09/11/2023
Barangay Caniogan Flu Vaccine
Maraming salamat po sa ating masisipag na BHW at sa ating Midwife Ma'am Daisy.
November 9, 2023
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Caniogan, Government Organization, Malolos.
09/11/2023
Barangay Caniogan Flu Vaccine
Maraming salamat po sa ating masisipag na BHW at sa ating Midwife Ma'am Daisy.
November 9, 2023
Talumpati ni Mr. Akio Koizumi, Pangulo ng King Fisher Club Japan, sa isinagawang awarding ceremony ng garbage truck na donasyon ng nasabing grupo.
Sa kaniyang talumpati ay kinilala niya si Igg. Pricilla S. Mateo na siyang naglapit sa kaniya na mapagkalooban ang Barangay Caniogan ng garbage truck upang magamit sa pangongolekta ng basura at paglikas ng mga tao kapag nagkaroon ng mataas na pagbaha.
27/10/2023
PABATID:
Kasalukuyan pong kinukumpuni ng Prime Water ang nasirang linya ng tubig sa Paraluman St.
Paumanhin po sa abalang idinulot nito.
22/09/2023
Baka po may nakaiwan ng kanilang module at school supplies, dinala po ito sa Barangay Hall ng Caniogan.
Maraming salamat po kay Igg. Emmanuel Sacay sa pagdadala nito sa ating barangay hall.
01/09/2023
Montly meeting ng Barangay Police
30/08/2023
Taunang ginagawa ng Sangguniang Barangay ng Caniogan ang pamamahagi ng foodpacks para sa ating mga kabataang kulang sa timbang sa pangunguna ng ating Kapitana Precy Mateo at komite sa kalusugan, Konsehal Joel Alejandro, LLN Sonia Lim at ang lahat ng bumububo ng Sangguniang Barangay. Gayundin nakapaloob dito ang Nutriforum kung saan nagpamahagi ng bigas para naman sa ating mga buntis.
29/08/2023
Upgrading Road and Drainage Canal
@ Paraluman Street
17/08/2023
Anunsyo mula sa PrimeWater City of Malolos para sa pagkawala ng tubig mamayang ika-10:00 ng gabi hanggang hanggang ika-4:00 ng umaga.
09/08/2023
ANNOUNCEMENT:
Tayo po ay magkakaroon ng libreng X-RAY AT CONSULTATION sa ating Barangay Caniogan na gaganapin bukas, August 10, 2023 (8AM) sa Caniogan Elementary School, ang sinumang kakailanganin ng gamutan sa baga ay ipaglakaloob din ng libre.
Maraming salamat po.
08/08/2023
Anunsyo mula sa PrimeWater City of Malolos para sa pagkawala ng tubig mula ika-7:00 ng umaga bukas, Agosto 9, hanggang ika-7:00 ng umaga sa Agosto 10.
IMPORTANT CUSTOMER ADVISORY
WATER INTERRUPTION
Ipinababatid po ng PrimeWater City of Malolos na tayo po ay makararanas ng pagkawala ng supply ng tubig sa darating na ika-9 ng Agosto (Miyerkules) simula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng umaga ng sumunod na araw.
Ito po ay dahil sa pansamantalang pagsasara ng Tunnel 3 na makakaapekto sa Bigte-Novaliches Aqueduct No. 6 (BNAQ6) na dinadaluyan ng tubig mula Angat Dam patungo sa pasilidad ng Bulacan Bulk Water na katuwang natin sa paghahatid ng tubig sa ating mga kabahayan.
Ang nabanggit na gawain ay upang bigyang daan ang isasagawang Installation of Flow Meters and other critical maintenance activities ng Common Purpose Facility (CPF) / Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Tunnel 3 na makakaapekto sa supply ng Bulacan Bulk Water Facility sa Lungsod ng Malolos.
Inaabisuhan po ang lahat na mag-ipon ng tubig na kanilang magagamit sa mga nabanggit na petsa at oras.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
05/08/2023
Monthly Meeting August 2023
02/08/2023
Personal na nangolekta ng basura ang bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Caniogan sa pangunguna ng ating Punong Barangay, mga kagawad, hepe, deputy at barangay tanod upang agarang masolusyonan ang problema sa basura.
Nakiusap ang ating Punong Barangay upang pansamantalang hiramin ang garbage truck ng Lungsod ng Malolos upang maraming basura ang kanila makolekta.
August 2, 2023