Samahang Tagapagpalaganap ng Wikang Filipino sa Lungsod Mandaluyong

Samahang Tagapagpalaganap ng Wikang Filipino sa Lungsod Mandaluyong

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahang Tagapagpalaganap ng Wikang Filipino sa Lungsod Mandaluyong, Government Organization, Maysilo Circle, Mandaluyong.

23/09/2025
09/09/2025

https://www.facebook.com/share/19yaVspUuj/

🅢🅐🅡ì-🅢á🅜🅞🅣
ni Virgilio S. Almario

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗣𝗜𝗡𝗨𝗣𝗨𝗡𝗚𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 “𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜”

SA MGA IMPORMAL na usapan ay bihira nang bigkasin ang buong “hindi.” Mas malimit na bigkasin ito o isulat na “di.” Noong araw, ang ganitong kaso ng pinungusang salitâ ay nilalagyan ng kudlit para isagisag ang nawalâng pantig. Kayâ noon, ang anyo ng pinungusang hindi ay “’di.” Kailangan lang bantayan ang kudlit, sapagkat madalas na hindi napapansin na ang unang naitutuldok sa computer ay ang open single quotation mark (‘). Ang remedyo sa computer ay magkasunod na tuldukin ang single quotation mark para lumitaw na ganito (‘’), at sakâ i-delete ang unang single quotation mark. Maiiwan, sa gayon, ang closing single quotation mark at siyang tatayông simbolo ng kudlit.

Ang problemang ito ay nagaganap din sa pinungusang “kapagka.” Una, nawalâ ang pandulong “ka” sa salitâ at natirá ang “kapag.” Ngayon, inaalis na rin ang “ka” sa unahan ng salitâ at natitirá ang “pag.” Tulad sa nangyari sa “hindi,” kung isulat ang natiráng pantig ay nilalagyan ng kudlit “’pag.” Malimit ding sa halip na kudlit para kumatawan sa pinungos na “ka” ay simbolo sa pambukas ng single quotation mark ang nailalagay sa “‘pag.”

Subalit mababawasan ang sakit ng ulo sa kudlit para sa “di” at “pag.” Sang-ayon sa bagong kalakaran, hindi na nilalagyan ng kudlit para isagisag ang nawalâng pantig. Ang ibig sabihin, itinuturing nang wasto ang ”di” at “pag” na isulat nang walâng kudlit.

Isang paraan ito upang itugma ang pinungusang “di” sa mga idyomatikong prase na pinangungunahan ng “di-“ at isinusúlat nang walâng kudlit. Halimbawa, “di-maliparang uwak,” “di-sinasadya,” “di-masansalà,” “di-maiwasan,” “di-mawarì,” “di-kuno.” Makalalayà din sa ganitong paraan ang pagsúlat sa mga apelyidong nag-uumpisa sa “Di-“ gaya sa “Dimaculangan,” “Dimalanta,” “Dimasalang,” “Dimacuro.”

Ang pangyayaring ito ay isang maituturing na kaibhan ng Filipino sa Tagalog/ Pilipino.
Ang naglalagay ng kudlit sa pinungusang “hindi” at “kapag” ay produkto ng pagtuturo alinsunod sa balarila. Ang walâng kudlit na pagsulat ng “di” at “pag” ay epekto ng higit na praktikal na tuntunin sa pagsulat sa Filipino. Hindi naman kasi nababago ang kahulugan ng “di” o “pag” kapag isinusulat nang walâng kudlit. Hindi tulad ng pagkawalâ ng kudlit sa mga salitâng may nawalâng titik o pantig at posibleng magdulot ng kalituhan sa kahulugan sa bumabása. Ang “sya,” halimbawa, ay nangangailangang isulat nang may kudlit—"s’ya”—para linawin kung ito ay “siyá” o “silya.” Ang “nyo” kahit may kudlit –“n’yo”—ay hindi sapat kumatawan sa inalis na “-in” sa “ninyo.” Sapagkat ang buong pantig ay “nin.”

Hindi naman dapat ipagkamalî ang “di-“ sa Español na “de-“ Ang de- ay isang Español na pantulong. Para ipakahulugan na ang isang bagay o pangyayari ay may katangiang kasunod ng de- o naganap dahil sa salitâ na kabuntot ng de-. Ang “de-láta” ay bagay na likha o nakasilid sa láta. Ang “de-baterya” ay posibleng larûan na gumagalaw sa tulong ng baterya. Ang “de-korbata” ay empleado na kailangang may suot na korbata sa opisina. Ang “de-baril” ay mga armadong alagad o pulis. Ang “de-bola” ay puwedeng keso na hugis bilóg o rebolber na may umiikot na lalagyan ng punglo. Mahalaga ding hindi baguhin ang E sa “de” para hindi ito mapagkamaláng pinungos na “hindi.”

Ferndale Homes
28 Agosto 2025

03/09/2025

Pangulong Bongbong Marcos, inatasan ang Department of Budget and Management at bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary na muling busisiin ang panukalang budget ng DPWH sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP). | via Tuesday Niu/DZBB, GMA Integrated News

03/09/2025
03/09/2025
Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Maysilo Circle
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm