02/08/2026
LUBOS NA PASASALAMAT! ❤️ ♿️
Bilang kauna unahang bayan ng MANAOAG ang pagkakaroon ng libreng MOTORIZED WHEELCHAIR ay taos puso po akong nagpapasalamat sa MEDIWALK sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, at sa lahat ng naging daan sa pagkakaroon nito.
Maraming salamat kina Governor RAMON "MON MON" GUICO III, PDAO Pangasinan Ms. JENNIFER GARCIA, PDAO Officer ng Manaoag Mr. DANTE LACASTE at ang aming pinakamamahal na ama dito sa aming pinagpalang bayan ng Manaoag Mayor JEREMY AGERICO B. ROSARIO sa inyong malasakit at walang sawang pagsuporta sa mga Persons With Disabilities (PWDs). Ang tulong na ito ay hindi lamang isang wheelchair, kundi isang bagong pag-asa, kalayaan sa paggalaw, at inspirasyon upang maging isang produktibo at magkaron ng mas magandang kalidad ng buhay.
Hindi po matatawaran ang inyong kabutihan. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal at patuloy na maging instruments ng pagtulong sa mas marami pang nangangailangan.
Taos puso rin po ako nagpapasalamat at naging parte kami ng AWARDING CEREMONIES NG 48th NATIONAL DISABILITY RIGHTS (NDR) WEEK ng province of pangasinan ❤️
Maraming maraming salamat po! GOD BLESS EVERYONE! 🙏 ❤️ ♿️