08/06/2026
COBCOBO, SA PANDAIGDIGANG PATIMPALAK SA SINING
Itinampok ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, si Joey Cobcobo, isang Mandaleño mula sa Barangay Addition Hills, na kabilang sa tatlong Pilipinong lumaban para sa prestihiyosong 2026 Sovereign Asian Art Prize, kung saan kanyang dinala ang pangalan ng Mandaluyong at ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado ng sining. Itinampok niya ang kanyang obrang “Ika-8 na Utos: ’Wag Kang Kukurap (Thou Shall Not Steal)”, isang mixed media artwork na may sukat na 145 x 145 sentimetro at umani ng parangal na Public Vote Prize.
Patunay ang kanyang pagkakapili at pakikilahok sa husay at pagkamalikhain ng mga Mandaleño, at nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang nangangarap na makilala sa larangan ng sining.
08/06/2026
SDO-MANDALUYONG, BIDA SA PROGRAMA NG LUNGSOD
Buong lakas na kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga opisyal at kawani ng Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Margarito Materum, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon sa lungsod.
Ipinakita ng SDO-Mandaluyong ang patuloy na dedikasyon sa dekalidad na edukasyon para sa lahat ng Mandaleño, sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala, matibay na ugnayan sa mga paaralan, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga Batang Mandunong.
08/06/2026
NAKAPAGBAKUNA NA BA ANG MGA CHIKITING?
MANDALEÑO! Narito ang ilang paalala mula sa Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at Department of Health–Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) para sa mga batang nakatanggap na ng bakuna laban sa TIGDAS at TIGDAS-HANGIN.
✅ Lagyan ng yelo ang bahagi ng braso na nabakunahan upang mabawasan ang pananakit o pamamaga.
✅ Painumin ng paracetamol kung sakaling lagnatin, ayon sa payo ng health worker o doktor.
Kung hindi pa bakunado ang inyong chikiting na may edad 0–59 buwan, magtungo na sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa tigdas at rubella.
08/06/2026
SEVERINO, KAKATAWAN SA DARATING NA WORLD SKILLS COMPETITION SA VIETNAM
Buong pagmamalaking itinampok ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, si Ezekiel Severino, Grade 12 student ng Mandaluyong High School (MHS) at trainee ng Mandaluyong Manpower Technical-Vocational Training Center (MMTVTC), na kakatawan sa Pilipinas sa nalalapit na World Skills Competition na gaganapin sa Sapa, Vietnam.
Napili si Severino bilang pambato ng bansa matapos magpakitang-gilas sa National WorldSkills Philippines Competition sa Creative Arts and Fashion Category, kung saan nagkamit siya ng bronze medal laban sa 137 na kalahok mula sa iba't ibang panig ng bansa. Patunay ito ng kanyang talento, dedikasyon, at pagsusumikap, gayundin ng patuloy na suporta ng Lungsod ng Mandaluyong sa paghubog ng mga kabataang Mandaleño na kayang makipagsabayan at magbigay ng karangalan sa pandaigdigang entablado. 🇵🇭
08/06/2026
NATATAKOT MAGPABAKUNA?
MANDALEÑO! Ang Ligtas-Tigdas Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang Department of Health–Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD), ay siguradong:
✅ LIBRE, ibinibigay sa lahat ng Health Centers at Vaccination Site sa NCR
✅ LIGTAS, mahigit 4 na dekada nang ginagamit laban sa Tigdas at Rubella
✅ EPEKTIBO, dumaan sa masusing pagsusuri ng WHO, aprubado ng FDA at pasado sa itinakdang standards ng DOH
Kaya't huwag matakot at dalhin na ang mga chikiting na may edad 0–59 buwan sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar upang maging ligtas sa TIGDAS at TIGDAS-HANGIN.
08/06/2026
MANDALUYONG, KABILANG SA TOP PERFORMING CITIES SA PALARONG PAMBANSA
Buong pagmamalaking kinilala ang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, bilang Top 9 Performing City Nationwide at Top 3 Performing City sa National Capital Region (NCR) matapos mag-uwi ng 8 gintong medalya, 4 pilak, at 7 tanso sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa Agusan del Sur.
