Sektor ng Kabataan 2023

Sektor ng Kabataan 2023

Share

TUNAY NA SERBISYO, MAY PUSONG TOTOO

21/10/2023

Ituloy natin ang Gobyernong Pangkabataan sa pangunguna ni Sk Chairman Candidate John Robert De Castro, isang kabataang may mabuting intensyon, hangarin at pagmamahal para sa mga kabataan ng Barangay Addition Hills Mandaluyong City



03/09/2023

Sa loob ng 3 buwan, ang Sektor ng Kabataan ay matagumpay na naisagawa ang mahigit dalawampu’t limang (25) programa sa iba’t ibang bloke:

1. Talakayan sa Looban ⬇️
✅ Blk. 37 United Neigborhood Organization
✅ 16-17
✅ 21
✅ 22 Kamagong
✅ 39-40
✅ 37 Fire Site
✅ 27B
✅ 34
✅ 36
✅ 37 Marinella
✅ 38 Butete
✅ 30
✅ 13 Half Court
✅ 27C Maytunas Creek
✅ 18, 18A, 20, 21 & 26
✅ 27B Mini Chapel
✅ 37 Singkamas, Peras

2. Meet and Greet at Boodle Fight:

✅ Tau gamma phi
✅ AKHRO
✅ Sinag youth
✅ MYO
✅ NKB38
✅ Fabella Movement Crime Buster
✅ SKB38 Block 38A
✅ Eagles Block 38B
✅ Marcos Youth Movement
✅ Alliance of Youth Club
✅ Tau Gamma Phi Welfareville community chapter ✅ Block 36 Tau Gamma Phi
✅ Mahal youth org
✅ SAMAKA
✅ NMBTP youth
✅ CYO
✅ KNBI
✅ Basketball at volleyball team
✅ SKM
✅ Block 27 bigfam
✅ Special leaders
✅ KKM presidents
✅ GLM presidents
✅ EYA

3. Pamamahagi ng First Aid Kit

✅ Tau Gamma PHi 35
✅ EYA
✅ SMBA
✅ Block 22 ext.
✅ 16-17
✅ PYO
✅ NMBTP
✅ MGR
✅ Tau Gamma PHI 27
✅ CAYO
✅ AKRHO 19B
✅ Green Archers

4. Pamamahagi ng bola pang basketball at volleyball:

✅ Block 41
✅ NKB38
✅ MYO
✅ CYO
✅ KNBI
✅ Batibot
✅ TOPIANZ
✅ Block 36 Ballers

✅ BLK 36 Youth
✅ Tau Gamma Phi Sacred Heart Chapter
✅ NMBTP youth
✅ MGR
✅ MYO
✅ Block 40 Women’s Volleyball Team
✅ Block 37 Women’s Volleyball Team

5. Nabigyan at nag assist ng pamimigay ng school supplies
✅ THE BIG FAM
✅ YOWC
✅ all day care centers student

6. Feeding

✅ BLOCK 37 Marinella
✅ BLOCK 12
✅ BLOCK 39-40
✅ BLOCK39 NMBTP YOUTH
✅ BLOCK 1-5
✅ BLOCK 27
✅ BLOCK 19A
✅ BLOCK 11
✅ BLOCK 37 PHASE 1 and 2
✅ BLOCK 37 Tambacan (Katuwang ang ating Congressman JC Abalos)

