05/04/2025
BULSU-PDM (PARTIDO-PAGKAKAISA NG DEMOKRATIKONG MAG-AARAL)
PDM BULSU OFFICIAL PAGE Ang PDM(Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong Mag-aaral) ay isang partido-politikal sa Bulacan State University na itinayo noong 1983.
Isa itong aktibistang organisasyon na naglalayong pagsilbihan ang kabataang estudyante, g**o, at kawani sa BSU. Lumalahok rin an PDM sa mga gawaing masa tulad ng BMI(Basic Mass Integration - pakikipamuhay ng ilang panahon sa mga magsasaka, o manggagawa), lumahok sa laban ng mga manggagawa para sa kampanyang pagpapataas ng sahod, nakikiisa sa mga magsasaka para sas tunay na reporma sa lupa.
05/04/2025
01/04/2025
20/03/2025
07/03/2025
๐๐๐น๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐, ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ก!
Ang tunay na inklusiboโฆ sa estudyante nagmumula ang kapangyarihan. Hindi ito nanggagate-keep at ginagawang token ang danas at pakikibaka ng komunidad.
Ang tunay na konsultatiboโฆ hindi passive. Ito ay PRU-AKTIBO at KASAMA ang bawat sektor sa paninilbihan.
Ang tunay na paglaya ay... nasa ating sama-samang paglaban.
๐ก๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, ๐บ๐๐น๐ถ ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป!
Mula sa estudyante at tungo sa sambayanan, KASAMA KA PA RIN SA LAHAT NG BUKAS! At ating kilalanin ang mga lider-estudyanteng tinanggap ang nominasyon ng KASAMA BulSU at hamon ng paninilbihan:
๐ฃ๐ฟ๐๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ: ๐ฃ๐ฟ๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ โ๐ฃ๐ฟ๐โ ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฎ๐ป
๐๐ถ๐๐ฒ-๐ฃ๐ฟ๐๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ: ๐๐ผ๐๐ฒ๐น๐ ๐ฉ๐ฎ๐๐พ๐๐ฒ๐
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ก๐ถ๐ฐ๐ผ ๐ฌ๐๐ฐ๐ต๐ผ๐ป๐ด๐ฐ๐ผ
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฒ ๐จ๐
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ต๐ป ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ผ
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฒ๐บ ๐๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ฎ
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐ฎ๐ป๐ป๐ฒ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ฎ
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฅ ๐ฅ๐ฎ๐ณ๐ฎ
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป
๐โ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ : ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐กโ๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐ข๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐โ๐ ๐๐๐ง๐ง๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ .
21/02/2020
Mula sa Office of the Student Regent:
Sa nakaraang ilang linggo ay may mga inilabas na pahayag sa social media na naglalaman ng ibaโt ibang paratang laban sa kasalukuyang Supreme Student Council na pinamumunuan ng mga lider-estudyante mula sa Students for the Advancement of National Democracy (STAND) (na tinatawag nilang Students for the Advancement of Democratic Rights), partikular ang hindi nito pagtugon sa isyu ng mga mag-aaral, g**o at kawani ng BulSU, at mamamayan.
Ang mga lumabas na pahayag ay bunga ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng ilang alumni ng STAND at kasalukuyang liderato nito. Sa kabila ng pagsisikap na ayusin ang hindi pagkakaunawaan, nagpasya ang mga sangkot na alumni na gamitin ang social media upang sirain ang aming kredibilidad bilang lider-estudyante.
Bahagi sa pag-iral ng isang organisasyon ang pagkakaroon ng sigalot o hindi pagkakasundo, lalo at magkakaiba ang ating mga paniniwala. Nakalulungkot na sa halip na pag-usapan ang mga isyu upang muliโy magkatuwang na kumilos, mas pinili nilang maglabas ng pahayag na naglalaman ng masasakit at maling paratang.
Ang mga aktibidad at programa ng Student Government ang magpapatunay na hindi nito tinatalikuran ang pagsusulong ng interes at kagalingan hindi lamang ng mga estudyante kundi maging ang ibaโt ibang sektor ng lipunan.
Isa sa pangunahing kampanya natin ang pagsusulong ng Magna Carta of Students upang matiyak na ang mga inisyal na tagumpay na nakamit ng ating sama-samang pagkilos ay patuloy na matatamasa ng mga mag-aaral ng BulSU kahit pa magbago ang administrasyon.