Patunay ang tagumpay na ito sa husay at determinasyon ng mga atletang Mandaleño, na muling nagbigay ng karangalan sa Mandaluyong at nagpakita ng kahusayan sa pambansang entablado.
08/06/2026
MANDALEÑO! Tuloy-tuloy ang isinasagawang Ligtas-Tigdas at Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) sa Lungsod ng Mandaluyong ngayong Hunyo 2026, sa pakikipagtulungan ng Department of Health–Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD), bilang hakbang upang maprotektahan ang mga batang Mandaleño laban sa tigdas at rubella.
Dalhin na ang inyong mga chikiting may edad 0–59 buwan sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar upang matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa tigdas at tigdas-hangin.
08/06/2026
MANDALUYONG, NAMAYAGPAG SA NSTF AT NSPC 2026
Ipinamalas ng Kabataang Mandaleño ang kanilang pambihirang galing sa dalawang prestihiyosong pambansang kompetisyon—ang National Science and Technology Fair (NSTF) 2026 at National Schools Press Conference (NSPC) 2026 sa Ormoc City, Leyte—kung saan nag-uwi sila ng sunod-sunod na parangal sa larangan ng agham, inobasyon, at pamamahayag, patunay ng kanilang husay at husay na kinikilala sa pambansang entablado.
Sa NSTF 2026, “Devoured, ate and left no crumbs” ang naging paglalarawan sa ipinakitang performance ng mga mag-aaral mula sa City of Mandaluyong Science High School (CMSHS) matapos magwagi sa iba’t ibang kategorya:
🧪 Best Project and Presenter (Physical Science Team Category)
📊 Best Project and Presenter (Mathematics and Computational Science Team Category)
🔬 Best Project and Presenter (STEM Innovation Expo Team Category)
⭐ Finalist (STEM Innovation Expo Individual Category)
Samantala, sa NSPC 2026, muling nagpakitang-gilas ang mga Batang Mandunong sa larangan ng campus journalism, broadcasting, at digital storytelling, kung saan nag-uwi rin sila ng iba’t ibang parangal:
🎙️ RADIO SCRIPTWRITING AND BROADCASTING
-First Place – Best Radio Production
-First Place – Best Infomercial
-First Place – Best Script
-JUSTINE SUMAGPANG – First Place, Best News Anchor
-ARABELLA BATUSAN – Second Place, Best News Presenter
-JAMES TEQUILLO – Second Place, Best Technical Director
🏅 NATIONAL AWARDEES
-ARIANNE JANE LICUANAN – Outstanding Campus Journalist (Secondary)
-JOHN JIRO MIRANDA – Outstanding Campus Journalist (Elementary)
-ANTHONY AUGUSTO GARCIA – Service Awardee
📱 MOBILE JOURNALISM
-ARIANNE JANE LICUANAN – Second Place (Filipino)
📰 BEST SCHOOL PAPERS
-The Pleasant Times – PHES
-Mandaluyong Standard – MES
-Ang Daluyong – MES
Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga tagumpay na ito bilang patunay ng kahusayan, dedikasyon, at inobasyon ng Kabataang Mandaleño. Sa kanilang husay sa agham at pamamahayag, patuloy nilang itinataas ang pangalan ng Mandaluyong bilang tahanan ng mga natatanging kabataan sa bansa.
08/06/2026
TAUNANG SYMBOLIC TURN-OVER NG MGA KAGAMITANG PANG-ESKWELA SA MANDALUYONG
Uniporme, notebook, diary, hard hat at go bag—ilan lamang sa mga kagamitang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa taunang symbolic turn-over para sa mga mag-aaral na Mandaleño. Sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, pormal na isinagawa ang turn-over sa Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong ang mga kagamitang ito bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral sa lungsod.
Patunay ito ng matibay na paniniwala ng Pamahalaang Lungsod na ang bawat Mandunong Mandaleño ay karapat-dapat mabigyan ng sapat na kagamitan at oportunidad upang makamit ang kanilang mga pangarap. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na pinagtitibay ng lungsod ang pangakong maghatid ng dekalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.