7. Mass Anti-Rabies Vaccination Assistance
✅ Blk 38
✅ 40 Covered Court
✅ 38 Ext Court
✅ 12
✅ 37B Phase 1-2
✅ UBAC
✅ 35

8. Project Sakuna Iwasan Lipunan Gabayaan (SILG ) Launching

9. Pag assist sa ating mga Solo Parents. ✅

10. Pagsailalim sa Drug Test ✅

11. YOUTH NIGHT August 31,2023 ✅

12. Pagsasagawa ng Liga 3v3 at Parnetshil, ONE DAY LEAGUE ng MYO ✅

13. Pakikiisa sa 14th Nutri- Fun Run sa Lungsod ng Mandaluyong ✅

14. Pag organisa ng Food Bazaar katuwang ang Manpower tulong sa Micro- Businesses ✅

15. Pagsasagawa ng online contest gamit ang Fb Page. ✅

16. Pakikiisa sa pagdiriwang ng Barangay sa Nutrition Month sa pamamagitan ng Zumba ✅

17. Pagsagot sa mga inqueries sa page, pagpost ng mahahalagang contact details at pag monitor ng weather forecast ✅

18. Pakikiisa sa Launching Ceremony ng Barangay sa “Pagkain ni Mommy, para sa Malusog na Baby” ✅

19. Pakikibahagi sa Symposium sa mga bloke ng
✅ 41
✅ 29

20. Pakikiisa sa Waste Segregation Seminar ✅

21. Pagdalo sa mga Oath Taking, SK Inter-Color Championship, Courtesy Call sa barangay, at maging sa pagbasbas ng mga bagong gawang buidling sa Welfareville Compound ✅

22. Pakikiisa sa Seminar ng BIDA (Buhay Ingatan Droga’y Ayawan) ✅

23. Pagsuporta sa ODL ng Block 39-40 Women’s Volleyball Team ✅

24. Naki-indak at nangharana sa Senior’s Ballroom Night ✅

25. Pagsama sa mga Clean-up Drive sa bawat bloke ✅

Sa pangunguna ni 𝙖𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙣𝙩 𝙎𝙆 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙢𝙖𝙣 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙍𝙤𝙗𝙚𝙧𝙩 "𝘽𝙞𝙗𝙤𝙮" 𝘿𝙚 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙧𝙤 kasama sina aspirant SK Kagawad Aspirants 𝙅𝙖𝙘𝙤𝙗 𝘼𝙣𝙙𝙖𝙡𝙚𝙨, 𝙁𝙧𝙞𝙙𝙖 𝘼𝙣𝙙𝙧𝙖𝙙𝙚, 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩 “𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩” 𝘾𝙤𝙧𝙤𝙯𝙖, 𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤 𝙂𝙪𝙚𝙫𝙖𝙧𝙧𝙖, 𝙍𝙤𝙣𝙖𝙡𝙙 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙤, 𝙄𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙕𝙖𝙢𝙤𝙧𝙖, 𝙖𝙩 𝙑𝙝𝙞𝙣𝙯𝙚 𝙕𝙤𝙡𝙚𝙩𝙖, ang buong hanay ay HANDA na para sa TUNAY NA SERBISYO MAY PUSONG TOTOO

Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta 🙌🏻



Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 03/09/2023

Ngayong araw, Setyembre 3,2023 ay kasalukuyang ginaganap ang programang libreng kapon para sa mga alagang hayop gaya ng pusa at a*o sa ABIS.

Sa pamumuno ni 𝙖𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙣𝙩 𝙎𝙆 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙢𝙖𝙣 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙍𝙤𝙗𝙚𝙧𝙩 "𝘽𝙞𝙗𝙤𝙮" 𝘿𝙚 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙧𝙤 kasama sina aspirant SK Kagawad Aspirants 𝙅𝙖𝙘𝙤𝙗 𝘼𝙣𝙙𝙖𝙡𝙚𝙨, 𝙁𝙧𝙞𝙙𝙖 𝘼𝙣𝙙𝙧𝙖𝙙𝙚, 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩 “𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩” 𝘾𝙤𝙧𝙤𝙯𝙖, 𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤 𝙂𝙪𝙚𝙫𝙖𝙧𝙧𝙖, 𝙍𝙤𝙣𝙖𝙡𝙙 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙤, 𝙄𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙕𝙖𝙢𝙤𝙧𝙖, 𝙖𝙩 𝙑𝙝𝙞𝙣𝙯𝙚 𝙕𝙤𝙡𝙚𝙩𝙖, ang buong hanay ay nakiisa at tumulong mag assist sa mga residente katuwang din ang Barangay Council sa pangunguna ng ating Punong Barangay Carlito Cernal at Konseho.

Sa nasabing programa, magkakaroon din ng mga diskusyon patungkol sa Responsible Pet Ownership, City Vet Projects, City Vet Role in Animal Welfare, at iba pa.

Nagpapasalamat naman ang Sektor ng Kabataan sa ating Former Councilor Ma’am Charisse Abalos-Vargas sa pangunguna sa ganitong klaseng programa na magbibigay kasiguraduhin sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga alagang hayop.




