01/06/2026
Pride Month 2026 Kick-Off Ceremony
Ginanap kaninang umaga ang isang makabuluhang Pride Month kick-off ceremony sa pangunguna ng Gender and Development Focal Point System (GFPS) ng Office of the Vice President.
Layunin ng aktibidad na ito na maipakita ang suporta at pagkilala sa LGBTQIA+ community, itaguyod ang pagkakapantay-pantay, at palaganapin ang kamalayan tungkol sa karapatan at karanasan ng bawat isa.
Patuloy nating ipagdiwang ang pag-ibig, pagkakapantay-pantay, at pagkakaiba-iba ngayong Hunyo at sa mga susunod pang buwan!
Happy Pride Month!
01/06/2026
MEDICAL MISSION SA DAVAO CITY
Isinagawa ng Office of the Vice President (OVP) kasama ang Ayala Foundation, Inc., AC Health, at Generika Drugstore, ang isang medical mission sa Barangay New Carmen, Tugbok District, Davao City noong ika-31 ng Mayo.
Layunin ng programa na magbigay ng libreng serbisyong medikal, konsultasyon, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan sa mga residente ng barangay.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinapalawak ng OVP at ng mga katuwang nitong organisasyon ang mga programang naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na nangangailangan.
Kasama rin sa pagsuporta sa programa ang Green Movement De Oro, Metro Davao Dakilang Mandaragit Eagles Club, Konkorde Electro Mechanical Trading, 27th IB, Barangay Council of Mintal and New Carmen, Carmen Integrated School, Central 911, CDRRMO, DCPO at CTTMO.
Mahalin natin ang Pilipinas!
Para sa karagdagang detalye, maaring bisitahin ang aming website https://www.ovp.gov.ph/post/free-medical-mission-serves-residents-barangay-new-carmen-davao-city
30/05/2026
Maligayang Kaarawan, Vice President Sara Z. Duterte!
Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, nakikiisa ang Office of the Vice President sa pagbibigay-pugay sa iyong dedikasyon sa pamumuno at paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas ng loob, at karunungan upang maisulong ang mga programang naghahatid ng positibong pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.
Maligayang Kaarawan, VP Sara!
28/05/2026
OVP LIBRENG SAKAY PROGRAM
Ito ang mga mensaheng nagbibigay ng inspirasyon sa patuloy na pagpapaabot ng tulong ng Office of the Vice President sa pamamagitan ng Libreng Sakay Program para sa mga estudyante, manggagawa, at ordinaryong commuters sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa bawat biyahe, dala natin ang malasakit at tapat na serbisyo upang makatulong sa gastusin at mapagaan ang araw-araw na pamumuhay ng bawat Pilipino.
28/05/2026
COASTAL CLEANUP AT SERIES OF TREE PLANTING ACTIVITIES SA NEGROS AT ANTIQUE
Sa ilalim ng programang PagbaBAGo: A Million Trees Campaign, patuloy na isinusulong ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang pangangalaga sa kalikasan. Kaugnay nito, nagsagawa ng serye ng mangrove planting at coastal clean-up activities sa iba’t ibang komunidad sa Negros Occidental at Antique ang OVP - Panay and Negros Islands Satellite Office kamakailan.
Noong Abril 22, tinungo ng PNISO ang Brgy. Calumangan, Bago City, Negros Occidental, at nakapagtanim ng 2,000 mangrove propagules. Sinundan ito noong Abril 25 sa Brgy. Recreo, Pontevedra, Negros Occidental kung saan 5,000 propagules naman ang naitanim, at noong Mayo 2 sa Brgy. Balaring, Silay City, Negros Occidental na may karagdagang 2,500 propagules na naitanim.
Samantala, noong Mayo 6, 2026, matagumpay ring naisagawa ang coastal clean-up sa RJL Seaport, Brgy. Imba, Munisipalidad ng Caluya, Antique na nilahukan ng humigit-kumulang 250 na mga volunteers at nakalikom ng halos 200 sako ng basura.
Sa kabuuan, patuloy nating pinagtitibay ang sama-samang pagkilos para sa mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang kapaligiran para sa susunod na henerasyon.
Bisitahin ang aming website para sa karagdagang detalye https://www.ovp.gov.ph/
28/05/2026
Nakikiisa ang Office of the Vice President (OVP) sa paggunita sa National Flag Days 2026 sa pamamagitan ng isang espesyal na talakayan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) hinggil sa tamang paggamit at pagpapakita ng watawat ng Pilipinas.
28/05/2026
BUSINESS MANAGEMENT TRAINING PARA SA MTD BENEFICIARIES SA BALER
26/05/2026
OVP, NAKIKIISA SA EID AL-ADHA PARA SA PAGKAKAISA AT MALASAKIT
Eid al-Adha Mubarak!
Nakikiisa ang Office of the Vice President (OVP) sa paggunita ng Eid al-Adha ngayong ika-27 ng Mayo 2026, isang mahalagang okasyon na sumasalamin sa pananampalataya, sakripisyo, at malasakit sa kapwa na ipinamalas ni Prophet Ibrahim bilang pagsunod sa kalooban ni Allah.
Nawa’y magsilbi itong paalala at inspirasyon sa lahat upang patuloy na isulong ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagbabahagi para sa kapakanan ng bawat pamilyang Muslim at ng buong sambayanang Pilipino.
Mahalin natin ang Pilipinas!
26/05/2026
ATM | PAGBABAGO: A MILLION LEARNERS CAMPAIGN, UMABOT SA MALAYONG ISLA NG CORCUERA UPANG MAGHATID NG PAG-ASA SA MGA MAG-AARAL
Sa kauna-unahang pagkakataon, naabot ng Office of the Vice President (OVP) PagbaBAGo: A Million Learners Campaign sa bayan ng Corcuera—isa sa mga pinakamalayong isla sa Pilipinas—upang maghatid ng suporta at pag-asa sa mga kabataang mag-aaral.
Umabot sa 500 learners mula sa 13 paaralan ang nabigyan ng school bags, school supplies, at kapote, na ikinasiya ng mga bata, g**o, at magulang sa kanilang komunidad.
Sa kabila ng layo at hirap ng biyahe, patuloy ang OVP sa paghahatid ng malasakit at inspirasyon para sa edukasyon ng bawat batang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Bisitahin ang aming website para sa karagdagang detalye https://www.ovp.gov.ph/