29/10/2026
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapasinaya ng Alfonso Lista Pump Irrigation System (ALPIS) sa Ifugao upang mapalawak ang access ng mga magsasaka sa patubig, lalo na sa gitna ng tagtuyot dulot ng El Niño. Mula sa dating 275 ektarya, inaasahang aabot sa 2,300 ektarya ang saklaw ng irigasyon kapag lubos nang napakinabangan ang proyekto, na direktang makikinabang ang 1,315 magsasaka.
Inaasahan ding tataas ang produksyon ng palay at kita ng mga magsasaka, habang nagkakaroon sila ng pagkakataong makapagtanim nang hanggang dalawang beses bawat taon. Para sa KF, ang pagpapalawak ng imprastraktura sa agrikultura ay mahalaga sa pagprotekta sa kabuhayan ng mga magsasaka at pagpapalakas ng seguridad sa pagkain para sa susunod na henerasyon.