09/03/2026
MAHALAGANG ANUNSYO | 4-DAY WORKWEEK SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MANDALUYONG
Alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. (Memorandum Circular No. 114, s. 2026), ipinag-utos ni Mayor Menchie Abalos sa bisa ng Executive Order No. 2 Series 2026 at unumbered memorandum na magpapatupad ang Lungsod ng Mandaluyong ng 4-Day Workweek sa mga tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Bukas ang mga opisina mula LUNES hanggang HUWEBES, 7:00 AM – 6:00 PM, MALIBAN sa mga ESSENTIAL o FRONTLINE OFFICES na patuloy na maghahatid ng serbisyo ayon sa kanilang dating iskedyul upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga Mandaleño.
Layunin ng hakbang na ito na makatipid sa konsumo ng kuryente at langis, alinsunod sa ipinatutupad na energy conservation measures ng pamahalaan, habang patuloy na naipagkakaloob ang maayos at episyenteng serbisyo publiko.
05/01/2026
OPLAN BILIS BAYAD 2026
FAST AND HASSLE-FREE!
Ganiyan ang taunang ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pamamagitan ng Mandaluyong Business One-Stop Shop (BOSS)—isang mabilis at maginhawang serbisyo para sa mga taxpayer sa Mandaluyong.
IWASAN ANG PENALTY!
Simula Enero 5, 2026, bukas na ang Mandaluyong City Hall para sa business permit applications at renewals, pagbabayad ng buwis at iba pang kaugnay na serbisyo ng pamahalaang lungsod.
PAALALA: IWASAN ANG PENALTY. Ang deadline sa PAGBABAYAD ng BUSINESS PERMITS ay hanggang ENERO 20, 2026 lamang. May kaakibat na kaukulang penalty (surcharges at interest) pagkatapos ng nasabing petsa kahit na nakapagpa-assess na.
📌 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
Business Permits and Licensing Department (BPLD)
📞 8532-5001 loc. 731 / 712
10/12/2025
M
HUMAN RIGHTS DAY 2025
Sa bisa ng Proclamation No. 347 na inilabas ni noo’y Pangulong Elpidio Quirino noong Oktubre 21, 1952, idineklara ang taunang pagdiriwang ng Human Rights Day tuwing Disyembre 10.
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa lahat ng mamamayang Pilipino sa paggunita ng at sa patuloy na pagsusulong ng adhikain na protektahan ang karapatan ng bawat tao—mula sa sinapupunan hanggang sa huling hantungan.
10/12/2025
Isa pang fake na page, mag-ingat!
Please, always look for the verified badge (may blue check).
03/12/2025
good morning po! 😀
Send a message to learn more