New Barangay Namayan

Directions Website Contact the organization

New Barangay Namayan Official page of NAMAYAN, a barangay w/ core values: unity & love for community📍Mandaluyong City, PH

[1ST EVER NAMAYAN’S PETS TRICK OR TREAT 2026!]Mga fur parents ng Barangay Namayan, handa na ba ang inyong mga alagang as...
19/10/2026

[1ST EVER NAMAYAN’S PETS TRICK OR TREAT 2026!]

Mga fur parents ng Barangay Namayan, handa na ba ang inyong mga alagang aso at pusa na magpakitang-gilas sa kanilang Halloween costumes? 👻🐶🐱
Inaanyayahan po namin kayo sa kauna-unahang Namayan’s Pets Trick or Treat 2026, isang pilot event na naglalayong magbigay ng masaya at makabuluhang karanasan para sa ating mga fur babies at fur parents!

📅 Petsa ng Event: October 31, 2026, 3:00pm
📍 Lugar: Bulwagan Maharlika Barangay Namayan, Mandaluyong City
🐾 Maximum Participants: 50 pets only

📌 MGA QUALIFICATIONS AT PANUNTUNAN
✅ 1. Para lamang sa mga residente ng Barangay Namayan. Ang fur parent o pet owner ay kailangang kasalukuyang residente ng ating barangay.
✅ 2. Limited to 50 qualified pets only. Dahil pilot event pa lamang ito, limitado sa kabuuang 50 pets ang maaaring makasali. Kapag puno na ang slots, hindi na tatanggap ng karagdagang participants.
✅ 3. One owner, one pet only. Isang owner at isang pet lamang ang maaaring irehistro. Maaaring aso o pusa ang inyong alaga.
✅ 4. Kailangang personal na dalhin ang pet sa pagpaparehistro. Ang mga interesadong fur parents ay kailangang dalhin mismo ang kanilang alagang aso o pusa sa Bulwagan Maharlika ng Barangay Namayan Park sa oras ng registration. Hindi tatanggapin ang registration kung hindi kasama ang mismong pet.
✅ 5. Required ang vaccination record. Ang bawat pet ay kailangang bakunado at may dalang vaccination record o vaccination card bilang patunay ng pagbabakuna. Kailangang ipakita ito sa oras ng registration upang ma-check at maging qualified sa pagsali. Hindi qualified ang pet na walang maipakitang vaccination record.
✅ 6. Open to small dogs, large dogs, and cats. Pinagsama-sama sa iisang event ang small dogs, large dogs, at cats. Lahat ay kabilang sa kabuuang 50 participant slots.
✅ 7. Costume Parade and Contest. Ihanda ang inyong mga alaga sa kanilang pinakamaganda, pinaka-creative, at pinaka-Halloween na kasuotan! Siguraduhing komportable at ligtas ang costume at hindi nito nahahadlangan ang paghinga, paningin, o pagkilos ng pet.
✅ 8. 1 Winner for each category. May Isang (1) mananalo sa bawat magkakaibang category. Total of 5 winners. Ang mga kategorya at pamantayan ng paghusga ay iaanunsyo ng organizers.
✅ 9. Responsible pet ownership is a must!
🐕 Ang mga aso ay kailangang may secure leash at collar o harness.
🐈 Ang mga pusa ay kailangang nasa secure carrier o enclosed pet stroller.
💧 Magdala ng tubig at mga kinakailangang gamit para sa inyong alaga.
🧹 Pananagutan ng owner ang kalinisan, kaligtasan, at pag-uugali ng pet sa buong event.
⚠️ Maaaring hindi payagang sumali ang pet kung may safety o animal-welfare concern.

📝 PAANO MAGPAREHISTRO?
Ang mga interesadong fur parents ay personal na magtungo sa Bulwagan ng Barangay Namayan kasama ang kanilang alagang pet at vaccination record/card.
📍 Barangay Namayan Hall
⚠️ FIRST 50 QUALIFIED PETS ONLY! Limited slots lamang po tayo dahil pilot event pa ito. Ang registration ay subject sa verification ng requirements at confirmation ng organizers.

Mga fur parents, sama-sama nating gawing masaya, makulay, at ligtas ang kauna-unahang pilot event na ito para sa ating mga alagang hayop at sa buong komunidad! 🐾💚

🎃 Kita-kits sa 1st Ever Namayan’s Pets Trick or Treat 2026!




