13/05/2026
📢 𝐈𝐓𝐎 𝐏𝐎 𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓! 💛
Magkakaroon po tayo ng PhilHealth Registration Drive ngayong:
🗓 May 16, 2026 (Saturday)
⏰ 9:00 AM – 12:00 NN
📍 AMHAI Multi Purpose Court, Brgy. Barangka Drive, Mandaluyong City
💛 𝐌𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚-𝐚𝐯𝐚𝐢𝐥:
✔️ 𝐘𝐀𝐊𝐀𝐏 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐜𝐮𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
✔️ 𝐒𝐨𝐥𝐨 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭 𝐀𝐮𝐭𝐨𝐦𝐚𝐭𝐢𝐜 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐚𝐠𝐞 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 — 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐪𝐮𝐚𝐥𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐬𝐨𝐥𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐚𝐠𝐞 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐲𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧
✔️ 𝐀𝐥𝐥 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐜𝐨𝐧𝐜𝐞𝐫𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐚𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞
✨ 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞 𝐢𝐬 𝐢𝐧𝐯𝐢𝐭𝐞𝐝!
Ang programang ito ay para sa mga taga-Barangka Drive at mga kalapit barangay na nais magparehistro, magpa-update ng impormasyon, at magtanong tungkol sa kanilang PhilHealth benefits at concerns.
✅ No registration needed — walk-ins are welcome!
Layunin po nating mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan at masig**ong mas marami ang magkaroon ng access sa tamang benepisyo. 😊
Maaari rin pong i-share ang post na ito upang mas marami pa ang maabot natin.
01/05/2026
𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐋𝐚𝐛𝐨𝐫 𝐃𝐚𝐲! 🇵🇭💛
Isang pagbati mula kay Konsi Leslie sa lahat ng ating masisipag na manggagawa, saludo po ako sa inyong dedikasyon, tiyaga, at sakripisyo para sa inyong pamilya at sa ating lungsod.
Sa bawat pawis at pagod, kayo ang tunay na haligi ng ating komunidad. Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang dignidad ng trabaho at suportahan ang bawat isa sa pag-abot ng mas maayos na kinabukasan.
Maraming salamat sa inyong sipag at serbisyo.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino! 🇵🇭💪
30/04/2026
🎉 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐩𝐨! 🎉
Mainit na pagbati sa ating mga kababayan sa Barangay Hulo, Plainview, at San Jose sa inyong pagdiriwang ng pista! 💛
Nawa’y patuloy nating ipagdiwang ang diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at pagmamahalan sa ating komunidad. Ang pista ay hindi lang kasiyahan, kundi paalala rin ng ating matibay na samahan bilang isang lungsod.
Hangad ko ang isang ligtas, masaya, at makabuluhang selebrasyon para sa bawat pamilya.
Mabuhay ang Barangay Hulo, Plainview, at San Jose!🇵🇭✨
29/04/2026
𝐀𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩, 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐫𝐞𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚. 💛
Kamakailan ay bumisita tayo sa Protection Center, at tunay na nakaka-proud makita ang 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝-𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐥𝐲 𝐑𝐨𝐨𝐦 para sa ating mga batang biktima ng VAWC.
Isa na itong konkretong hakbang para masig**ong ang ating mga bata ay may ligtas, maayos, at hindi nakakatakot na espasyo habang sila ay dumaraan sa proseso ng paghingi ng tulong at hustisya.
𝐀𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝-𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐥𝐲 𝐑𝐨𝐨𝐦 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐎𝐒𝐀𝐄𝐂 isang maliit ngunit napakahalagang hakbang sa mas malawak nating laban para protektahan ang ating mga kabataan.
𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐢𝐭𝐨 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚?
Dahil ang mga batang dumaranas ng pang-aabuso ay hindi na dapat madagdagan pa ang kanilang trauma. Kailangan nila ng lugar na may malasakit, pag-unawa, at pag-aaruga, isang espasyong makakatulong sa kanilang muling makaramdam ng seguridad.
