08/06/2026
‼️DOH: MAGING HANDA SA PAPARATING NA EL NIÑO‼️
Detalye sa comment section.
Mandaluyong City's Official page for the City Health Department
08/06/2026
‼️DOH: MAGING HANDA SA PAPARATING NA EL NIÑO‼️
Detalye sa comment section.
08/06/2026
08/06/2026
Ngayong buwan ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang Men’s Health Month na may temang “Kaagapay sa Pangangalaga: Para sa Mas Mahaba at Mas Malusog na Buhay sa Bawat Yugto ng Buhay.”
Paalala sa lahat ng kalalakihan: ingatan ang sarili sa pamamagitan ng pagkonsulta, kumain nang masustansya, maging aktibo, at alagaan ang kalusugang pisikal at pangkaisipan. Ang maagang pangangalaga sa kalusugan ay susi sa mas mahaba at mas malusog na buhay.
Sama-sama tayong maging kaagapay sa pangangalaga para sa mas malusog na kinabukasan ng bawat kalalakihan.
08/06/2026
DENGUE
Isang impeksyon na dulot ng Dengue virus na naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na *Aedes*. Maaaring magka-dengue ang isang tao nang hanggang apat na beses dahil sa iba't ibang uri ng dengue virus (DENV-1, DENV-2, DENV-3, at DENV-4).
ANG AEDES MOSQUITO AY:
• Nangingitlog sa malinis at hindi dumadaloy na tubig tulad ng naimbak na tubig sa balde, nakatambak na gulong, paso, at iba pang lalagyan.
• Karaniwang nangangagat sa umaga at hapon.
• Maaari ring magdala ng iba pang sakit tulad ng Zika at Chikungunya.
ANO ANG MGA SINTOMAS NG DENGUE?
• Mataas na lagnat
• Pananakit ng katawan at kasu-kasuan
• Panghihina at kawalan ng ganang kumain
• Pananakit ng tiyan at pagsusuka
• Pantal sa balat
• Pananakit ng likod ng mata
**PAALALA:**
Kaagad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital kung may mataas na lagnat at alinman sa mga sintomas na ito. Ang maagang pagpapatingin ay makatutulong upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng dengue.
Stop the Spread! Sama-sama nating Sugpuin ang Dengue!
| Monday | 7am - 4pm |
| Tuesday | 7am - 4pm |
| Wednesday | 7am - 4pm |
| Thursday | 7am - 4pm |
| Friday | 7am - 4pm |