11/04/2026
🚨 MAHIGPIT NA PAALALA SA LAHAT 🚨
Magandang araw po sa lahat!
Tayo po ay nagsagawa ng OPLAN GALUGAD sa ating lugar dito sa Brgy Hulo sa pangunguna ng ating Kapitan Jaja Jose kasama ang ating kapulisan ,barangay tanod, at ang ating Kagawad na pinamumunuan ang kahalagahan ng katahimikan at kaayusan kgg, Jayar Antiojo upang bigyan ng paalala ang ating mga kabarangay.
Ito po ay mahigpit na ipinatutupad alinsunod sa kautusan ng DILG.
Kaugnay nito, mahigpit po naming pinakiusapan ang lahat na:
• Iwasan muna ang pag-inom sa kalye
• Iwasan ang malakas na videoke
• Siguraduhing nasa loob ng bahay ang mga kabataan (curfew hours)
• Iwasan ang pananatili sa labas nang hindi maayos ang kasuotan
Ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. 🤝

10/01/2026
25/12/2025
23/12/2025
22/11/2025