[NAMAYAN TRICK OR TREAT YEAR 13!]Mga chikiting ng Namayan, handa na ba kayo?! 🍬🧛‍♀️Mark your calendars dahil narito na n...
18/10/2026

[NAMAYAN TRICK OR TREAT YEAR 13!]

Mga chikiting ng Namayan, handa na ba kayo?! 🍬🧛‍♀️

Mark your calendars dahil narito na naman ang isa sa mga pinakahihintay na tradisyon ng ating barangay ang NAMAYAN TRICK OR TREAT! 🥳🎃

Ngayong taon, ating ipagdiriwang ang ika-13 taon ng saya, tawanan, at masasayang alaala kasama ang ating mga batang Namayan! 🧡

📅 October 31, 2026 (Saturday)
🎃 Theme: “13 Years of Spooktacular Memories!”

Ang mga batang Namayan na may edad 0 hanggang 10 taong gulang ay maaari nang magparehistro sa pamamagitan ng Google Form sa ibaba.

📝 13TH NAMAYAN TRICK OR TREAT 2026 REGISTRATION LINK: 🔗 https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfTWBi2STx0QQBtz_PVfG0sGtrWVM-11QuFK0HvwYDx3ZKc7A/viewform?usp=header

Kaya naman, ihanda na ang inyong mga costume, mga chikiting! May Trick or Treat, costume contest, games, at marami pang masasayang aktibidad na naghihintay sa inyo! 🍭🧙‍♀️🦸‍♂️

Magparehistro na at huwag palampasin ang pinakamasayang Halloween celebration sa Namayan! 🎉

Maraming salamat po, at kita-kits, mga chikiting! 🧡🎃





16/10/2026

[NAMAYAN KONTRA DENGUE]

Isa na naman pong paalaala ng ating Punong Barangay Dondon Francisco para ating barangay at ito po ay patungkol sa pagpapatoy ng pagsasagawa ng Sabado Linis Day sa ating bawat bahay. Importanteng maging habit na po ito natin dahil sa lumalaganap na lamok na may dala ng dengue virus. Ayon sa mga eksperto at isinagawang pagpupulong ng City Health sa mga barangay kagawad at staff ng mga bawat barangay, hindi po solusyon ang ginagawang fogging operations kundi ang pag patay ng lamok at kanyang mga itlog thru total cleaning ng bawat kabahayan. Ang mga lamok ay naninirahan sa mga water containers at mga iba pang lugar na may stagnant water. Tutulong ang barangay council, SK, at mga kawani ng barangay sa paglilinis ng mga public places pero kailangan ng buong komunidad ang pakikipagtungan ng bawat kabahayan sa ating barangay.

Kaya natin i-zero ang dengue cases dito sa ating barangay, sa pamamagitan ng pagkakaisa.


05/10/2026

🎉 CELEBRATING 50 GOLDEN YEARS: Honoring the Past, Inspiring the Future 🎉

Half a century of excellence, nurturing young minds, and building a stronger community! Doña Basilisa Yangco Elementary School proudly celebrates its 50th Founding Anniversary.

From our humble beginnings to five decades of academic growth, leadership, and cherished memories, DBYES has been a second home to generations of learners, educators, and families.

✨ To our alumni, retired and current teachers, staff, parents, and students: This golden milestone belongs to all of us! Thank you for being a part of our rich history and continuing to carry the DBYES spirit of excellence and service.

Let’s come together to honor the foundation laid before us and pave the way for an even brighter future for the generations to come! 💛💙

📌 Share your DBYES memories in the comments! What year did you graduate, or what was your favorite memory at school? Tag your schoolmates and batchmates to join the celebration! 👇


05/10/2026

🍎 HAPPY WORLD TEACHERS' DAY TO OUR DBYES HEROES! 👩‍🏫👨‍🏫

Today, as Doña Basilisa Yangco Elementary School celebrates its 50th Golden Anniversary year, we shine a special spotlight on the heart and soul of our school—our incredible teachers!

For five decades, DBYES educators have been more than instructors. They are mentors, second parents, guides, and everyday heroes who patiently nurture young minds, build character, and inspire bright futures.

✨ To all our active, retired, and pioneer DBYES teachers:
Thank you for your tireless dedication, endless patience, and unyielding passion for education. The success of every alumnus and student who has walked these hallways is a testament to your hard work!

