ng Maloleño Youth ang pagmamahal at paggalang sa simbolo ng ating kalayaan at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Nawa’y magsilbing paalala ang ating watawat na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapatuloy ng diwa ng bayanihan, pagmamalasakit, at makabayang pagkilos para sa mas maunlad na kinabukasan.
“𝘼𝙣𝙜 𝙬𝙖𝙩𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙚𝙡𝙖—𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙙𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡, 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣.”
Mabuhay ang kabataang Maloleño!
Mabuhay ang Pilipinas!
20/05/2026
Malolos City, HU MAN DA! 💃🌈
Ilabas na ang mga rainbow flags, unkabogable outfit, at pulplakadong placards dahil sama-sama tayong rarampa sa June 6, 2026!
Para sa pagkakapantay-pantay.
Para sa pag-ibig.
Para sa pride.
LOVELAB4N SA MALOLOS!
20/05/2026
With pride and hope for a more inclusive and empowered future, we warmly congratulate 𝐇𝐎𝐍. 𝐌𝐀. 𝐉𝐎𝐒𝐄𝐏𝐇𝐈𝐍𝐄 𝐃. 𝐀𝐋𝐄𝐉𝐎 on her appointment as the 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 of Maloleño Youth 𝐀𝐁𝐋𝐄 (𝐀𝐥𝐥𝐢𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐁𝐞𝐥𝐨𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠, 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠, 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐦𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠) — an alliance under the Maloleño Youth Network advocating for 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 (𝐏𝐖𝐃𝐬) and promoting inclusive youth participation in the City of Malolos.
As a youth leader and advocate for Persons with Disabilities (PWDs), Hon. Alejo carries the responsibility of becoming a strong voice for inclusion, accessibility, empowerment, and equal opportunities for all. Her leadership symbolizes hope and representation for the youth and PWD community in the City of Malolos.
Through her oath, she pledged to uphold the rights, welfare, and dignity of every individual, while promoting compassion, participation, and meaningful community involvement regardless of ability, gender, or background.
May this leadership inspire more young people to champion inclusivity, respect diversity, and continue building a community where everyone belongs and is empowered to lead.
Congratulations and mabuhay ang inklusibong kabataang Maloleño!