Bahagi sa mga tagumpay na ito ang pag-aalis sa haircut policy, gayundin ang pagbabawal sa sapilitang pagbebenta ng libro kapalit ng grades o academic priveleges.
Kasama rin dito ang patuloy na paglaban sa mandatory collection of fees katulad ng pagpapabayad PTA fee upang hindi magkaroon ng dagdag-pasanin ang mga mag-aaral.
Laman din ng Magna Carta ang pagbibigay ng suporta sa mga atleta at cultural groups. Sa pamamagitan ng mas pinalakas nating ugnayan sa kanila ay matitiyak natin na mas mapapabuti ang kanilang kalagayan sa loob ng pamantasan. Kabilang dito ang pagbibigay ng tulong-pinansyal at pagsasagawa ng proyekto tulad ng Color Fun Run kung saan ang nakalap na pondo ay ibibigay natin sa ating atleta upang ipambili ng kanilang mga pangangailangan. Nagpasa rin ng resolusyon ang Student Government upang isulong ang recognition ng mga cultural groups sa satellite campuses at pagbibigay ng kaukulang opisina sa bawat organisasyon.
Hindi rin tayo nagsawalang-kibo sa desisyon na patawan ng suspensyon ang ilang g**o kaugnay ng hindi nila paggamit ng biometrics. Nakatala sa minutes of the meeting ng Board of Regents ang mariing pagtutol ng Student Regent sa nasabing suspensyon. Sa aktwal, sa lahat ng miyembro ng BOR ay tanging ang Student Regent ang hindi sumangayon sa desisyong ito.
Kaugnay ng isyu ng pagpapaalis sa manininda sa loob ng BulSU, inihapag ito ng Student Government sa isinagawang dialogue sa pagitan ng mga lider-estudyante at ni President Cecilia Gascon noong Agosto 23, 2019. Patuloy tayong nakikipanayam sa mga manininda upang malaman ang kanilang kalagayan. Ayon mismo sa kanila, wala na silang nakuhang balita tungkol sa isasagawang renobasyon at hanggang sa kasalukuyan ay wala anumang banta ng pagpapaalis sa mga manininda.
Sa patuloy na pagtataguyod ng karapatan ng iba pang sektor ng lipunan, nagsagawa tayo ng ibaโt ibang programa na tumatalakay sa isyu ng magsasaka, manggagawa at mangingisda. Isa na rito ang isinagawang SALIMBAYAN, isang sectoral convention kung saan nagsilbing tagapagsalita si Atty. Chel Diokno na nilahukan ng humigit-kumulang tatlong libong estudyante at kinatawan ng ibaโt ibang sektor. Sa buong pagdiriwang din ng SRW month ay nagkaroon ng educational discussions na tumatalakay sa kalagayan ng bansa, sitwasyon ng edukasyon, at papel ng kabataan sa pagbabagong-panlipunan.
Ilan lamang ito sa mga nagawang proyekto ng Student Government, na sa kasalukuyan ay pinamumunuan ng STAND, na nagpapakita ng patuloy nitong pagtangan sa prinsipyo na itaguyod ang karapatan ng mamamayan.
Mahaba pa ang ating lalakbayin upang mapagtagumpayan ang ating laban. Itinuturing naming ang nangyayaring hidwaan sa pagitan ng ilang alumni ng STAND at kasalukuyang liderato nito bilang isang bagyo sa ating paglalayag. Tulad ng iba pang unos, umaasa kami na lilipas din ang madilim na bahaging ito ng kasaysayan ng STAND at magbibigay-daan sa pagsikat ng mas maaliwalas na hinaharap.
Tuloy ang Laban!
PABATID:
1. Ginamit ang Office of the Student Regent dahil isa ang kasalukuyang SR sa binabato ng mga napakaraming paratang at upang mas mabilis na makapaglinaw sa mga mag-aaral kaugnay ng mga lumalabas na isyu.
2. Ang anumang post/pahayag sa STAND BulSU page ay hindi nagmula sa kasalukuyang liderato ng STAND. Ito ay matapos na tahasang alisin ang mga lehitimong page administrator, kabilang ang Student Regent, sa nasabing page.