💬 LET’S SHOWER OUR TEACHERS WITH LOVE!
Drop your heartfelt messages, favorite memories, or a simple "Thank you, Teacher!" in the comments below. Don't forget to tag your current or past DBYES teachers to let them know how much they mean to you! 👇

05/10/2026

HAPPY TEACHERS’ DAY!

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga g**o na walang sawang nagtuturo, gumagabay, at humuhubog sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa inyong propesyon. Hindi lamang kaalaman ang inyong ibinabahagi, kundi pati na rin ang mga aral sa buhay na nagsisilbing gabay ng bawat mag-aaral tungo sa kanilang mga pangarap.

Saludo po kami sa inyong lahat! Patuloy kayong maging inspirasyon sa ating komunidad at sa susunod na henerasyon.
Maligayang Araw ng mga G**o!

BINYAGANG BAYAN | REMEMBER SEPTEMBER 2026 🤍🙏Isa na namang makabuluhang gawain ang naging bahagi ng ating Remember Septem...
28/09/2026

BINYAGANG BAYAN | REMEMBER SEPTEMBER 2026 🤍🙏

Isa na namang makabuluhang gawain ang naging bahagi ng ating Remember September, ang Binyagang Bayan na ginanap sa St. Andre Bessette Mission Station, na pinangunahan ni Rev. Fr. Patrick Gunnacao.

Ang araw na ito ay naging espesyal para sa ating mga batang tumanggap ng Binyag, kasama ang kanilang mga magulang, ninong at ninang, at mga mahal sa buhay.

Maraming salamat po kay Fr. Patrick Gunnacao, sa ating St. Andre Bessette Mission Station, at sa lahat ng mga pamilyang nakiisa at naglaan ng kanilang oras para sa mahalagang araw na ito.

Bahagi ng ating Remember September ang patuloy na paglalaan ng panahon para sa ating mga pamilya, kabataan at mga batang Namayan.

Patuloy tayong magsama-sama sa mga gawaing nagbibigay ng saya, pananampalataya at pagkakaisa sa ating buong komunidad.




Parte pa rin ng ating  ! Patuloy nating isinusulong ang malusog na pamumuhay para sa bawat taga-Namayan. Sa amin sa bara...
28/09/2026

Parte pa rin ng ating !

Patuloy nating isinusulong ang malusog na pamumuhay para sa bawat taga-Namayan. Sa amin sa barangay council, prayoridad namin ang kalusugan ng bawat isang taga Namayan mula sa ating mga kabataan hanggang sa ating mga senior citizens.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa proyektong ito, lalo na sa ating mga patuloy na katuwang tulad ng Rotary Club of Wack-Wack, ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), Senior Citizen Trustees, at sa lahat ng indibidwal at grupo na naglaan ng oras, effort at suporta upang maging matagumpay ang ating programa.

Kapag nagkakaisa ang buong Namayan, mas marami tayong kayang gawin para sa kalusugan at kapakanan ng bawat isa. Sama-sama nating gawing mas malusog, mas masigla at mas matatag ang ating komunidad. 💚

1Namayan, Isang Layunin: Nutrisyon para sa Lahat!

24/09/2026

[NAMAYAN KONTRA DENGUE]

Mg kabarangay --

Inaanyayahan po kayo ng ating Kapitan Dondon Francisco, kasama ang Namayan Barangay Council, na sumabay sa ating paglilinis ng Barangay bukas. Ito po ay buhat ng dalawang naitalang dengue cases sa ating komunidad.

Pakinggan po ang buong mensahe para sa iba pang detalye.

Salamat po!

Isang taos-pusong pagbati sa Ama ng Mandaluyong, Mayor Ben S. Abalos Sr. 🎉Sa taong naglaan ng panahon, puso at serbisyo ...
21/09/2026

Isang taos-pusong pagbati sa Ama ng Mandaluyong, Mayor Ben S. Abalos Sr. 🎉

Sa taong naglaan ng panahon, puso at serbisyo upang hubugin at pagandahin ang ating minamahal na Mandaluyong. Maraming salamat sa mga pagbabagong iniwan ninyong inspirasyon sa bawat Mandaleño at sa patuloy na pagmamahal sa ating lungsod.

Mabuhay po kayo, Mayor Ben! 💙
Isang karangalan ang patuloy na makita at maramdaman ang magandang Mandaluyong na inyong hinubog.

Address

Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 10pm
Sunday 1pm - 10pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Barangay Namayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to New Barangay Namayan:

Shortcuts

Share