Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee

Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee

Share

A local body in the Philippines responsible for monitoring Nutrition in Barangka Ilaya.

30/03/2026
Photos from Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee's post 29/03/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Ang pamunuan ng Barangay Nutrition Council (BNC) ng Barangay Ilaya ay taos-pusong nagpapasalamat sa
United Mandaluyong Ilaya Brotherhood Fire Rescue Volunteer, Inc.
sa kanilang walang sawang suporta at aktibong pakikiisa sa lahat ng proyekto at programa ng ating konseho.

Ang inyong dedikasyon at malasakit ay malaking tulong sa patuloy nating layunin na mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kabarangay.

Maraming salamat po at mabuhay kayo

Photos from Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee's post 29/03/2026
Photos from Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee's post 14/03/2026

Blood Donation Drive ng BNC Barangay Barangka Ilaya

Nagkaroon ng Blood Donation Drive ang Barangay Nutrition Committee (BNC) ng Barangay Barangka Ilaya bilang pakikiisa sa layunin na mapunan ang kakulangan ng suplay ng dugo sa ating Lungsod ng Mandaluyong.

Kasabay ng aktibidad na ito, nagsagawa rin ang BNC ng nutrition counseling upang mabigyan ng tamang kaalaman ang ating mga kabarangay tungkol sa wastong pangangalaga sa kalusugan bago at pagkatapos ng pagdo-donate ng dugo.

Bilang bahagi ng ating nutrition intervention, namahagi rin tayo ng itlog, apple juice, bigas, at t-shirt bilang pasasalamat at upang mahikayat ang ating mga kabarangay na makiisa sa gawaing makatao na ito.

Ipinaliwanag din sa mga donors ang kahalagahan ng tamang pagkain, pag-inom ng sapat na tubig, at pag-inom ng bitamina tulad ng ferrous sulfate upang mabilis na makabawi ang katawan matapos ang pagdo-donate ng dugo.

Ang programang ito ay isinagawa kasama ang City Health Department at ang Pamunuan ng Barangay Barangka Ilaya, sa patuloy na layunin na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga mamamayan at makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.

Maraming salamat sa lahat ng ating volunteer blood donors na nagbahagi ng kanilang dugo upang makapagligtas ng buhay.

Photos from Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee's post 28/02/2026

🌿🥗 BARANGAY ILAYA “FROM GARDEN TO TABLE” COOKING CONTEST 🥗🌿

The Barangay Nutrition Committee (BNC) of Barangay Barangka Ilaya successfully conducted the “Garden to Table” Cooking Contest, a culinary activity featuring dishes prepared using vegetables freshly harvested from our very own Community Garden.

The event was actively supported and participated in by our Honorable Barangay Captain, Hon. Joselito Pangilinan together with the Barangay Council. Also present were BNAO Shyryl Dioquino De Torres and our dedicated Barangay Nutrition Scholars (BNS), Brenda San Luis and April Labriaga Dolendo .

🎉 To further motivate our constituents, the Barangay provided generous prizes:
🏆 ₱3,000 – Grand Winner
🎖 ₱500 – Consolation Prizes for the other participants

The primary objectives of this activity were:
• To promote the frequent use and cooking of locally grown vegetables
• To encourage proper nutrition and healthy eating habits
• To inspire families to establish their own home or community gardens

Through this initiative, Barangay Ilaya continues to strengthen its commitment to promoting food security, sustainable gardening, and healthier families within our community.

🌱 Grow Local. Cook Healthy. Live Better. 🌱




Photos from Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee's post 26/02/2026

💙🌿 PASASALAMAT 🌿💙

Ang Barangay Nutrition Committee, kasama si BNAO Shyryl Dioquino De Torres at ang ating masisipag na Barangay Nutrition Scholars (BNS), Brenda San Luis at April Labriaga Dolendo BCPC Focal Person Marlyn Gervacio Care ay taos-pusong nagpapasalamat sa Ilaya Barangka Integrated School (IBIS) para sa pagkilalang ipinagkaloob sa aming komite.

Ang parangal na ito ay inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang aming mga programang pang-nutrisyon at pangkalusugan para sa ating mga kabataan at buong komunidad.

Maraming salamat po sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta para sa mas malusog na Barangay Ilaya.

Sama-sama para sa Batang Malusog, Pamilyang Matatag, at Barangay na Maunlad.

Photos from Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee's post 23/02/2026

BNC SENIOR CLASS BARANGAY BARANGKA ILAYA

Ang Barangay Nutrition Committee (BNC) ng Barangay Barangka Ilaya ay nagsagawa ng isang Senior Class kung saan muling tinalakay at ipinakita ang kahalagahan ng pagsunod sa Pinggang Pinoy bilang gabay sa tamang nutrisyon.

Sa isinagawang talakayan, ipinaliwanag ang wastong kombinasyon ng pagkain, tamang nutrisyon, at mga sangkap na dapat gamitin sa pagluluto upang mapanatili ang kalusugan ng ating mga nakatatanda. Muli ring pinaalalahanan ang ating mga senior citizen na malaki ang epekto ng pagkain sa pagtaas ng altapresyon, diabetes, at iba pang karaniwang karamdaman, kaya mahalaga ang tamang pagpili at dami ng pagkain na kinokonsumo araw-araw.

Nagkaroon din ng maikling seminar ukol sa mga pagkaing inirerekomenda para sa mga senior citizen upang makatulong sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at pag-iwas sa sakit.

📍 Ginanap ang aktibidad sa Meal Minutes, #66 Lions Road Street, Barangay Barangka Ilaya kaninang alas-1:00 ng hapon. February 23, 2026

👩‍⚕️ Kasama sa aktibidad sina:
BNAO Shyryl De Torres
• BNS April Delendo
• BNS Brenda San Luis
Senior Citizens Brgy Ilaya

🤝 Nakiisa rin ang ating mga opisyal Kasama Sila former Congressman Neptali Gonzales, Chairman on Health Committee Coun. Dr. Alexander Sta Maria, Liga President Councilor Darwin Fernandez mga opisyal ng barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Joselito “Kap Lito” Pangilinan bilang patunay ng patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan at nutrisyon para sa ating komunidad.

Patuloy po nating isulong ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay para sa ating mga senior citizen.

Maraming salamat po

Photos from Barangay Barangka Ilaya Nutrition Committee's post 13/02/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Pamahalaang Barangay ng Barangay Ilaya sa paglalaan at pagpo-provide ng mga materyales na naging daan upang maitatag ang aming Breastfeeding Station.

Ang Breastfeeding Station ay isang mahalagang lugar kung saan natuturuan, nagagabayan, at nasusuportahan ang mga bagong ina sa tamang paraan ng pagpapasuso para sa mas malusog na sanggol at ina.

Maraming maraming salamat po sa patuloy ninyong suporta sa mga programang pangkalusugan para sa ating komunidad. Thank you Ms.Divina sa pag aayos❤️

Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Barangay Barangka Ilaya
Mandaluyong
1550