03/09/2023

Kumakalap ng donasyong pinansyal ang The Big Fam Youth Organization para sa kanilang isasagawang 'Balik Aral Project' na may layunin na mabigyan ng School Supplies ang higit 150 kabataan sa kabilang bloke.

Ang Sektor ng Kabataan ay sumusuporta sa ganitong klaseng mga inisyatiba't adhikain higit lalo para sa progreso ng kabataan ng ating barangay.

Sa mga nais tumulong, maaaring direktang makipag-ugnayan kay Rachel Masilang The Big Fam Yout Organization o magpadala ng mensahe sa kanilang page.

Mapagpalabg gabi po sa lahat.Kami po ang The Bigfam Youth Organizatio na kumakatok sainyong mga puso upang kami ay masuportahan sa aming Proyektong ito upang makatulong sa mga batang nangangailangan ng pandagdag sa kanilang mga gamit sa eskwela.Kami po ay lumapit sa Sektor ng Kabataan upang kami ay matulungan sa aming donation drive.Kaya naman po Ito pong Proyektong ito ay para sa mga grade school students at highschool.Nawa po kami ay matulungan sa maliit na halaga na inyong madodonate ay malaking tulong sa mga batang benepisyaryo ng balik aral.Pinauuna na po namin ang pasasalamat sainyo😇🙏




Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

TAKALAYAN SA BLK. 30!

Upang pakinggan ang suhestyon ng bawat mamamayan ng Barangay Addition Hills, muling isinagawa ang 'Talakayan sa bawat looban' sa Blk. 30 sa pangunguna at inisyatiba ng ating butihing Kapitan Carlito Tolibas Cernal.

Nakiisa rin ang Sektor ng Kabataan sa pangunguna ni John Robert De castro at mga SK Kgawad Aspirants na sina Jacob Andales, Frida Andrade, Vincent “First” Coroza, Marco Guevarra, Ronald Vinco, Irish Zamora, at Vhinze Zoleta.

Sa dulo ng programa, nagsalo-salo ang komunidad sa isang masaya at masaganang boodle fight.



Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

TAKALAYAN SA BLK. 13-14!

Upang pakinggan ang suhestyon ng bawat mamamayan ng Barangay Addition Hills, muling isinagawa ang 'Talakayan sa bawat looban' sa Blk. 13-14 sa pangunguna at inisyatiba ng ating butihing Kapitan Carlito Tolibas Cernal.

Nakiisa rin ang Sektor ng Kabataan sa pangunguna ni John Robert De castro at mga SK Kgawad Aspirants na sina Jacob Andales, Frida Andrade, Vincent “First” Coroza, Marco Guevarra, Ronald Vinco, Irish Zamora, at Vhinze Zoleta.

Sa dulo ng programa, nagsalo-salo ang komunidad sa isang masaya at masaganang boodle fight.



Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

TAKALAYAN SA BLK. 22!

Upang pakinggan ang suhestyon ng bawat mamamayan ng Barangay Addition Hills, muling isinagawa ang 'Talakayan sa bawat looban' sa Blk. 22 sa pangunguna at inisyatiba ng ating butihing Kapitan Carlito Tolibas Cernal.

Nakiisa rin ang Sektor ng Kabataan sa pangunguna ni John Robert De castro at mga SK Kgawad Aspirants na sina Jacob Andales, Frida Andrade, Vincent “First” Coroza, Marco Guevarra, Ronald Vinco, Irish Zamora, at Vhinze Zoleta.

Sa dulo ng programa, nagsalo-salo ang komunidad sa isang masaya at masaganang boodle fight.



Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

Matagumpay na naisagawa ng Millenial Youth Organization ang pagpapahalaga at malasakit sa kalusugan sa pamamagitan ng ZUMBA na ginanap sa Block 38 Tambacan Covered Court.

Ang Sektor ng Kabataan ay nagpaunlak din sa imbitasyon ng MYO na kung saan nakiindak, nakisayaw at nakihataw ang bawat myembro kasama mga kabataang residente ng lugar.