23/09/2019
12/02/2019
kakampi ng mga mahihirap!
NERI COLMENARES FOR SENATOR #22
Maingay daw ang mga makabayang aktibista gaya ni Neri Colmenares. Pero minsan, kailangang mangalampag para maiparating ang ating mga kahilingan.
Noong kailangan ng dagdag-pensyon para sa mga senior citizens, nangalampag si Neri at naibigay ang dagdag P1,000 pension sa mga SSS pensioners. Noong kailangang tutulan ang mataas na singil sa kuryente, nangalampag din si Neri at napigilan ito.
Ngayon, kinakailangan natin ng boses para itaas ang sahod, wakasan ang kontraktuwalisasyon, pigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, ipatupad ang karagdagang pensyon, at iba pang mga isyung panlipunan. Kailangan natin ng kakampi sa Senado na walang takot at subok nang tumitindig para sa ating kapakanan.
KAILANGAN NATIN ANG KALAMPAG NI COLMENARES!
sa Senado!
07/02/2019
Dumalo sa Pambansang Seminar 2019.
Magparehistro na!
Pambansang Seminar-Worksyap 2019
4 na araw: Abril 24-27, 2019 (Miyerkoles hanggang Sabado)
William Shaw Little Theater, De La Salle University, Taft Avenue, Manila
Tema: Mga Teknika at Estratehiya sa Pagtuturo at Pananaliksik ng/sa Filipino, Malikhaing Pagsulat, at Caucus sa mga Isyung Pangwika
*EARLY BIRD RATE (hanggang Marso 31): 4,000 piso bawat kalahok
*GROUP PROMO (hanggang Marso 31 din): sa bawat 5 na magpapatala mula sa isang paaralan, LIBRE ang ika-6 (5+1).
*REGULAR RATE (mula Abril 1): 4,500 piso bawat kalahok
*SAKLAW po ng bayarin sa rehistrasyon ang (3) tanghalian at pitong (7) meryenda para sa 4 na araw ng seminar.
*HINDI SAKLAW ng bayarin ang akomodasyon. Kanya-kanya po ang pag-aayos, reserbasyon, at pagbabayad ng akomodasyon.
*KUNG SIGURADO NANG LALAHOK, MAGPAREHISTRO NA SA pamamagitan ng pag-fill out sa form na ito: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe99KjendtlM1DQO3p1gOZSlH-NEec0oADzHMHGsenSKxDN8A/viewform
*I-CLICK PARA MADOWNLOAD ANG IMBITASYON, PROGRAMA, ATBP.:https://clubmanila.files.wordpress.com/2019/02/panlahat-letter-invitation.pambansangseminar2019.pdf
*PARA MAKAPAG-AVAIL NG EARLY BIRD rate at/o GROUP PROMO, mangyaring ideposito ang bayad sa UCPB Acct. No. 120-114-711-9 sa account name na โDe La Salle Universityโ hanggang Marso 31. Mula Abril 1 ay aplikable na ang REGULAR RATE na 4,500 piso. Paki-scan po at paki-email sa [email protected] ang deposit slip (dalhin ang orihinal sa araw ng seminar) kalakip ang inyong buong pangalan, paaralan/opisina, at contact number. BANGGITIN SA NASABING EMAIL KUNG KANINO O SA PAARALAN BA IPAPANGALAN ANG RESIBO.
*KAUGNAY NG Continuing Professional Development (CPD), ang partisipant sa seminar-worksyap, presentor/panelista sa kumperensya, at demonstration teacher sa aktibidad na ito ay maaaring makakuha ng credit units batay sa probisyon hinggil sa SELF-DIRECTED TRAINING alinsunod sa Seksyon 4 (bilang 3 sa pahina 3) ng Resolution No. 11, Series of 2017 ng Professional Regulatory Board for Professional Teachers na makikita sahttps://www.prc.gov.ph/โฆ/โฆ/files/resoProfTeachers2017-11.pdf
*PARA SA AKOMODASYON, MAAARING KONTAKIN ang YMCA: (02) 527-6982 to 85 o 528-0559; Boy Scouts of the Philippines: (02) 522-0047; PNU Hostel: 317-1768 loc.773/531; UCCP Shalom Center Hotel: 0917-886-1017.
