26/10/2023
Ang inyong lingkod kasama nina Eric Eugenio, William De Leon, Fher Molina, Arianne Quieta at Ariel Villarico ay kabilang sa mga nais na manungkulan sa barangay upang baguhin ang pamamaraan ng paglilingkod dito sa Batangay Hagdang Bato Itaas.
Hangad namin ay matugunan ang mga totoong mga pangangailangan ng bawat dako sa ating barangay sa pamamagitan ng mga programa na may pampublikong konsultasyon, at pagbuhay sa diwa ng bayanihan.
Magagawa lamang namin na mag-serbisyo ayon sa inyong kagustuhan, pangangailangan, at ayon sa batas kung kami ay inyong ihahalal sa Lunes, Oktubre 30, 2023,.
Sa ngalan ng aking mga kasama, Victor Gapuz Rojo po, Maglilingkod at hindi paglilingkuran.