Ito ay dinaluhan nina 𝙖𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙣𝙩 𝙎𝙆 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙢𝙖𝙣 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙍𝙤𝙗𝙚𝙧𝙩 "𝘽𝙞𝙗𝙤𝙮" 𝘿𝙚 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙧𝙤 kasama sina aspirant SK Kagawad Aspirants 𝙅𝙖𝙘𝙤𝙗 𝘼𝙣𝙙𝙖𝙡𝙚𝙨, 𝙁𝙧𝙞𝙙𝙖 𝘼𝙣𝙙𝙧𝙖𝙙𝙚, 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩 “𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩” 𝘾𝙤𝙧𝙤𝙯𝙖, 𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤 𝙂𝙪𝙚𝙫𝙖𝙧𝙧𝙖, 𝙍𝙤𝙣𝙖𝙡𝙙 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙤, 𝙄𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙕𝙖𝙢𝙤𝙧𝙖, 𝙖𝙩 𝙑𝙝𝙞𝙣𝙯𝙚 𝙕𝙤𝙡𝙚𝙩𝙖.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong imbitasyon at hangad namin ang magandang kalusugan ng bawat isa sa komunidad.




Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

Ang buong hanay ng Sektor ng Kabataan sa pamumuno ni 𝙖𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙣𝙩 𝙎𝙆 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙢𝙖𝙣 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙍𝙤𝙗𝙚𝙧𝙩 "𝘽𝙞𝙗𝙤𝙮" 𝘿𝙚 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙧𝙤 kasama sina aspirant SK Kagawad Aspirants 𝙅𝙖𝙘𝙤𝙗 𝘼𝙣𝙙𝙖𝙡𝙚𝙨, 𝙁𝙧𝙞𝙙𝙖 𝘼𝙣𝙙𝙧𝙖𝙙𝙚, 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩 “𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩” 𝘾𝙤𝙧𝙤𝙯𝙖, 𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤 𝙂𝙪𝙚𝙫𝙖𝙧𝙧𝙖, 𝙍𝙤𝙣𝙖𝙡𝙙 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙤, 𝙄𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙕𝙖𝙢𝙤𝙧𝙖, 𝙖𝙩 𝙑𝙝𝙞𝙣𝙯𝙚 𝙕𝙤𝙡𝙚𝙩𝙖, ay BUONG PUSONG nagpapasalamat sa BIG FAM sa paghahanda ng isang boodle fight bilang indikasyon ng inyong suporta sa buong hanay.

Nakaraang Agosto 28,, ang BIG FAM ay naghain ng mga pagkain para sa boodle fight kasama ang kanilang mga myembro, opisyales at Sektor ng Kabataan.

Ang suportang ibinibigay po ninyo sa aming hanay ay hindi po sasayangin bagkus papalitan ng isang tunay na serbisyo at pusong totoo.




Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

Kasama ang Empowered Youth Alliance (EYA),, ang Sektor ng Kabataan ay naglatag din ng mga programang pang kabataan noong, Agosto 23.

Sa pangunguna ni 𝙖𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙣𝙩 𝙎𝙆 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙢𝙖𝙣 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙍𝙤𝙗𝙚𝙧𝙩 "𝘽𝙞𝙗𝙤𝙮" 𝘿𝙚 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙧𝙤 kasama sina aspirant SK Kagawad Aspirants 𝙅𝙖𝙘𝙤𝙗 𝘼𝙣𝙙𝙖𝙡𝙚𝙨, 𝙁𝙧𝙞𝙙𝙖 𝘼𝙣𝙙𝙧𝙖𝙙𝙚, 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩 “𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩” 𝘾𝙤𝙧𝙤𝙯𝙖, 𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤 𝙂𝙪𝙚𝙫𝙖𝙧𝙧𝙖, 𝙍𝙤𝙣𝙖𝙡𝙙 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙤, 𝙄𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙕𝙖𝙢𝙤𝙧𝙖, 𝙖𝙩 𝙑𝙝𝙞𝙣𝙯𝙚 𝙕𝙤𝙡𝙚𝙩𝙖, ang buong hanay ay nagpahayag ng kanilang mga plataporma para sa gobyernong pangkabataan.

Ang Sektor ng Kabataan ay nagpapasalamat po sa inyong suporta at pakikisama anomang oras at panahon ay nariyan ang inyong pag-alalay at suporta.

