17/08/2026
ππππ-π
πππ-ππππ ππ πππ πππππππππ ππ ππππππππππ ππ πππππππππππ ππππππππ πππππ ππ πππ ππππππππ, ππππππππππ ππ ππππππππππ πππππππ πππππππ ππππ, ππππππ ππ, ππππ (ππ:ππ ππ)
Ipatutupad ang Work-From-Home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Occidental Mindoro ngayong araw ng Agosto 17, 2026 (12:00 PM), alinsunod sa bagong Memorandum Circular No. 127 mula sa Tanggapan ng Pangulo.
Ang direktiba ay ipinatutupad bilang tugon sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at sa mga abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hinggil sa patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).
Kabilang ang Occidental Mindoro sa mga lugar na sakop ng direktiba, kasama ang National Capital Region at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, at Quezon.
Samantala, ipatutupad ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, maliban kung may ibang direktiba mula sa mga mayors ng bawat munisipalidad.
Ang mga ahensiyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services ay kinakailangang magpatuloy sa kanilang operasyon at magbigay ng mga kinakailangang serbisyo sa publiko.
Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto, patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan, at higit na unahin ang kaligtasan ng bawat isa habang nagpapatuloy ang masamang panahon.
SOURCE: https://www.facebook.com/pcogovph/posts/pfbid02zMNp9fzbRAiRSF7YmNh2kCQ8AvuV76mcN5u6DXgUVJgpkgadK1FL7Zok2iyRbgeJl