Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26

Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26

Share

Ang 'page' na ito ay ang opisyal na onlayn na komunikasyon ng Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'25.

Dito ipapaskil ang mga mahahalagang anunsyo, programa, pabatid at iba't ibang kaganapan na naisakatuparan at maisasakatuparan pa lamang.

02/06/2026

๐ŸŒˆ ๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐€๐’๐€๐‡๐€๐! ๐ŸŒˆ

Ngayong buwan ng Hunyo, buong-pusong nakikiisa ang ating sanggunian sa pagdiriwang ng Pride Month. Kinikilala at ipinagmamalaki ng Barangay Panasahan ang makulay na ambag, galing, at kontribusyon ng ating mga kabarangay na kabilang sa LGBTQIA+ community.

Dito sa Panasahan, naniniwala tayo na ang isang progresibong komunidad ay nakabatay sa pagrespeto, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay ng lahatโ€”anuman ang kasarian o oryentasyon. Patuloy nating itaguyod ang isang barangay na ligtas, may pagmamahal, at walang diskriminasyon.

Isang makulay at mapagpalang Pride Month sa inyong lahat! โค๏ธ๐Ÿงก๐Ÿ’›๐Ÿ’š๐Ÿ’™๐Ÿ’œ
- - -
Lgbtqia Panasahan
Malolos City Information Office
DILG City of Malolos

Photos from Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26's post 02/06/2026

๐–๐Ž๐‘๐Š๐’๐‡๐Ž๐ ๐…๐Ž๐‘ ๐Œ๐€๐‹๐Ž๐‹๐Ž๐’ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐‚๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€๐‹ ๐Œ๐€๐๐๐ˆ๐๐†
Friday | May 29, 2026

Noong nakaraang Biyernes ay ginanap ang Cultural Mapping Workshop sa Dambana ng Casa Real o Museo ng Pampulitikang Kasaysayan ng Pilipinas. Tampok dito ang mga kultural na yaman ng Malolos mula sa iba't ibang barangay - pagkain, tradisyon, tao na mayroong ambag sa lipunan, mahalagang artifacts, atbp. Ito ay sa pagtataguyod ng National Historical Commission of the Philippines, sa pagkikipagtulungan sa City Tourism Office ng Malolos.

Para sa Barangay Panasahan, bukos sa Sayaw Panasahan, Pabukang Puso, nabigyan ng tuon ang tradisyon ng pagluluto ng lumlom na bangus bilang isang ekstraordinaryong putahe na nagmula sa ating barangay.

Dinaluhan ito ng Chairman ng Committee on Tourism - Kon. Gloria Padin, Committee on Education Chairman - Kon. Itchan Faustino at pangulo ng sektor ng PYAP - G. Jose Calinao bilang kinatawan ng ating barangay. Ang tatlo ay napili bilang bahagi ng pitong core group sa City Mapping ng Malolos.


- - -
Malolos City Information Office
DILG City of Malolos

Photos from Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26's post 01/06/2026

๐๐๐€๐“'๐ฌ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† 2026 ๐‚๐‹๐”๐’๐“๐„๐‘๐ˆ๐๐† 9
๐Œ๐€๐˜ 29, 2026

Dinaluhan ng mga kasapi ng Sangguniang Barangay, Barangay Tanod, at Lupon ng Panasahan at Bagna nasabing training ayon sa direktiba ni PLTCOL ROMMEL E GENEBLAZO, COP.

Matagumpay na isinagawa ng Malolos City Police Station ang BPATs Training na ginanap sa Panasahan Elementary School, Barangay Panasahan Malolos City, Bulacan.

Layunin ng naturang pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Panasahan at Barangay Bagna sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Tinalakay sa programa ang Katarungan Pambarangay para sa tamang proseso ng pagresolba ng alitan, at Self Defense upang ihanda ang BPATs sa pagprotekta sa sarili at sa mamamayan. Kasama rin ang direktiba ni SILG Juanito Victor C. Remulla sa pagpapatupad ng curfew, pagbabawal ng pag-inom sa kalsada, at paglimita ng paggamit ng videoke.