*Nakapagsumite na ng liham sa DEPED at CHED ang Komite sa Pambansang Seminar 2019 at iniintay na lamang ang DepEd advisory at CHED endorsement letter. AGAD NA IPOPOST DITO ANG E-COPY NG MGA NASABING DOKUMENTO KAPAG AVAILABLE NA.
*Sa nangangailangan ng GENERIC NA LETTER-INVITATION, i-PM po ninyo kami dito sa Facebook.
*SA MANGANGAILANGAN NG PERSONALIZED LETTER-INVITATION, I-PM PO n'yo po sa amin dito sa Facebook ang PANGALAN KUNG KANINO I-ADDRESS ANG LETTER-INVITATION, DESIGNASYON/POSISYON NIYA, AT PAARALAN o INSTITUSYON NIYA. Kung nais n'yo po na ipadala namin sa inyong administrador/presidente/principal ay maaari po ninyong ibigay sa amin ang kanilang email.
IMPORMASYON PARA SA MAGPAPASA NG PROPOSAL PARA SA PATIMPALAK SA PAKITANG-TURO
(DEMONSTRATION TEACHING)
Ang Word file ng proposal para sa pakitang turo ay dapat ipasa sa format na simple lesson plan na akma para sa araling pang-45 minuto lamang. Anumang aralin sa wika, panitikan, obra maestra, kultura, MTB-MLE, komunikasyon, Filipino, Araling Pilipinas at iba pang kaugnay na larangan ay maaaring gamitin para sa proposal sa pakitang-turo. Ipadala sa [email protected] kalakip ang kalakip ang inyong buong pangalan, paaralang pinagtuturuan o opisinang pinagtatrabahuhan, email address at contact number. Ang deadline ng pagpapasa ng proposal para sa pakitang turo ay sa Marso 31, 2019. Maaaring makakuha ng credit units ng Continuing Professional Development (CPD) ang demonstration teacher sa aktibidad na ito ay batay sa Seksyon 4 (bilang 3 sa pahina 3) ng Resolution No. 11, Series of 2017 ng Professional Regulatory Board for Professional Teachers na makikita sahttp://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/resoProfTeachers2017-11.pdf
May matatanggap na sertipiko ng pagpapakitang-turo ang lahat ng mapipiling magpakitang-turo. Mula sa magpapakitang-turo ay pipiliin ang pinakamahuhusay na PAKITANG-TURO na gagawaran ng sertipiko ng pagkilala.
~~~
IMPORMASYON PARA SA MAGPAPASA NG ABSTRAK
PARA SA PATIMPALAK SA PRESENTASYON NG MGA PANANALIKSIK
Nakapokus sa mga paksang PANGWIKA, PAMPANITIKAN, at PAMPEDAHOHIYA ang mga inaasahang abstrak. Ang abstrak na inaasahang isusumite ng mga g**o sa mga larangang itoโy maaaring sumaklaw sa alinman sa mga sumusunod na ispesipikong paksa at mga katulad at kaugnay na paksa:
PAKSANG PANGWIKA
Pagpaplanong Pangwika
Kurikulum ng Filipino
Leksikograpikong Pag-aaral
Mga Varayti ng Wika
Teorya at Praktika ng Pagsasaling-Wika
Pagtuturo ng Pananaliksik ng/ sa Filipino
PAKSANG PAMPANITIKAN
Panunuring Pampanitikan
Pagsusuri ng Mga Obra Maestra
Panitikan sa Social Media
Sumisibol na Panitikang Rehiyonal at Nasyonal
Pagsasalin ng Akdang Pampanitikan
PAKSANG PAMPEDAGOHIYA
Teorya at Praktika ng MTB-MLE
Aksyong Pananaliksik (Action Research) sa Wika, Panitikan, MTB-MLE At Iba Pa
Inobatibong Pagtuturo ng Mga Obra Maestra
OBE sa Pagtuturo ng Filipino
OBE sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan
Kooperatibo at Koloboratibong Dulog sa Pedagohiya
Ipadala ang Word file ng abstrak na hindi hihigit sa 300 salita, kalakip ang inyong buong pangalan, paaralang pinagtuturuan o opisinang pinagtatrabahuhan, email address at contact number sa [email protected]
Ang deadline ng pagpapasa ng abstrak ay sa Marso 31, 2019. Hindi required ang pagpapasa ng buong papel. Ang mga magpapasa ng buong papel ay maaaring magkaroon ng oportunidad na mailathala ang kanilang papel sa isang online refereed journal (sasailalim din sa regular na rebyu ng nasabing journal) at maisasama sa mga pagpipilian ng pinakamahusay na pananaliksik sa Filipino. Bibigyan ng sertipiko ang lahat ng mapipiling magpresenta ng pananaliksik. Gagawaran ng sertipiko ng pagkilala ang mapipiling pinakamahuhusay na pananaliksik sa Filipino.
