Solid Team Garcia

Solid Team Garcia

Share

#SolidTeamGarcia #STG

Photos from Solid Team Garcia's post 02/06/2026

Team STG with Sir Gerald "Pogi" Capulong! ☝️☺️Salamat sa pag bisita.

Photos from Solid Team Garcia's post 01/06/2026

Happy Birthday, Johanna! From your STG Family.❤️🎉🎂🥳🎈


01/06/2026

Isang makulay at mapagpalang Pride Month sa lahat, lalo na sa ating mga ka-Barangay!

Solid tayo sa asenso, mabilis sa progreso, at nagkakaisa sa paggalang sa bawat isa. 🏳️‍🌈❤️
​RESPECT • EQUALITY • INCLUSION • LOVE

​Ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba-iba ng bawat isa.

Solid ang ating suporta para sa isang lipunang may pagkakapantay-pantay at pagmamahal.

Happy Pride Month po sa inyong lahat! 🌈✊


29/05/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang pagtitiwala at suporta.

Kami ay mananatiling kaisa ninyo sa bawat hakbang.

Solid Team Garcia! ☝️❤️

29/05/2026

Mahalagang ANUNSYO mga Ka-Barangay!
AFFIRMATION OF WEDDING VOWS
Mga dapat sundin:
• Open sa lahat ng mag-asawang kasal sa Simbahan o Huwes (Civil).
• Kailangan na ang mag-asawa ay parehong nakatira sa Mandaluyong SA NGAYON.
• Dapat ikinasal sila sa anumang buwan noong mga taong:
 2001 para sa mga 25th Anniversary (Silver)
 1976 para sa mga 50th Anniversary (Golden)
 1966 para sa mga 60th Anniversary (Diamond)
 1956 para sa mga 70th Anniversary (Platinum)
 1951 para sa mga 75th Anniversary (Coronation)
• OK lang kung ikinasal sila sa labas ng Mandaluyong, sa probinsya o saan man na bayan.
• Kailangan lang na ipakita ang Marriage Contract bilang patunay na kinasal sila noong mga taon na binanggit sa taas.
• Kailangan din ng Barangay Certification ng mag-asawa bilang patunay na sila ay nakatira sa ating Barangay.
• Magpalista muna sa inyong Barangay Captain at kumuha ng Barangay Certification.
• Pumunta sa Civil Registry Department sa 2nd Floor ng Executive Building, Mandaluyong City Hall upang asikasuhin ang inyong mga papeles.
• Hintayin ang abiso ng Barangay kung kalian, anong oras at saan gaganapin ang seremonya ng renewal of vows.
• Sa araw ng seremonya, maaari ninyong isama ang inyong mga anak, mga magulang, mga napiling ninong at ninang.
• Ang Kgg. Mayora Menchie Abalos ang siyang tatayong Officiating Officer at siyang magkakasal sa mag-asawa at magsisilbi din bilang inyong bagong Ninang.
Kasuotan sa araw ng seremonya:
Babae: Putting damit, Gown o Dress na pangkasal. Maaari din na may belo kung nanaisin.
Lalaki: Barong o Amerikana o anumang formal na damit na may kuwelyo.
Sasagutin ng pamahalaang lungsod ang mga sumusunod:
• Singsing
• Bouquet ng Bride
• Karagdagang Food Packs

RENEWAL OF VOWS SA MANDALUYONG

Patutunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang City Civil Registry Department, ang “road to forever” na pag-iibigan ng mga mag-asawang Mandaleño sa gaganaping Renewal of Vows ngayong Hulyo 2026 upang ipagdiwang ang ika-25, 50, 60, 70, at 75 wedding anniversary ng mga kalahok.

Makiisa at magtungo sa tanggapan ng inyong mga Barangay upang makapagparehistro at patunayan na ang pag-ibig ay tumatagal, pinagyayaman, at lalo pang tumitibay sa paglipas ng panahon—isang inspirasyon sa buong komunidad ng mga Mandaleño.



27/05/2026

🌙✨ 𝐄𝐢𝐝 𝐀𝐥-𝐀𝐝𝐡𝐚 𝐌𝐮𝐛𝐚𝐫𝐚𝐤 ✨🌙

Ang buong 𝐒𝐨𝐥𝐢𝐝 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚 ay taos-pusong bumabati sa ating mga kapatid na Muslim ng isang mapayapa at pinagpalang pagdiriwang ng Eid Al-Adha. 🤍

Nawa’y patuloy na manaig ang pagmamahalan, pagkakaisa, pananampalataya, at kabutihan sa bawat pamilya at komunidad.

Sama-sama nating ipagdasal ang kapayapaan at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.

🕊️ 𝐄𝐢𝐝 𝐌𝐮𝐛𝐚𝐫𝐚𝐤 𝐭𝐨 𝐚𝐥𝐥!

Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


40 Malaya Street, Plainview
Mandaluyong
1550