Ang Malolos City Police Station ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga barangay upang masig**o ang ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan para sa lahat ng mamamayan ng lungsod.




โ€โ€--------------

Photos from Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26's post 01/06/2026

๐๐‘๐ˆ๐†๐€๐ƒ๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ | ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ang Sangguniang Barangay ng Panasahan, sa pangunguna ni Igg. Kap. Rino Aniag at ng Komite ng Edukasyon nito, ay buo at taus pusong sumusuporta sa Brigada Eskwela 2026 ng Panasahan Elementary School, na may temang, "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa Para sa Kaayusan at Kaalaman."

Dinaluhan ito ng iba't ibang samahang pansibiko mula sa ating barangay. Ang gawaing ito ay pambuong linggo kaya't hinihikayat ang bawat mamamayan na makiisa para sa pagiging handa ng paaralan sa pagbubukas ng Taong Pampanuruan 2026-2027.



- - -
Malolos City Information Office
DILG City of Malolos

30/05/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฃ๐—œ๐—ง, ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—”๐—š๐—˜ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—–๐—จ๐—ฅ๐—˜! ๐Ÿ’…๐Ÿ’†โ€โ™€๏ธ๐Ÿ’‡โ€โ™‚๏ธ
Bilang bahagi ng ating patuloy na paglilingkod sa komunidad, inaanyayahan namin ang lahat ng batang babae at lalaki na makiisa sa ating Libreng Gupit kasama ang Libreng Massage at Manicure na gaganapin sa:

๐Ÿ“ Ibaba ng Cooperative Office
๐Ÿ“… June 6, 2026 (Sabado)
โฐ 7:00 AM โ€“ 12:00 NN

Sa pakikipagtulungan ng ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง โ€“ ๐Š๐จ๐ฆ๐ข๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, mga katuwang na samahan - ๐“๐š๐ฎ ๐†๐š๐ฆ๐ฆ๐š ๐๐ก๐ข - ๐๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐š๐ฌ๐ž๐ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ, ๐‹๐†๐๐“๐๐ˆ๐€+ ๐๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐€๐Œ๐Œ๐€๐˜๐€, sama-sama nating ihatid ang serbisyong may malasakit para sa ating komunidad. Tara na at magpaganda at magpagupit nang libre! ๐Ÿ’™

Panasahan Multipurpose Cooperative



Photos from Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26's post 30/05/2026

๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐๐‘๐„๐๐™๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐‹๐‹๐ˆ๐€๐Œ๐•๐ˆ๐‹๐‹๐„ ๐Ÿ‘ ๐€๐“ ๐๐„๐€๐”๐“๐˜ ๐•๐ˆ๐‹๐‹๐€๐†๐„
Mayo 30, 2026


- - -
Malolos City Information Office
DILG City of Malolos

Photos from Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26's post 28/05/2026

๐๐Ž๐–๐„๐‘ ๐Ž๐”๐“๐€๐†๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ ๐€๐“ ๐‘๐„๐๐“๐€, ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž ๐“๐€๐–๐ˆ๐‘๐€๐ โšก๏ธ๐Ÿ”‹๐Ÿ’ก

Kasalukuyan pong kinukumpuni ng Meralco ang nasunog na wire sa poste sa Repta mula sa insidente kagabi. Asahang sa ilang oras ay magkakaroon na ng kuryente sa nabanggit na lugar.
- - -
๐Ÿ“ธ: Mga larawan buhat kay Meg Fernando

