05/08/2022
Try-outs start at
SATURDAY AUG 6 2022
3:00pm for BUNSO
4:00pm for SANGKO
5:00pm for DIKO
BRGY CATMON BASKETBALL COURT
look for Erwin Roque (coach okmol)
Opisyal na pahina ng Sanguniang Kabataan(SK) ng barangay Catmon - Malolos, Bulacan
05/08/2022
Try-outs start at
SATURDAY AUG 6 2022
3:00pm for BUNSO
4:00pm for SANGKO
5:00pm for DIKO
BRGY CATMON BASKETBALL COURT
look for Erwin Roque (coach okmol)
05/05/2021
Sa unang araw ng ating Community Pantry sa Barangay Catmon, masaya po naming ibinabalita na maayos po nating naisagawa ang proyekto.
Maraming salamat po sa mga mamamayan ng Barangay Catmon, at pagpalain po kayo ng Maykapal.
05/05/2021
Mula sa bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Catmon, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga tumulong at nagbigay ng pinansyal na donasyon. Diyos na po ang magpapala sa inyo.
Maraming salamat po.
-
At sa mga may nais ding magbigay, pinansyal man o in-kind donation, ito po ang mga detalye.
FOR MONETARY DONATION (CASH):
Gcash: 0995-082-3782
FOR IN-KIND DONATION (GOODS)
Message our page I Sangguniang Kabataan Barangay Catmon
MARAMING SALAMAT PO SA INYO, AT GOD BLESS PO!
04/05/2021
"A COMMUNITY PANTRY PROJECT"
SANGGUNIANG KABATAAN NG CATMON, KASAMA MO SA PAGBANGON!
'magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan'
-
Magsisimula na po bukas ang ating Community Pantry sa Barangay ng Catmon. Mangyaring sundin lamang ang mga sumusunod;
-magdala ng sariling lalagyan (plastic bag)
-huwag kalimutang mag-suot ng face mask, at face shield
-obserbahan ang social distancing bilang pagsunod sa health protocol
-
PAUNA NA PO NAMIN ANG BUONG PUSONG PASASALAMAT SA LAHAT NG MGA TUMULONG AT PATULOY NA NAGBIBIGAY. DIYOS NA PO ANG MAGPAPALA SA INYO. MARAMING SALAMAT PO.
Kaugnay nito, patuloy pa rin po kaming tumatanggap ng mga donasyon; in-kind man, o pinansyal.
FOR IN-KIND DONATIONS, Makipag-ugnayan lamang po sa mga SK OFFICIALS o maaaring mag-message sa aming page Sangguniang Kabataan Barangay Catmon.
FOR MONETARY DONATION:
GCASH: 0995-082-3782 I Jayvee Roque
-
DUMAAN MAN SA KRISIS, NASA GITNA MAN NG PANDEMYA, PAGTUTULUNGAN ANG PATULOY NA MANANAIG SA ATIN.
MARAMING SALAMAT PO, AND GOD BLESS!
23/04/2021
A COMMUNITY PANTRY PROJECT
(inspired by Maginhawa Community Pantry)
SANGGUNIANG KABATAAN NG CATMON, KASAMA MO SA PAGBANGON!
for monetary donations:
GCASH: 0995-082-3782 | SK Kagawad Jayvee Roque
for in-kind donations:
message SK Secretary Raymond Castro on Facebook.
FOR MORE QUESTIONS, KINDLY MESSAGE OUR PAGE ON FACEBOOK | Sangguniang Kabataan Barangay Catmon
Humarap man sa pandemya o sa kahit anong problema, patuloy na mananaig ang pagtutulungan sa bawat isa. Patuloy tayong lalaban, at tayo ay babangon.
MARAMING SALAMAT PO!
24/12/2020
Let's not forget that this Christmas season is a season of giving.
Ito rin ang magpapaalala sa atin nang kapanakan ng ating Panginoon Hesus. Kaya, lagi lang nating isaisip na hindi kailanman magiging hadlang ang mga pagsubok upang tayo ay maging masaya. Kaya sa Paskong ito, pag-ibig, pagmamalasakit, at pagtulong sa kapwa ang kailangang ipamalas.
Kami ay bumabati ng Maligayang Pasko mula sa bumubuo ng Sangguniang kabataan ng Catmon. 🙌💛🎉
11/11/2020
TANDAAN: Narito ang mga emergency hotline numbers na dapat tawagan sa anumang emerhensiya kaugnay ng bagyong Ulysses.
:
Malolos CDRRMO:
LAND LINE: 760-5160
MOBILE:
(SUN) 0931- 003- 5758
(TM) 0927- 786- 2292
01/11/2020
Sa panahong tayo ay nakararanas ng mga sakuna katulad ng bagyo, mainam na tayo ay laging handa. Maging alerto sa oras na may parating na bagyo, at ugaliing manood ng mga balita, magbasa ng mga impormasyon sa dyaryo, at makinig sa radyo, upang agaran tayong makapag sagawa ng mga hakbang o plano na magagamit natin sa pagaayos ng mga kakailanganing gamit, sa paglikas man, o hindi.
