01/06/2026
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐ง
Mayo 30, 2026 - Nakiisa ang SK Dakila sa Weekly Clean Up Drive na isinasagawa tuwing sabado katuwang ang mga kawani ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Vener Dela Cruz.
Muli, Para sa ikaa-Angat ng Kabataan,
Kabataan Angat pa Tayo!
01/06/2026
MISSINGโผ๏ธโผ๏ธ
Baka daw po may makapansin sa a*o po na nasa larawan, nawala po sa Purok 6. Message lang po kayo sa aming page o icontact nyo po ang may-ari. Nasa baba po ang kanyang impormasyon.
Arjay Villafuerte- 09761861463
Salamat po.
30/05/2026
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐ง
May 30, 2026- Nakiisa ang SK Dakila sa Weekly Clean Up Drive na isinasagawa tuwing sabado katuwang ang mga kawani ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Vener Dela Cruz.
Muli, Para sa ikaa-Angat ng Kabataan,
Kabataan Angat pa Tayo!
28/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ โ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐ ๐๐ ๐๐ค๐จ!โ ๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข ๐๐๐๐
Mayo 27, 2026 โ Matagumpay na isinagawa ang ikatlong taon ng โBinata Na Ako!โ Libreng Tuli Program sa Barangay Dakila sa pangunguna ng Pamahalaang Barangay ng Dakila katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Dakila.
Mahigit 40 na kabataan ang naging benepisyaryo ng libreng tuli ngayong taon bilang bahagi ng patuloy na layunin ng barangay na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan at suporta para sa kabataan ng komunidad.
Naging posible ang matagumpay na pagsasagawa ng programang ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at suporta ng ibaโt ibang organisasyon, volunteers, at medical team.
Lubos na nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay ng Dakila kina:
โข Dr. KC at Maโam Justine ng RESATA
โข SIGMA BETA TAU FRATERNITY
โข UST Medicine and Surgery
โข Greenhills Christian Fellowship โ Bulacan
โข COMMUNITY OUTREACH MOVEMENT PRO-ACTIVE STUDENT SERVICES (COMPASS) CEU-Malolos
โข Nursing Student Council CEU-Malolos
โข Mga Barangay Tanod para sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad
โข Mga Mother Leaders, BNS, BWDO, at BPW sa paghahanda ng pagkain para sa volunteers at partner organizations
โข Mga drivers at volunteers na tumulong sa maayos na pagsasagawa ng programa
Malaki ang naging ambag ng bawat isa upang maging maayos, ligtas, at matagumpay ang implementasyon ng programang ito para sa kapakanan ng kabataan ng barangay.
Patuloy ang Pamahalaang Barangay ng Dakila sa paghahatid ng mga programang makabuluhan at may positibong epekto sa ating komunidad.
26/05/2026
๐๐ข๐ง๐๐ญ๐ ๐๐ ๐๐ค๐จ! ๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข ๐๐๐๐
Magkita-kita po tayo ngayong ika-27 ng Mayo 2026 sa GCF, Purok 6, Barangay Dakila, City of Malolos, Bulacan para sa ating Libreng Tuli Program.
Magsisimula po ang programa ng 7:30 ng umaga. Maaaring dumating simula 7:00 ng umaga para sa kumpirmasyon at muling pagrerehistro ng mga batang magpapatuli.
Mga Paalala para sa mga Magpapatuli:
โข Maligo bago magpatuli
โข Siguraduhing nakakain bago sumalang sa pagpapatuli
โข Magdala ng biscuit o tinapay upang may makain habang naghihintay
โข Magsuot ng maluwag na shorts o salawal upang maging komportable pagkatapos magpatuli
โข Kinakailangang may kasamang magulang o guardian ang batang magpapatuli
โข Magdala ng sariling tubig o tumbler
Maraming salamat po at magkita-kita tayo! ๐
24/05/2026
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐จ๐ซ๐ฆ, ๐๐๐ค๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ๐ฆ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข ๐ง๐ ๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ ๐๐จ๐ญ๐ญ๐ฅ๐๐ฌ
Mayo 23, 2026- Muling naging matagumpay ang pagpapatupad ng Project TRASHform matapos makalikom ng kabuuang labing tatlong (13) kilo ng plastic bottles. Sa pamamagitan ng simpleng paghihikayat sa mga mamamayan na magtipon at magsauli ng mga plastik na bote, unti-unting nababawasan ang suliranin sa basura sa mga tahanan at sa kapaligiran.
Sa bawat boteng naipon, may katumbas na problemang natutugunanโlabing tatlong bote, labing tatlong kilong problema sa basura ang nabigyang solusyon ng Project TRASHform.
Patunay ito na sa sama-samang pagkilos, ang maliliit na hakbang ay nagdudulot ng malaking pagbabago
20/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: CITY GOVERNMENT OF MALOLOS SCHOLARSHIP PROGRAM RENEWAL GRANT FOR SY. 2025-2026 (SECOND SEMESTER)
Where: Malolos Sports and Convention Center (MSCC)
Please bring your ID with photocopy
Date of Grant:
- For the programs APKA, AVSP, ABOSP, NMMSP, and TPKM with Surname A to F, you can claim your grant on May 30, 2026, 8:00 AM - 5:00 PM
- For TPKM with Surname G to Z, you can claim your grant on May 31, 2026, 8:00 AM - 3:00 PM
Kindly visit this link to see the list. Thank you.
https://bit.ly/4eXz2Gy
https://bit.ly/4eXz2Gy
https://bit.ly/4eXz2Gy
17/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐
Mayo 15, 2026- Dumalo si SK Kagawad Jerick Victoria kasama ang tatlong benepisyaryo sa programang โProject Gear Up Sea*on 2โ na ginanap sa Temple Bible Baptist Church.
Ang nasabing programa ay handog ng Malolos City Advisory Group at Philippine National Police sa pakikipagtulungan ng Malolos Youth Development at SK Federation of Malolos.
Layunin ng programa na makatulong sa mga kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies sa mga piling benepisyaryo bilang suporta sa kanilang pag-aaral at paghahanda sa darating na pasukan.
Para sa ikaa-Angat ng kabataan,
Kabataan Angat pa Tayo!