DILG City of Malolos
Malolos City Information Office
Malolos City DRRM Office

Photos from Sangguniang Barangay ng Panasahan '23-'26's post 28/05/2026

๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐€๐๐”๐€๐“๐ˆ๐‚ ๐’๐€๐…๐„๐“๐˜ ๐€๐๐ƒ ๐‘๐„๐’๐‚๐”๐„ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐€๐Œ๐ƒ ๐‘๐„๐…๐‘๐„๐’๐‡๐„๐‘ ๐‚๐Ž๐”๐‘๐’๐„ ๐Ž๐ ๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐€๐ˆ๐ƒ

Ang mga kinatawan ng Sangguniang Barangay ng Panasahan ay patuloy na nakikiisa sa 'BASIC AQUATIC SAFETY AND RESCUE TRAINING AMD REFRESHER COURSE ON BASIC FIRST AID' sa pangunguna ng Malolos City DRRM Office.

Ang seminar na ito ay naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman at kasanayan upang maiwasan ang aksidente sa tubig, makapagsalba ng buhay, at makatugon nang tama sa mga medikal na emergency.

Mga Tiyak na Layunin:
1. Kaligtasan sa Tubig (Aquatic Safety): Matutuhan ang mga tamang teknik sa pag-iwas sa pagkalunod at ligtas na pagsagip sa biktima nang hindi nailalagay sa panganib ang sariling buhay.
2. Paunang Lunas (First Aid Refresher): Muling isariwa ang mga kasanayan sa pagbibigay ng paunang tulong-medikal, partikular na ang CPR para sa mga biktima ng pagkalunod at iba pang emergency.
3. Kahandaan (Readiness): Sanayin ang mga kalahok na maging kalmado, mabilis, at alertong first responder sa komunidad o lugar-paggawa.

Pagtitiyak ito na handa ang Barangay Panasahan sa anumang sakuna na nakaamba.

- - -
DILG City of Malolos
Malolos City Information Office

Photos from Panasahan Elementary School's post 28/05/2026

๐Ÿ“ฃBrigada Eskwela 2026
BAYANIHAN SA PAARALAN:
"Nagkakaisa Para sa Kaayusan at Kaalaman"

Makipagbayanihan na...
June 1-5, 2026.

Inaanyayahan ang mga Brigada Heroes, stakeholders, parents, learners, partners, alumni, LGUs at iba pang sektor ng lipunan na makiisa at maging bahagi ng isang makabuluhang pagbabayanihan. Ang inyong paglahok ay malaking tulong para maisaayos at maihanda pa naming mabuti ang sintang paaralan para sa ligtas na pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.
Makipag-ugnayan lamang po sa mga g**o at kawani ng paaralan para sa inyong mga tulong at donasyon na inyong ipapahatid.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta, nawa ay Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal!




28/05/2026

๐๐Ž๐–๐„๐‘ ๐Ž๐”๐“๐€๐†๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„: ๐‘๐„๐๐“๐€ ๐’๐“๐‘๐„๐„๐“, ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž ๐“๐€๐–๐ˆ๐‘๐€๐ โšก๏ธ๐Ÿ’ก

As of 4:25 pm, ito pa rin po ang kalagayan ng power outage report ng Sangguniang Barangay ng Panasahan sa Meralco. Paumanhin po sa mga nakatira sa Repta sa pagkaantala ng pagkukumpuni ng kuryente sa nabanggit na lugar. Mula kagabi ay patuloy na po tayong nagrereport ng power outage na ito at hanggang sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa provincial main office sa Plaridel.

Sa katunayan, maraming lugar sa Malolos ang walang kuryente sa kasalukuyan mula kahapon at hindi pa rin naaayos ng Meralco. Kaya't mahabang pasensya po ang ating baunin sa mga pagkakataong ito. Asahan po ninyo ang patuloy napakikipag-ugnayan ng ating barangay upang maayos ang kuryente sa Repta.

Maraming salamat po!
- - -
Malolos City Information Office
DILG City of Malolos
Meralco

Want your business to be the top-listed Government Service in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Panasahan
Malolos
3000