Kudos to our GAD and PIO Department for bringing this initiative to life. 💜
Patuloy po tayong kikilos para sa mas ligtas at mas makataong komunidad para sa lahat lalo na sa mga bata 😘
28/04/2026
Tayo po ay nakikiisa at dumalo sa 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐓𝐫𝐚𝐟𝐟𝐢𝐜𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐕𝐢𝐨𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧𝐬𝐭 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧 meeting upang mas mapalakas ang ating tugon sa mga kaso ng VAWC.
Layunin ng meeting na ito na makabuo ng mas maayos at malinaw na Manual of Operating Procedures para sa ating Protection Center, isang mahalagang programa ating Mayora Menchie at Konsehala Charisse Abalos, kasama ang buong konseho.
𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐭𝐨, 𝐧𝐚𝐢𝐬 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢, 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐞𝐩𝐞𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐀𝐖𝐂, 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐛𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐠𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠, 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐚𝐭 𝐡𝐮𝐬𝐭𝐢𝐬𝐲𝐚.
Patuloy po tayong kikilos para sa isang lungsod na may malasakit, proteksyon, at katarungan para sa lahat. 💜
27/04/2026
Tayo po ay nakiisa sa ating Flag Raising and Monday Program na ginanap sa Mandaluyong City Hall, kung saan ating kinilala at ipinagdiwang ang sipag at tagumpay ng ating mga Day Care Workers at ng Mandaluyong College of Science and Technology (MCST).
Lubos po nating pinapahalagahan ang mahalagang papel ng ating mga g**o at tagapag-alaga sa paghubog ng kinabukasan ng ating kabataan.
Patuloy po tayong susuporta sa mga programang nagbibigay halaga sa edukasyon at kapakanan ng ating mga mamamayan. 💙
Mabuhay ang Mandaluyong!
25/04/2026
Tayo po ay nakibahagi sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week ng Barangka Ilaya na ginanap sa Conference Room ng Ilaya Barangka Integrated School. 💛
Maraming salamat po sa imbitasyon, Pres. Doris Silva, sa patuloy ninyong malasakit sa ating mga magulang, lalo na sa ating mga solo parents.
Saludo po ako sa inyong lakas, sakripisyo, at pagmamahal para sa inyong pamilya. Patuloy po tayong magtutulungan upang makapaghatid ng mas marami pang programa at suporta para sa inyo.
More power sa ating mga Solo Parents! 💪💖
25/04/2026
Unang-una, taos-puso po tayong nagpapasalamat kay Aling Patrings sa pagpili sa atin upang makapaghatid ng saya sa ating komunidad. 💛
Kasama ang Rotary Club of Mandaluyong East, tayo po ay nagbahagi ng kasiyahan sa ating mga kababayan sa NHA Condo ng Old Zaniga. Simpleng handog, ngunit puno ng pagmamahal at malasakit para sa bawat bata at pamilya.
Patuloy po tayong magsisilbi at magdadala ng mga programang may puso para sa ating lungsod. 🫶😘
24/04/2026
Tayo po ay nakiisa sa pagdiriwang ng City Social Welfare and Development Department para sa Solo Parents Week. 💛❤️
Bilang inyong lingkod at Chairperson, patuloy po tayong mag-iisip at kikilos upang makabuo at makapagpatupad ng mas makabuluhang mga programa na tunay na makakatulong, magpapalakas, at susuporta sa ating mga solo parents sa lungsod.
Hindi po tayo titigil sa paglikha ng mga inisyatiba para sa inyong kapakanan at ng inyong mga pamilya. 👌
23/04/2026
Kami po ay dumalo sa isang luksang parangal bilang pagbibigay-pugay kay Kapitana Merlyn Espiritu.
Isang taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya at sa buong komunidad na kanyang minahal at pinagsilbihan. Hindi matatawaran ang kanyang dedikasyon at malasakit sa paglilingkod. Mananatili ang kanyang alaala bilang inspirasyon sa ating lahat. 🙏