Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos

Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos

Share

The official page of Sangguniang Barangay ng San Juan, City of Malolos, Bulacan.

Photos from Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos's post 08/07/2026

MENSAHE AT PASASALAMAT NG PAMILYA.

Nagbigay ng maikling mensahe ang anak ni Deputy Rodolfo M. Arellano sa huling gabi ng lamay ng kanyang Ama. Nagpasalamat siya sa iginawad na Luksang Parangal ng Pamahalanag Barangay ng San Juan sa pangunguna ng Punong Barangay Eugenio Don Fonbuena Jr. at Sangguniang Barangay, para sa kanyang yumaong Ama.

📷 ML Gemma Roque

Photos from Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos's post 08/07/2026

HULING SALUDO PARA KAY DEP RODY!
Bilang pagbibigay pugay sa huling gabi ng labi ni Deputy Rodolfo M. Arellano. Iginawad ng mga kasapi ng Barangay Tanod ang huling saludo 🫡 sa knailang Deputy na pinangunahan nina Hepe Bobby Reyes at Deputy Mhar Panganiban .

📷 ML Gemma Roque

Photos from Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos's post 07/07/2026

PAGPUPUGAY AT PAG-ALALA! 🕯️

Ngayong ika-7 ng Hulyo sa ganap na alas-siyete ng gabi, nagsagawa ng Luksang Parangal ang Pamahalaang Barangay ng San Juan bilang pagpupugay sa yumaong si Deputy Rodolfo M. Arellano.
Dinaluhan ito ng mga kawani at Sangguniang Barangay ng San Juan sa pangunguna ni Punong Barangay Igg. Eugenio Don Fonbuena Jr, bilang pagpapakita ng taos-pusong pakikiramay, paggalang, at pasasalamat sa kanyang naging tapat na paglilingkod sa ating barangay.
Nawa'y maging gabay at lakas sa kanyang naiwang pamilya ang ating mga panalangin. Maraming salamat, Deputy Rodolfo M. Arellano, sa iyong dedikasyon at serbisyo sa ating komunidad.
Marangal kang nagpahinga, at kailanman ay hindi malilimutan ang iyong kabutihan at paglilingkod.

📷 ML Gemma Roque
ML Vicky Litimco
BRK Siri Sanicaselab

07/07/2026

PAGPUPUGAY AT PAG-ALALA 🕯️
Ngayong ika-7 ng Hulyo sa ganap na alas-siyete ng gabi, nagsagawa ng Luksang Parangal ang Pamahalaang Barangay ng San Juan bilang pagpupugay sa yumaong si Deputy Rodolfo M. Arellano.
Dinaluhan ito ng mga kawani at Sangguniang Barangay ng San Juan sa pangunguna ni Punong Barangay Igg. Eugenio Don Fonbuena Jr, bilang pagpapakita ng taos-pusong pakikiramay, paggalang, at pasasalamat sa kanyang naging tapat na paglilingkod sa ating barangay.
Nawa'y maging gabay at lakas sa kanyang naiwang pamilya ang ating mga panalangin. Maraming salamat, Deputy Rodolfo M. Arellano, sa iyong dedikasyon at serbisyo sa ating komunidad.
Marangal kang nagpahinga, at kailanman ay hindi malilimutan ang iyong kabutihan at paglilingkod.

07/07/2026

Ipinagbibigay-alam po sa lahat ng ating mga kabarangay na HALF-DAY po ang pasok ng ating Pamahalaang Barangay bukas araw ng Miyerkoles, Ika-8 ng Hulyo, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NT lamang.

Ito ay upang bigyang-daan ang sama-samang paghatid sa huling hantungan ng isa sa ating mga tapat na lingkod-bayan, si Deputy Rodolfo M. Arellano.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Ang buong Barangay ay nakikiramay at nagpapasalamat sa naging tapat na serbisyo ni Deputy Rodolfo.

