13/10/2026
๐ฃ๐ฆ๐ช๐๐ข ๐ฃ๐ข๐ฃ๐๐๐ฉ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐๐ข๐ก, ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐, ๐๐ง ๐ ๐๐ ๐๐๐ง๐จ๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐ก๐ฆ๐๐ฌ๐, ๐ก๐๐๐ฆ๐๐ ๐-๐ฆ๐๐ ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐ฅ๐ข๐ฃ๐ ๐ง๐ข๐ง
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng responsableng kalalakihan, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at matatag na pamilya, matagumpay na isinagawa ng ๐๐๐๐ฟ๐ โ ๐๐ค๐ฅ๐ช๐ก๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (๐๐ค๐ฅ๐ฟ๐๐ซ) ๐ฟ๐๐ซ๐๐จ๐๐ค๐ฃ, katuwang ang ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ ๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ฅ๐ช๐ก๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (๐พ๐๐ฟ) ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ, ang tatlong araw na ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ง๐จ (๐๐๐) ๐ค๐ฃ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ (๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐จ๐ฅ๐ค๐ฃ๐จ๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ก๐ฎ๐) noong Oktubre 6โ8, 2026.
Nakiisa sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa iba't ibang ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ (๐๐๐จ๐) at pambansang ahensiya, kabilang ang ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐ฃ๐ก๐ฃ), ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐ฎ๐๐ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ (๐ฃ๐๐), ๐ฎ๐ ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐๐ฃ).
Tinalakay sa aktibidad ang responsableng pagiging ama, positibong pagkalalaki, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at pag-iwas sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata. Sa pamamagitan ng mga talakayan at praktikal na gawain, pinalawak ng mga kalahok ang kanilang kaalaman at kakayahan upang maibahagi ang mga natutuhan sa kani-kanilang tanggapan at komunidad.
Higit sa isang pagsasanay, ipinapaalala ng KATROPA na ang kalalakihan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng ligtas at mapagmahal na tahananโsa pamamagitan ng pagiging responsableng ama, mapagmalasakit na kapareha, at aktibong katuwang sa pangangalaga ng pamilya.
Mula sa pagsasanay tungo sa pagkilos! Hinihikayat ang mga kalahok na isabuhay at ibahagi ang kanilang mga natutuhan upang mas marami pang kalalakihan ang mahikayat na maging responsable, magalang, at aktibong katuwang sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at pag-iwas sa karahasan.
Sama-sama nating itaguyod ang mas matatag na pamilya at mas ligtas na komunidad, kung saan ang respeto, pananagutan, at pagkakapantay-pantay ay isinasabuhay ng bawat isa.