Bulacan Agriculture

Bulacan Agriculture

Share

Service provider on agriculture and fisheries development

Photos from Provincial Government of Bulacan's post 19/12/2022
15/12/2022

Congratulations! Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan for being awarded by the Department of Agriculture Central Luzon as the Region's Best in Gulayan sa Barangay 2022 at a ceremony held today December 15, 2022 at Savannah Hotel, Angeles City, Pampanga.

Brgy. Bulihan also bagged six (6) minor awards;
πŸ† Best in Kumikitang Gulayan sa Barangay
πŸ† Best in Scrapbook- 1st Place
πŸ† Best in Crop Museum
πŸ† Best in Innovation with Recycled Materials- 2nd Place
πŸ† Best Mayor Award
πŸ† Best Kapitan Award

Greetings from the Provincial Government of Bulacan and the Provincial Agriculture Office.

14/11/2022

Sa pagdiriwang ng 8th Organic Agriculture Month, makiisa sa Organic Trade Fair mula November 18-19 sa Brgy. Marungko, Angat, Bulacan.

Bumili ng mga locally produced organic products at maaaring makatanggap ng mga freebies!

Photos from Bulacan Agriculture's post 20/10/2022

CITY OF MALOLOS, Bulacan -- 512 na mga magsasaka at mangingisda ang dumalo sa isinagawang Farmers' Field School Mass Graduation Ceremony. Ito ay matapos nilang makumpleto ang 12-16 na linggong pagsasanay sa pagtataguyod ng Department of Agriculture- Regional Field Office III (DA-RFO III), Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Region III (BFAR Region III) sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at mga Pamahalaang Bayan ng Baliwag, Bocaue, Bustos, Hagonoy, Lungsod ng Malolos, Pulilan, San Ildefonso, San Miguel, at San Rafael.

74 na mga magsasaka ang nagtapos sa Farmers' Field School on Vegetable Production sa pagtataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Panlalawigang Tanggapan sa Pagsasaka at pakikipagtulungan sa mga bayan ng San Ildefonso, San Miguel at San Rafael. Samantala, 321 na mga magsasaka ang nagtapos sa pagsasanay ukol sa Scaling the Adoption of Pest and Nutrient Management Technologies sa ilalim ng Scaling Rice Development Initiatives (SRDI) Project ng PhilRice. Ang mga nagsanay ay mula sa mga bayan ng Baliwag, Bocaue, City of Malolos, Pulilan, San Ildefonso, San Miguel at San Rafael. Ito na ang ikatlong batch ng mga magsasaka na nagtapos sa nasabing proyekto kung saan, ang mga tagapagsanay ay mga Agricultural Extension Workers (AEWs), Local Farmer Technicians (LFTs) at farmer leaders na nagtapos sa ikalawang batch. 91 na mga magsasaka mula sa mga bayan ng Bustos, Pulilan at San Ildefonso ang nagtapos sa isinagawang pagsasanay ng DA-RFO III ukol sa Climate- Resilient Farm Business School, habang 26 na mga fishpond operators naman mula sa Brgy. San Pablo, Hagonoy, Bulacan ang nagtapos sa Fishfarmers' Field School on Improved Polyculture of Shrimp and Tilapia in Brackishwater Pond using Greenwater Technology sa pangunguna ng Panlalawigang Tanggapan sa Pagsasaka at pagtataguyod ng BFAR Region 3.

Ang mga pagsasanay ay nagsimula noong Hunyo at natapos nitong buwan ng Oktubre. Layunin nito na maibahagi sa mga magsasaka at mangingsida ang mga napapanahong pamamaraan at teknolohiya na makatutulong sa pagpapataas ng antas ng kanilang produksyon.

Pinagtibay ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagtatapos ng mga magsasaka at mangingisda kasama sina VG Alex Castro, Committee Chair on Agriculture and Fisheries BM Allen Dale DC. Baluyut, BM Cezar "Teta" Mendoza, BM Ramil Capistrano, PhilRice SRDI Focal Person Mr. Mark Angelo Abando, DA-RFO 3 Operations Division Chief Ms. Elma Mananes, and BFAR- Region 3 Training Section Chief Ms. Charito Coma, Provincial Agriculturist Ma. Gloria SF. Carrillo at mga Municipal/ City Agriculturist. Nagpadala rin ng mensahe ng pagbati si BFAR 3 Regional Director Wilfredo Cruz.

Patuloy na susubaybayan ng mga AEWs ang mga nagsipagtapos upang magabayan sila sa aplikasyon ng kanilang natutunan. Samantala, sila ay makatatanggap ng karagdagang inputs mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, BFAR Region 3, PhilRice at DA-RFO III.

Ipinagkaloob rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang katibayan ng pagpapahalaga sa mga partner agencies para sa kanilang suporta at pagkakaloob ng iba't- ibang programa para sa mga magsasaka at mangingisdang Bulakenyo, gayundin sa mga bayan na naging bahagi ng nasabing pagsasanay.
# # #

20/10/2022

The Graduates of Farmers' Field School on Climate Resilient Farm Business School.

11/10/2022

Provincial Agriculture Office
2nd Quarter Accomplishment Report

Photos from Bulacan Agriculture's post 05/10/2022

CITY OF MALOLOS, Bulacan -- Mahigit 1,000 na mga magsasaka at mangingisdang Bulakenyo ang tumanggap ng fuel subsidy card noong Setyembre 22, 2022. Ito ay sa pagtataguyod ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR Region 3) sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Ang distribusyon ay pinangunahan ni Bokal Allen Dale Baluyot, Tagapangulo ng Komite sa Agrikultura, BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, Gng. Adela PeΓ±alba, DA RFO3 Regional Corn Program Coordinator at Provincial Agriculturist Gigi Carrillo.

Layunin ng programa na matulungan ang mga mangingisda at mga nagsasaka ng mais sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa. Naglalaman ng P3,000.00 ang bawat subsidy card na magagamit para sa pagbili ng gasolina o diesel mula sa mga accredited gas stations sa lalawigan.

Kabilang sa mga nakatanggap ng fuel subsidy card ang 982 na mga mangingisda mula sa walong ( 8 ) coastal towns ng lalawigan (Bulakan, Calumpit, Paombong, Hagonoy, Bocaue, Obando, City of Meycauayan, City of Malolos) at 28 na mga magsasaka ng mais mula sa mga bayan ng Angat, San Miguel at DRT. Ito ang ikalawang batch ng mga benepisyaryo na karagdagan sa naipamahagi noong Hunyo 24, 2022 kung saan halos 500 na mga mangingisda ang nakinabang.
# # #

Want your business to be the top-listed Government Service in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Provincial Agriculture Office, Capitol Compound, Guinhawa
Malolos
3000