Upang tayo ay mas madaling makakuha ng impormasyon, at ibang detalye patungkol sa Bagyong Rolly, mangyaring makipagugnayan sa ating Hotlines. Maaari ninyong tawagan ang mga numero na nakalagay sa larawan.
Maging handa, Maging alerto, Kabataan ng Catmon.
25/10/2020
BUSTOM DAM, patuloy sa pagpapakawala ng tubig bilang preparasyon sa bagyong Quinta.
*****
Matapos na manalasa ang bagyong Pepito ay patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig ang Bustos dam bilang paghahanda naman sa bagyong Quinta.
Patuloy pa kasi na tumataas ang water level sa Bustos dam dahil sa pagdating ng tubig mula sa kabundukan na epekto pa rin ng patuloy na mga pag-ulan.
At bilang preparasyon sa pagdating ng bagyong Quinta ay nagpapatapon ng tubig ang pamunuan ng Bustos dam para alalayan ang water capacity nito.
Batay sa tala ng PDRRMO 8am nitong Oct. 25, ang water level sa Bustos dam ay 16.75meters habang nasa 17.34meters naman ang overflowing level ng dam.
Ayon kay Edgardo Cruz, gate keeper ng dam, nasa 25 cubic meter per second ang inilalabas na tubig ng Bustos dam at kailangan nilang panatilihin lamang sa 16.76 meters ang water elevation .
Ito ay upang hindi maapektuhan ang flood gate number 5 dahil sa kasalukuyang depekto nito na ini-repair lamang matapos masira nitong buwan ng Mayo.
Ang preemptive release ay para na rin sa bagyong Quinta na aniya ay inaasahan nila na mas maraming dalang tubig ulan.
At dahil sa kasagsagan pa lang ng bagyong Pepito ay nagpapatapon na sila ng tubig kayat nagpapa-alala sila sa mga residente malapit sa Angat river dahil sa posibleng pagbaha na dulot ng kanilang patuloy na pagpapakawala ng tubig.
Samantala, batay pa rin sa pinakahuling tala ng PDRRMO ang water level ng Angat dam ngayong umaga ay 192.23meters mula sa 212meters spilling level habang ang Ipo dam naman ay nasa 101.07meters na lagpas sa spilling level nito na 101meters.
Credit Rommel Ramos
MANATILING LIGTAS PO SA ANUMANG ORAS. GODBLESS PO!😇🙏
!
16/10/2020
Taos puso pong inihahatid ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Catmon ang .
Sa panahong ang mga estudyante ay humaharap sa bagong sistema ng pag-aaral, maraming kabataan ang hindi nakakasabay o nahihirapang makisabay sa "new normal" class. Isang halimbawa ito upang makasabay sa modernisasyon. Kayat, taos pusong inihahatid sa inyo ang upang makatulong sa mga kabataang humaharap sa makabagong sistema ng pag-aaral.
Upang makibahagi sa ating proyekto, mangyaring basahin at unawain ang mga sumusunod.
1. Ang ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral mula Elementarya hanggang Kolehiyo.
2. Ang iyong ipa-pa-print dapat ay konektado sa iyong pag-aaral. (ie. activities, some pages on your modules, and other school works.)
3. Sa bawat printed documents, ay walang perang ibabayad kaya't mainam na magamit ito nang wasto.
Kung ikaw ay mag pa-pa-print, siguraduhing maayos na ito at hindi na i-e-edit pa upang mas mapadali ang transaksyon.
4. Kung ang files ng school works n'yo na ipa-pa-print ay nasa flash drive, mangyaring sabihin agad ito sa mga SK Officials upang maiayos nila at hindi magkaroon ng problema.
5. Kung ikaw naman ay walang flash drive, maari mo itong i-send sa Sangguniang Kabataan Brgy. Catmon FB Page, sa gmail ([email protected]), o direkta sa mga messenger ng ating mga SK Officials.
6. Tuwing Weekdays (Lunes-Biyernes) lamang po kami tatanggap ng mga pwedeng i-pa-print. Kung maaari, i-pa-print ito dalawang (2) araw bago kailanganin, at every Weekend (Saturday-Sunday) n'yo naman po pwedeng makuha ang inyong pina-print. Kung ang school works na pa-pa-print n'yo naman po ay agarang ipinapapasa ng inyong g**o, makipag-ugnayan lamang po sa ating mga SK Officials upang agaran itong maayos.
7. TANGING MGA KABATAAN LAMANG PO NG BRGY. CATMON ANG PWEDENG MAG PA-PRINT NG KANILANG MGA SCHOOL WORKS.
Sama-sama tayong humarap sa bagong sistema ng edukasyon na may ngiti, saya, at pagmamahal sa iyong ginagawa upang sama-sama natin itong mapagtagumpayan sa kabila ng hamon ng pandemya. Kaya't padayon sa lahat ng mga mag-aaral na nagsusumikap upang mapagtagumpayan ang bagong sistema ng pag-aaral.
Maraming Salamat sa inyo, mga kabataan ng Catmon.
Padayon!
(Kung may mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa mga SK Officials)