Nawa’y maipagpatuloy natin ang mga napag usapang programa at pangako po ng buong hanay na hindi kayo mabibigo sa Gobyernong Pangkabataan.




Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

Nakaraang Agosto 21, nakasama naman natin ang mga youth organizations ng Block 40 na kung saan ay ipinakilala at ipinaliwanag ng Sektor ng Kabataan ang kanilang mga adhikain para Gobyernong Kabataan at sa bawat komunidad.

Sa pangunguna ni 𝙖𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙣𝙩 𝙎𝙆 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙢𝙖𝙣 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙍𝙤𝙗𝙚𝙧𝙩 "𝘽𝙞𝙗𝙤𝙮" 𝘿𝙚 𝘾𝙖𝙨𝙩𝙧𝙤 kasama sina aspirant SK Kagawad Aspirants 𝙅𝙖𝙘𝙤𝙗 𝘼𝙣𝙙𝙖𝙡𝙚𝙨, 𝙁𝙧𝙞𝙙𝙖 𝘼𝙣𝙙𝙧𝙖𝙙𝙚, 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙚𝙣𝙩 “𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩” 𝘾𝙤𝙧𝙤𝙯𝙖, 𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤 𝙂𝙪𝙚𝙫𝙖𝙧𝙧𝙖, 𝙍𝙤𝙣𝙖𝙡𝙙 𝙑𝙞𝙣𝙘𝙤, 𝙄𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙕𝙖𝙢𝙤𝙧𝙖, 𝙖𝙩 𝙑𝙝𝙞𝙣𝙯𝙚 𝙕𝙤𝙡𝙚𝙩𝙖, ang buong hanay ay namigay din ng mga bola pang basketball at naghanda ng munting salo-salo.

Bagama’t umulan, hindi ito naging hadlang sa mga kabataan na samahan at pakinggan ang Sektor ng Kabataan.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga nagpunta, sa mga magulang na nakinig at sa mainit na pagtanggap ng mga taga Block 40 mula sa Paradise Court, Batibot at maging sa Burol.

SektorngKabataan


Photos from Sektor ng Kabataan 2023's post 02/09/2023

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡!

Bilang pagtalima sa isang tapat, malinis, at responsableng pamumuno sa kabataan ng Addition Hills, sumailalaim sa drug test ang buong hanay Sektor ng Kabataan sa pangunguna ng ating 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘀𝗽𝗶𝗿𝗮𝗻𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁 "𝗕𝗶𝗯𝗼𝘆" 𝗗𝗲 𝗰𝗮𝘀𝘁𝗿𝗼 kasama ang ating mga SK Kagawad aspirants na sina 𝗝𝗮𝗰𝗼𝗯 𝗔𝗻𝗱𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗮𝗱𝗲, 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 “𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁” 𝗖𝗼𝗿𝗼𝘇𝗮, 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼 𝗚𝘂𝗲𝘃𝗮𝗿𝗿𝗮, 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗼, 𝗜𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗭𝗮𝗺𝗼𝗿𝗮, 𝗮𝘁 𝗩𝗵𝗶𝗻𝘇𝗲 𝗭𝗼𝗹𝗲𝘁𝗮.

Sa pangunguna ng Mandaluyong Anti-Drug Abuse Council at Barangay Anti-Drug Abuse Council, 𝗡𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗕𝗢 ang buong Sektor ng Kabataan sa isinagawang urine drug test. Ang pagsasala sa mga urine ay pinangunahan ng mga doktor mula sa ating City Health Department.

𝗜𝘁𝗼 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗺𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗮𝘁 𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗦𝗲𝗰. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗯𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗝𝗿. 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝘀𝗮 𝗱𝗿𝘂𝗴 𝘁𝗲𝘀𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗱𝗶𝗱𝗮𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲.

Isa rin sa pangunahing adbokasiya ng Sektor ang Kabataan ang gabayan ang mga batang welfareville kontra paggamit ng iligal na droga sa ating komunidad ito ay pinapangunahan nina 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗣. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗼 𝗻𝗴 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗗𝗿𝘂𝗴 𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗮𝘁 𝗩𝗵𝗶𝗻𝘇𝗲 𝗔𝗮𝗿𝗶𝗻𝘇𝗲 𝗭𝗼𝗹𝗲𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵.




Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Brgy. Addition Hills
Mandaluyong
1550