Mga Bakunanay at Papavaccine, narito ang mga dapat tandaan pagkatapos mabakunahan ang inyong chikiting!
โ
Lagyan ng yelo ang bahagi ng braso na nabakunahan upang mabawasan ang pananakit o pamamaga.
โ
Painumin ng paracetamol kung sakaling lagnatin, ayon sa payo ng health worker o doktor.
Tandaan: Normal lamang ang bahagyang lagnat, pananakit, o pamamaga sa bahagi ng braso pagkatapos mabakunahan. Senyales ito na gumagana ang bakuna upang mabuo ang proteksyon ng inyong anak laban sa sakit.
Madalang man ang side effects, handa ang mga health workers na umagapay at magbigay ng agarang tulong kung may mararamdaman ang mga bata pagkatapos mabakunahan.
DOH Metro Manila Center for Health Development
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DOH Metro Manila Center for Health Development, Government Organization, Block 6 Barangay Road, Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong.
The Official page of the DOH NCR Office
MMCHD as the prime regional office for health innovation and equity delivering integrated, high-quality care and empowering communities to achieve better health and well-being.
31/05/2026
๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ง๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐!
Kaya naman mga magulang, lolo't lola, tito't tita, at mga tagapag-alaga, halina't makiisa! Dalhin ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar.
โ
Ang pagbabakuna ay nagbibigay-proteksyon laban sa pagka-ospital at pagkamatay dulot ng Tigdas at Tigdas-hangin.
๐ Libre at madaling makuha ang bakuna sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
๐ค At kung sakaling may maramdamang hindi pangkaraniwan pagkatapos mabakunahan. Huwag mag-alala handa ang ating mga health workers na umalalay at gumabay.
Dahil mas masaya ang kulitan, habulan, at laro kapag ligtas sa tigdas ang ating mga bata!
LIGTAS TIGDAS.
Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.
๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ (๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ ๐ฃ๐๐ณ๐ณ)
Panoorin ang opisyal na trailer bilang paggunita sa World No To***co Day at National No Smoking Month ngayong Hunyo.
Isang maikling pelikula mula sa DOH-San Lazaro Hospital na nagbibigay-liwanag sa katotohanan ng paninigarilyo, pagkalulong sa nikotina, at sa tapang na kinakailangan upang tuluyang huminto.
Bawat sigarilyo ay may kuwento.
May mga kuwentong nagtatapos sa pagsisisi.
Mayroon ding nagsisimula sa panibagong pag-asa.
Ito na kaya ang iyong huling hipak?
Mapapanood bukas (Hunyo 1), live sa SLH Amphitheater at sa lahat ng SLH Social Media Platforms
sa ganap na ika-9 ng umaga.
Mapapanood din dito sa DOH Metro Manila CHD Official page at sa SLH Community YouTube Page.
***coDay
31/05/2026
Bakunanay, 1 tulog na lang
Ligtas Tigdas na!
Bukas na ang malawakang pagbabakuna laban sa tigdas at rubella sa National Capital Region. Siguraduhing maprotektahan ang inyong mga anak sa pamamagitan ng ligtas at epektibong bakuna.
Magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa iskedyul at iba pang detalye ng pagbabakuna.
Sama-sama nating pigilan ang pagkalat ng tigdas. Dahil sa bakunang ligtas at epektibo, todas ang TIGDAS!
30/05/2026
Papavaccine, 2 tulog na lang
Ligtas Tigdas na!
Bawat bakuna ay dagdag proteksyon para kay chikiting. Kaya naman ngayong darating na Hunyo, mabibigyan ng dagdag na proteksyon laban sa tigdas at rubella ang mga batang edad 6โ59 buwan.
Panoorin ang kwento ni Nanay Karen, isang certified na buong tiwalang pinabakunahan ang kanyang pangatlong anak upang maprotektahan laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Patunay ang kanyang kuwento na ang pagbabakuna ay isang mahalagang hakbang para sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga anak.
Ngayong darating na Hunyo 2026, dalhin na ang inyong mga anak edad 6-59 buwang gulang sa pinakamalapit na health center o vaccination post at makiisa sa Ligtas Tigdas campaign.
Sama-sama nating protektahan ang bawat bata laban sa tigdas at rubella.
Buong suporta ang ipinapahayag ng lahat ng Health Officers ng NCR sa kampanyang Ligtas Tigdas ngayong Hunyo 2026.
Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Pilipino laban sa tigdas at tigdas-hangin sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
Makiisa at pabakunahan ang inyong mga anak sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Ligtas Tigdas! Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.
29/05/2026
๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ง๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก, ๐๐ก๐๐๐จ๐ก๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฉ๐๐๐๐ก๐ญ๐จ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ-๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ก๐ฌ๐ข ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng Ligtas Tigdas Campaign sa darating na buwan ng Hunyo, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, katuwang ang Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) at United Nations Children's Fund (UNICEF), ang kampanya ngayong Mayo 29, 2026 sa New Barangay Hall, San Miguel Heights, Marulas, Valenzuela City.
Bahagi ng kampanya ang pagbabakuna laban sa tigdas at tigdas hangin at pagbibigay ng Vitamin A supplementation para sa mga batang edad anim hanggang limampu't siyam na buwang gulang upang mapalakas ang kanilang proteksyon laban sa sakit at suportahan ang kanilang malusog na paglaki at pag-unlad.
Dinaluhan ito nina DOH-MMCHD Regional Director Dr. Lester M. Tan, OIC-Assistant Regional Director Dr. Janice Kathleen R. Malesido, City Health Officer Dr. Anthony B. Cu, at Dr. Wendell Asuncion ng UNICEF, kasama ang mga kinatawan mula sa National Immunization Program, Nutrition Team, Human Resources for Health, mga Barangay Health Workers, mga magulang, at mga batang kabilang sa target population ng kampanya.
Sa buong buwan ng Hunyo, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, kasabay ng iba pang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ng mga vaccination activities at Vitamin A supplementation upang mas maraming bata ang mabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas hangin.
29/05/2026
Bakunanay, 3 araw na lang
Ligtas Tigdas na!
Ngayong darating na Hunyo 2026, sama-sama nating protektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng Ligtas Tigdas campaign.
Magtungo o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar upang malaman ang iskedyul ng libreng pagbabakuna.
Bakunang ligtas at epektibo, pananggalang kontra tigdas!
Sa panahon ngayon, walang pinipiling edad ang pagkakaroon ng altapresyon lalo na sa mga araw-araw humaharap sa stress at unhealthy lifestyle dulot ng trabaho.
Kaya naman inilunsad ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang โProteksyon para sa Altapresyonโ activity sa workplace setting sa Lungsod ng Makati upang hikayatin ang mga empleyado na regular na magmonitor ng kanilang blood pressure at mas pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Sa pamamagitan ng blood pressure monitoring, risk assessment, at health education, mas napapalakas ang proteksyon laban sa altapresyon at iba pang komplikasyon.
Paalala ng DOH, unahin ang kalusugan dahil ang simpleng pagpapasuri ay maaaring makapagligtas ng buhay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Block 6 Barangay Road, Welfareville Compound, Barangay Addition Hills
Mandaluyong
1550
Opening Hours
| Monday | 7am - 5pm |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |
