15/05/2025
JOIN OUR TEAM!
The MMFMP Component 2 is looking for:
(1) Planning Associate 2
(1) Junior Engineer 2
Interested applicants must send his/her Personal Data Sheet and application letter addressed to Dir. Josias E. Syquimsiam, Jr., Project Director, MMFMP Component 2, via email at [email protected] or submit at 12th Floor, Solid Waste Management Office, MMDA Head Office, Doña Julia Vargas Avenue, Barangay Ugong, Pasig City.
*Position is Contact of Service
04/04/2025
Kinilala tayo! Sa ginanap na World Water Day Philippines Awards 2025, iginawad sa MMDA ang parangal na "Water Warrior Award for Environmental Stewardship".
Ang parangal na ito ay bunga ng ating mga programa at polisiya na nagsusulong ng water at environmental sustainability at wastong pamamahala ng basura tulad ng Mobile Materials Recovery Facility "Recyclables Mo, Palit Grocery Ko"; Integrated Solid Waste Management Facility; Water Hyacinth Processing Facility; Neighborhood Upgrading Projects; Community-based Solid Waste Management; at Trash Trap Installation.
Ipagpatuloy natin ang ating sinimulang mga programa, proyekto, at polisiya para sa pagtataguyod ng mas malinis at mas maayos na Metro Manila!
06/03/2025
Bahagi ang bawat isa sa pangangalaga ng Metro Manila.
Makiisa at alamin ang mga proyekto sa ilalim ng MMDA Metro Manila Flood Management Project (MMFMP), na ating ginagawa upang makaiwas sa pagkakaroon ng maraming basura, maiwasan ang matinding pagbaha, at tuluyang maging flood-resilient ang Metro Manila.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang aming website: mmfmp.mmda.gov.ph
09/01/2025
JOIN OUR TEAM!
The MMFMP Component 2 is looking for:
(1) Supply Associate 3
(1) Community Development Associate 3
(1) Junior Engineer 2
(6) Laborer II
Interested applicants must send his/her Personal Data Sheet and application letter addressed to Dir. Josias E. Syquimsiam, Jr., Project Director, MMFMP Component 2, via email at [email protected] or submit at 12th Floor, Solid Waste Management Office, MMDA Head Office, Doña Julia Vargas Avenue, Barangay Ugong, Pasig City on or before January 17, 2025.
*Position is Contact of Service
19/11/2024
Noong nakaraang linggo, matagumpay na isinagawa ang Road to Zero Waste Summit sa Pasig—ang kauna-unahan at pinakamalaking pagtitipon para sa mas sustainable na pangangasiwa ng basura sa Metro Manila. Sa summit na ito, sama-sama nating tinalakay ang mga proyekto at inisyatibang makatutulong sa pagpigil sa pagdami ng kalat at pagbara ng mga daluyan ng tubig—mga pangunahing sanhi ng pagbaha sa rehiyon.
Isa sa mga tampok na bahagi ng summit ay ang mensahe ni Usec. Procopio G. Lipana ng MMDA: “A zero waste future is within our reach. Let us always strive for it, one mindful step at a time.
Sa patuloy nating pagharap sa mga hamon ng solid waste management, ang bawat simpleng aksyon sa ating mga tahanan at komunidad ay may malaking ambag. Sama-sama, kaya nating itaguyod ang isang mas malinis, ligtas, at iwas-bahang Metro Manila.
18/11/2024
Sa Road to Zero Waste Summit na ginanap sa Pasig noong nakaraang linggo, binigyang-diin ni MMDA Chairman Hon. Atty. Romando S. Artes ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor para sa pagsusulong ng pangangalaga ng kapaligiran:“Today marks the beginning of a dynamic collaboration between government and the private sector, intended to bridge the gap in promoting environmental sustainability through the ecological use of solid waste as a source.”
Ang summit na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagtataguyod ng isang mas eco-friendly at malinis na Metro Manila. Sa sama-samang pagkilos, kaya nating ipatupad ang mga solusyong magpapababa sa pagdami ng basura at magbibigay-daan sa mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat. Magsimula tayo sa ating mga tahanan at komunidad, at gawing bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay ang tamang pangangasiwa ng basura.
Sama-sama, magagawa nating masabing “bye-bye bara, at bye-bye baha!”
31/10/2024
Ngayong Halloween, wala nang mas nakakatakot pa kaysa sa nagkalat na basura. Kaya't ugaliing mag-segregate ng basura para iwas baradong kanal at bumabahang kalsada lalo na ngayong tag-ulan.
Huwag hayaang kalikasan ang manggulat sa atin! Iwas-Bara, Iwas-Baha tayo kapag nagtatapon nang tama.
16/10/2024
JOIN OUR TEAM!
The MMFMP Component 2 is looking for:
(1) Supply Associate 3
(1) Communication Equipment Staff 4
(1) Warehouse Staff
(6) Laborer II
Interested applicants must send his/her Personal Data Sheet and application letter addressed to Dir. Josias E. Syquimsiam, Jr., Project Director, MMFMP Component 2, via email at [email protected] or submit at 12th Floor, Solid Waste Management Office, MMDA Head Office, Doña Julia Vargas Avenue, Barangay Ugong, Pasig City on or before 22 October 2024.
*Position is Contact of Service
11/10/2024
Ready ka na ba para sa isang Zero Waste Metro Manila?
Inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa MMDA Road to Zero Waste Summit 2024 sa November 5 & 6 na gaganapin sa Unilab Bayanihan Center, Pasig City.
Kitakits!