Ang mga magpapasa ng kumpletong papel sa kumperensya ay maaaring magkaroon ng credit units ng Continuing Professional Development (CPD), batay sa bilang 4.3.1 sa pahina 4 ng Resolution No. 11, Series of 2017 ng Professional Regulatory Board for Professional Teachers na makikita sahttp://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/resoProfTeachers2017-11.pdf
TENTATIBONG PROGRAMA
Unang Araw (Abril 24, 2019): SEMINAR AT MGA PAKITANG-TURO
7:00 โ 9:00 ng umaga: REHISTRASYON at MERYENDA
9:00 โ 12:00 ng tanghali:
Pambansang Awit at Panalangin
Bating Pagtanggap
Dr. Ernesto Carandang II (Tagapangulo, Departamento ng Filipino, DLSU-Manila)
Panayam 1: Mga Teknika at Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa K-12
Dr. Lakangiting Garcia (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
Panayam 2: Mga Teknika at Estratehiya sa Pagtuturo sa Filipino ng mga New GEC
Dr. Rhoderick Nuncio (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
12:00 โ 1:00 ng hapon: TANGHALIAN
1:00 โ 5:00 ng hapon:
Pakitang-turo ng Piling Gurong Partisipant (Merienda sa Pagitan)
Tagapangasiwa: Dr. Raquel Sison-Buban (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
Kinder, Baitang 1-6
Baitang 7-9
Senior High School
Tersyarya
Ikalawang Araw (Abril 25, 2019): SEMINAR AT PRESENTASYON NG PANANALIKSIK
7:00 โ 8:00 ng umaga: REHISTRASYON at MERYENDA
8:00 โ 12:00 ng tanghali:
Panayam 3: Ang Pananaliksik sa Filipino
Dr. Feorillo Demeterio III (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
Panayam 4: Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pananaliksik sa Filipino
Dr. Rowell Madula (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
12:00 โ 1:00 ng hapon: TANGHALIAN
PRESENTASYON NG MGA ISINAGAWANG PANANALIKSIK ng Piling Gurong Partisipant
Ikatlong Araw (Abril 26, 2019): SEMINAR AT WORKSYAP
7:00 โ 8:00 ng umaga: REHISTRASYON at MERYENDA
8:00 โ 12:00 ng tanghali:
Panayam 5: Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Malikhaing Pagsulat (Maikling Kuwento at Nobela)
Dr. Ernesto Carandang II (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
Panayam 6: Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Malikhaing Pagsulat (Tula at Sanaysay)
Dr. F***y Garcia (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
12:00 โ 1:00 ng hapon: TANGHALIAN
1:00 โ 5:00 ng hapon:
Palihan sa Malikhaing Pagsulat (Merienda sa Pagitan)
Facilitators: Dr. Ernesto Carandang II, Dr. F***y Garcia, at Dr. Lakangiting Garcia
(Mga Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
Ikaapat na Araw (Abril 27, 2019): SEMINAR AT CAUCUS SA ISYUNG PANGWIKA
7:00 โ 8:00 ng umaga: REHISTRASYON at MERYENDA
8:00 โ 12:00 ng tanghali:
Panayam 7: Pagbabagong-Bihis ng Asignaturang Filipino sa GEC ng Kolehiyo
Dr. David Michael M. San Juan (Fakulti, Departamento ng Filipino, DLSU, Manila)
PAGPIPINID NG PROGRAMA
PAGGAGAWAD SA MGA NAGWAGI SA PATIMPALAK AT PALIHAN
PAGGAGAWAD NG SERTIPIKO NG PAGDALO AT PAKIKIISA
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Malolos
3000
