COED Mandaluyong City

COED Mandaluyong City

Share

CITY ORDINANCE ENFORCEMENT DIVISION

Photos from DOST-PAGASA's post 03/10/2025
Photos from Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Department's post 03/10/2025
Photos from Mandaluyong City Public Information Office's post 03/10/2025
03/10/2025

📢 HULING ABISO PARA SA CSO ACCREDITATION!

Inaanyayahan ang LAHAT ng Civil Society Organizations (CSOs) sa Mandaluyong na MAGPASA na po ng kanilang APLIKASYON para sa AKREDITASYON.

Ang accredited CSOs lamang ang may pagkakataong makalahok sa Selection of Local Special Bodies and Local People’s Council, kung kaya't magpa-accredit na!

📱Maaari ninyong I-SCAN ang QR CODE upang makuha at ma-accomplish ang kinakailangang forms para sa inyong aplikasyon.

🗓️ DEADLINE:
SEPTEMBER 19, 2025
📍Isumite sa:
CSO Desk Office
(Office of the Vice Mayor, 4th Floor BOC Building, Mandaluyong City Hall)

📝 Alinsunod sa itinatadhana ng Local Government Code at ng mga kaukulang patakaran, ang nasabing Accreditation ay kailangan para sa nalalapit na SELECTION ng mga Kinatawan sa LOCAL SPECIAL BODIES (LSBs) at sa pagbubuo ng LOCAL PEOPLE COUNCIL (LPC).

📌Ang hindi makapagsumite sa tamang oras ay hindi maisasama sa selection process.

Makilahok! Sama-sama para sa mas inklusibong pamamahala.

CSO DESK OFFICE

03/10/2025

11 BARANGAY NG MANDALUYONG, PINARANGALAN SA SGLGB 2024

Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang 11 Barangay na tumanggap ng parangal sa katatapos na Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) 2024.

Narito ang mga pinarangalang barangay:

- Addition Hills
- Barangka Drive
- Barangka Ibaba
- Daang Bakal
- Hagdan Bato Itaas
- Hagdan Bato Libis
- Namayan
- New Zaniga
- Old Zaniga
- Plainview
- Wack-Wack Greenhills East

Ang parangal na ito ay patunay ng mahusay, tapat, at responsableng pamamahala ng mga Punong Barangay, kagawad, at kawani ng barangay—kasama ang aktibong pakikiisa ng mga mamamayan sa kanilang komunidad.

03/10/2025

TURNOVER OF APPROVED ORDINANCES

Kaugnay sa pagdiriwang ng Councilors’ Week ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay iniabot kay Mayor Menchie Abalos ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Anthony Suva, ang mga resolutions at ordinances na naipasa ng ika-13 Konseho sa loob ng 60 araw simula ng kanilang pag-upo sa puwesto noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

Kasabay nito ay iniabot din kay Mayor Menchie ang mga resolutions at ordinances na naipasa ng ika-12 Konseho sa administrasyon ni dating Mayor Ben Abalos.

Ang pamahalaang lungsod ay bumabati at nagpapasalamat sa bawat Konsehal sa kanilang taos-pusong paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng pagbuo ng mga batas para sa ikauunlad ng lungsod at ng bawat Mandaleño.

03/10/2025

⚠️Mag ingat sa Leptospirosis!⚠️
Alam niyo ba? Ang pagbabad sa baha o maruming tubig ay maaring magdulot ng leptospirosis-- isang seryosong sakit na pwedeng magdulot ng lagnat, pananakit ng katawan, pagkasira ng bato at atay na maaring mauwi sa kamatayan kung hndi maagapan.

🧐Tips para makaiwas:
✅Iwasan ang pagbabad sa baha kung hindi kinakailangan
✅Gumamit ng bota o proteksyon sa paa.
✅Agad mapa konsulta sa pinaka malapit na Health Center kung hindi naiwasang lumusong sa baha.

👩‍⚕️Huwag hintayin lumala! Kalusugan, alagaan. Buhay, ingatan🐯

Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Maysilo Circle
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm