24/10/2026
Ngayong #๐ช๐ผ๐ฟ๐น๐ฑ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ผ๐๐ฎ๐ sama-sama nating wakasan ang sakit na Polio!๐ช
Mahigit 99% na ang ibinaba ng mga kaso ng polio at patunay na ang bakuna laban dito ay ligtas at epektibo. May maliit na porsyento pa ang natitira at may posibilidad pa rin itong kumalat at magbanta sa kalusugan ng mga bata. Mahalaga na ipagpatuloy ang pagbabakuna hanggang sa tuluyan nang mawala ang sakit na polio.
Siguraduhing kumpleto sa bakuna ang inyong mga anak ayon sa inirekomendang iskedyul upang maprotektahahan siya laban sa sakit na ito na maaring magdulot ng permanenteng pagkaparalisa.
LIBRE ang polio vaccine kaya naman pumunta na sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar at alamin ang nakatakdang iskedyul ng pagbabakuna.