PB Eugenio Don Fonbuena

Send a message to learn more

Photos from Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos's post 06/07/2026

Muling isinagawa ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas (Flag Raising Ceremony) sa Barangay Hall kaninang umaga ika 6 ng Hulyo, 2026 sa ganap na ika-walo ng umaga. Pinangunahan ni Pastor Ted Gatchalian ang pambungad na panalangin na sinundan naman ng pag awit ng Lupang Hinirang na pinangunahan ni SK Chairperson Igg. Patricia Salvador Sinundan ito ng Panunumpa sa watawat sa pangunguna ni Igg. Ma. Giselle F. Gatchalian. Nagbigay din ng mahalagang mensahe ang Punong Barangay Igg. Eugenio Don Fonbuena Jr.
Dinaluhan ng mga kawani ng Barangay ang nasabing pagtitipon, gayundin ang mga batang mag-aaral ng Barangay Day Care at kanilang mga magulang.
At bilang pagluluksa at pagbibigay pugay ng Barangay sa pagpanaw ng Deputy ng Tanod na si G. Rodolfo Arellano, ang pambansang watawat ay naka "half mast".

Photos from Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos's post 04/07/2026

KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS!
Kalinisan sa Bagong Pilipinas was conducted on July 04, 2026, along Burol St., San Juan, City of Malolos.
"Ang Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ay isang pambansang inisyatiba ng DILG na naglalayong panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa ating mga komunidad. Isinusulong nito ang maayos na pamamahala ng basura, regular na clean-up drives, at pagpapalaganap ng disiplina at responsableng pangangalaga sa kapaligiran. Pinangunahan ng mga kasapi ng Lupong tagapamayapa ang nasabing paglilinis!
pinangunahan ng mga Mother Leader ang nasabing paglilinis.





01/07/2026

𝕹𝖆𝖙𝖎𝖔𝖓𝖆𝖑 𝕯𝖎𝖘𝖆𝖘𝖙𝖊𝖗 𝕽𝖊𝖘𝖎𝖑𝖎𝖊𝖓𝖈𝖊 𝕸𝖔𝖓𝖙𝖍 2026

𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘪𝘳𝘪𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘋𝘪𝘴𝘢𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘙𝘦𝘴𝘪𝘭𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩 2026 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘵𝘦𝘮𝘢𝘯𝘨: "𝘕𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘵 𝘒𝘶𝘮𝘪𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴."
𝘈𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢, 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘶𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴, 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨, 𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥.
𝘚𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴, 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘢𝘯.



Photos from Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos's post 27/06/2026

KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS!
Kalinisan sa Bagong Pilipinas was conducted on June 27, 2026, along Canlapan St. and Burol St., San Juan, City of Malolos.
"Ang Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ay isang pambansang inisyatiba ng DILG na naglalayong panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa ating mga komunidad. Isinusulong nito ang maayos na pamamahala ng basura, regular na clean-up drives, at pagpapalaganap ng disiplina at responsableng pangangalaga sa kapaligiran.
Pinangunahan ng mga Youth Volunteers mula sa Thrive Service (Youth-Led Movement), Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairperson Patricia Salvador , at mga kasapi ng 4Ps ang nasabing paglilinis.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng Sangguniang Barangay sa pangunguna nng Punong Barangay Igg. Eugenio M. Fonbuena Jr. sa bumubuo ng Thrive Youth Movement!





Photos from Sangguniang Barangay ng San Juan, Lungsod ng Malolos's post 26/06/2026

"IDADAIT 2026"

Nakikiisa ang buong Sangguniang Barangay ng San Juan, sa pangunguna ng Punong Barangay, Igg. Eugenio M. Fonbuena Jr. sa pagdiriwang ng International Day Againts Drug Abuse and Illicit Trafficking 2026 (IDADAIT 2026) na may Temang " World Drug Problem: PERSISTING ISSUES, NEW CHALLENGES AND INNOVATIVE RESPONSES."


Want your business to be the top-listed Government Service in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


San Juan
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm