Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong

Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong

Share

official Page of Garden of Life Memorial Park Department

18/07/2026

Maligayang Kaarawan po sa ating Cabinet Secretary, Atty. Benhur Abalos!

Kayo po ang taong nasa likod ng konsepto at naging pangunahing utak sa pagkakatatag ng One-Stop Shop Cemetery ng Lungsod ng Mandaluyong—ang Garden of Life Memorial Park.

Maraming salamat po sa inyong mahusay na pamumuno at makabuluhang ambag sa ating lungsod.

Mabuhay po kayo, at nawa’y pagpalain pa kayo ng Diyos ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at higit pang tagumpay. Maligayang kaarawan po!

Photos from Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong's post 13/07/2026

In support of the City Government of Mandaluyong - City Nutrition Committee Council, Garden of Life Memorial Park Department participated in the Tree Planting Activity held last July 7, 2026 at the Santuary Garden, Barangay Addition Hills.

02/07/2026

Maligayang Kaarawan Mayora Menchie Abalos. 🎂

Pagbati mula sa staff ng Garden of Life.

Photos from Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong's post 29/06/2026

Malugod na tinanggap ng aming Head Ms. Jennilyn Maranan ang mga bisita natin nitong ika-25 ng Hunyo 2026 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Bislig sa pangunguna ni Mayor Florencio Garay upang magmasid at pag-aralan ang magandang serbisyo ng ating tanggapan at mga lehislatura kaugnay dito.

Photos from Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong's post 12/05/2026

Taos puso nating tinanggap ang mga kapitan ng barangay mula sa munisipalidad ng Narra, probinsya ng Palawan nitong nakaraang April 21, 2026. Ito ay para maisagawa ang benchmarking at maipakita ang pinagmamalaki nating pasilidad ng ating tanggapan.

30/03/2026

Sa paggunita ng Semana Santa, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa taimtim na pagninilay sa pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ng ating Panginoong Hesukristo.

Ipinaaalam po namin na mananatiling bukas ang City Funeral Service upang tumugon sa pagkuha ng mga yumao.

Gayunpaman, ang mga serbisyo tulad ng libing, cremation, at paggamit ng chapel ay hanggang Miyerkules lamang. Muli po itong magpapatuloy sa Linggo ng Pagkabuhay.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.

Photos from Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong's post 24/03/2026

Subject: Disposal of Dead Person and Work Ethics

S.E.R.V.E with Sensitivity: A GAD-Centered Re-Orientation for Undertakers, Drivers, Cremators, Gravediggers and Utility workers

Oryentasyon ng mga kawani ng aming tanggapan upang magkaroon ng mataas na pamantayan sa serbisyo nitong ika-23 ng Marso, 2026.

Photos from Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong's post 23/03/2026

Subject: Revised Implementing Rules and Regulations of the Code on Sanitation of the Philippines (PD 856) Chapter XXI Disposal of Dead Person

Isinagawa ang muling oryentasyon ng mga undetakers at drivers noong ika-20 ng Marso 2026, na may layuning higit pang mapaangat ang antas ng serbisyo at matiyak ang epektibong pagpapatupad ng Womb-to-Tomb na programa ng tanggapan.

S.E.R.V.E with Sensitivity: A GAD Centered Re-orientation for Undertakers and Drivers

Re-orientation Funeral Workforce and Capacity Development

Photos from Garden of Life Memorial Park-Mandaluyong's post 17/03/2026

Matapos Opisyal na lagdaan kahapon ang Sisterhood Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, at ng Munisipalidad ng Bautista, Lalawigan ng Pangasinan, sa pamumuno nina Mayor Rosemarie Gacutan at Vice Mayor Joren Aaron Espino, malugod po nating tinanggap at pinakita ang kabuuang serbisyo ng Garden of Life Memorial Park.

Nawa’y magsilbi itong simula ng mas matibay na ugnayan, pagkakaisa, at patuloy na pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat komunidad.

Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Garden Of Life Park F. Blumentritt Street , Barangay Vergara Mandaluyong City
Mandaluyong
1550