05/10/2026
🛺 BAGONG TRICYCLE PARA SA MAMAMAYAN NG MAMBURAO!
Kaninang flag ceremony, pormal na po nating tinanggap kasama ang buong pwersa ng LGU Mamburao ang isang bagong tricycle na donasyon ng Pieceland Corp.- Public Information Page, sa pangunguna ng kanilang Presidente, Mr. Edwin Almeda, na kinatawan ng VP for Admin at Corporate Secretary, Mr. Angelo Decena.
Malaking tulong ito sa ating mga programa at serbisyo para sa mamamayan ng Mamburao. Sa ngalan po ng Pamahalaang Bayan, Maraming Maraming Salamat Po sa inyong malasakit at bukas-palad na suporta sa ating bayan. 🙏
Kasama natin tumanggap at pumirma sa Deed of Donation ang ating Vice Mayor Raul “Boy” Masangkay, mga Konsehal: SB Atty. Yanna Abeleda, SB Doc Wyn Esperanza, SB Kap Mel Ramirez, SB Oliver Mataro, SB
Ricky Pantoja, SB Eboy Villaflores, SB Les Calabio, ABC Jun Benasas, SK Fed Pres. Vince Alcaide.
Ang ganitong pagtutulungan ng pribadong sektor at lokal na pamahalaan ay patunay na kapag sama-sama, mas marami tayong kayang gawin para sa Mamburao.
Maraming salamat, Pieceland Corporation at Mr. Edwin Almeda! 💚
—-