05/08/2026
𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 | ₱𝟭,𝟬𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬 𝗦𝗚𝗟𝗚𝗕 𝗜𝗡𝗖𝗘𝗡𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗦𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗗𝗥𝗬𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗧𝗔. 𝗟𝗨𝗖𝗜𝗔, 𝗦𝗔𝗕𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡
Personal na iginawad ni 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨 ang ₱𝟏,𝟎𝟎𝟎,𝟎𝟎𝟎.𝟎𝟎 𝐒𝐞𝐚𝐥 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐬 (𝐒𝐆𝐋𝐆𝐁) 𝐈𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐅𝐮𝐧𝐝 sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐭𝐚. 𝐋𝐮𝐜𝐢𝐚, 𝐒𝐚𝐛𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pamamahala at pagkakamit ng 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐒𝐆𝐋𝐆𝐁 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝.
Ang naturang insentibo ay ilalaan para sa 𝐄𝐒𝐓𝐀𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐃𝐑𝐘𝐄𝐑, isang proyektong magbibigay ng mas maayos at episyenteng pasilidad sa pagpapatuyo ng mga produktong pang-agrikultura ng mga magsasaka sa barangay. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapanatili ng kalidad ng mga ani, pagbawas sa pagkalugi dulot ng hindi magandang panahon, at pagpapataas ng halaga ng kanilang mga produktong agrikultural.
Patuloy na isinusulong ang 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗻𝗮𝗱𝗼 sa ilalim ng pamumuno ni 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨, upang maihatid ang mga programang nagtataguyod ng mahusay na pamamahala, matatag na imprastraktura, at mga proyektong nagbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa bawat barangay sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.
𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!