Municipal Social Welfare and Development Office - Mangatarem

Directions Contact the organization

Municipal Social Welfare and Development Office - Mangatarem Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Social Welfare and Development Office - Mangatarem, Government Organization, General Luna, Mangatarem.

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | ๐—”๐—œ๐—–๐—ฆ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—จ๐—ก๐—ฃ๐—”๐—œ๐—— ๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆIpinapaalam po namin na magkakaroon ng ...
28/10/2026

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | ๐—”๐—œ๐—–๐—ฆ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—จ๐—ก๐—ฃ๐—”๐—œ๐—— ๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆ

Ipinapaalam po namin na magkakaroon ng pamamahagi ng AICS Financial Assistance para sa mga UNPAID BENEFICIARIES sa sumusunod na petsa at lugar:

๐Ÿ“… Petsa: October 29, 2026 (Thursday)
8:00 AM - 2:00 PM
๐Ÿ“ Lugar: Senior Citizen's Office (Hallway)

Nakalakip sa post na ito ang LISTAHAN NG MGA UNPAID BENEFICIARIES na nakatakdang tumanggap ng financial assistance sa nasabing petsa. Mangyaring tingnan at hanapin ang inyong pangalan sa kalakip na listahan.

๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—ข๐—ž๐—จ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข (๐—”๐—œ๐—–๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ)

1. COLORED PHOTOCOPY OF VALID ID

Mas mainam na National ID ang ipresenta. Gayunpaman, kung hindi malinaw ang larawan sa National ID, kinakailangang magpresenta ng ibang valid ID.

Mga Valid ID na tinatanggap ng DSWD:

โ€ข National ID
โ€ข Driver's License
โ€ข Voter's ID
โ€ข PhilHealth ID
โ€ข Passport
โ€ข Postal ID
โ€ข UMID ID
โ€ข Voter's Certification (dapat ay issued ngayong 2026)
โ€ข Senior Citizen ID
โ€ข PWD ID
โ€ข 4Ps ID (para lamang sa mga hindi pa graduate sa 4Ps Program)

MAHALAGANG PAALALA SA VALID ID:

- Siguraduhing hindi expired ang ID, lalo na ang mga ID na may expiration date.
- Dapat nakasaad sa valid ID ang FULL NAME, COMPLETE ADDRESS, at DATE OF BIRTH ng benepisyaryo.
- Siguraduhing malinaw at nababasa ang lahat ng detalye sa colored photocopy.
- Dalhin din ang orihinal na valid ID para sa verification.

2. CERTIFICATE OF INDIGENCY

โ€ข Kumuha ng Certificate of Indigency sa barangay kung saan nakasaad ang inyong address sa valid ID.
โ€ข Dapat magkapareho ang address sa Valid ID at Certificate of Indigency.
โ€ข Ang ilalagay na PURPOSE sa Certificate of Indigency ay FINANCIAL ASSISTANCE.

โš ๏ธ MAHALAGANG PAALALA!

Mahigpit na ipinagbabawal ang AUTHORIZATION LETTER at REPRESENTATIVE.

Kinakailangang PERSONAL NA DUMALO ang mismong benepisyaryo sa araw ng distribution. Hindi maaaring magpadala ng ibang tao upang tumanggap ng financial assistance sa inyong ngalan.

Mangyaring ihanda at suriing mabuti ang lahat ng kinakailangang dokumento bago magtungo sa venue upang maiwasan ang aberya sa proseso ng pamamahagi.

Maraming Salamat po.

๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—™๐—”๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—จ๐—  ๐—–๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ก-๐—จ๐—ฃ ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜Naging bahagi ng Family Day Celebration cm Clean-Up Drive a...
27/10/2026

๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—™๐—”๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—จ๐—  ๐—–๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ก-๐—จ๐—ฃ ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜

Naging bahagi ng Family Day Celebration cm Clean-Up Drive ang mga Child Development Workers/Teachers ng Mangatarem noong October 26, 2026, na ginanap sa Mangatarem Evacuation Center at JK Resort, Brgy. Caviernesan, Mangatarem, Pangasinan.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Clean-Up Drive, kung saan sama-samang naglinis ang mga Child Development Workers/Teachers sa loob at labas ng Mangatarem Evacuation Center. Layunin nitong mapanatili ang kalinisan ng pasilidad at mahikayat ang pagtutulungan sa pangangalaga ng kapaligiran.

Matapos ang paglilinis, nagtungo ang mga kalahok sa JK Resort para sa Family Day Celebration. Nakiisa rin sa programa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pangunguna ni Ms. Nelfa Q. Evangelista, RSW, MSWD Officer, kasama ang mga ECCD Focal Persons na sina Ms. Ma. Juvy J. Aguilar, Day Care Worker I, at Ms. Rosalie H. Saura, Day Care Worker I, gayundin ang iba pang MSWDO personnel.

Naging Resource Speaker sa programa si Rev. Dr. Antonio C. Garzon Jr., CSO Representative, na nagbahagi ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng pamilya, pagkakaisa, at pagpapanatili ng magandang samahan.

Sinundan ito ng iba't ibang masasayang palaro na may kasamang mga papremyo, kung saan aktibong nakilahok ang mga Child Development Workers/Teachers at MSWDO personnel.

Naging magandang pagkakataon ang aktibidad upang mas mapalakas ang teamwork, pagkakaisa, at samahan ng mga Child Development Workers/Teachers at MSWDO personnel, habang binibigyang-halaga ang pagtutulungan sa trabaho at mga gawaing para sa komunidad.

Taos-pusong pasasalamat kay Hon. Jensen F. Viray-Ventenilla, Municipal Mayor ng Mangatarem, sa patuloy na suporta at pagpapahalaga sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan ng mga Child Development Workers/Teachers at sa pagpapalakas ng mga serbisyong pangkomunidad.

Maraming salamat din sa lahat ng Child Development Workers/Teachers, MSWDO personnel, sa ating Resource Speaker, at sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging makabuluhan ang aktibidad na ito. Ang inyong oras, pakikiisa, at kooperasyon ay mahalagang bahagi ng pagpapatibay ng samahan at pagsusulong ng malinis at maayos na kapaligiran.

Sama-sama sa pagpapatibay ng pamilya, pagkakaisa, at pangangalaga sa kapaligiran!

๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿฏ๐Ÿฐ๐—ง๐—› ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐——๐—ฅ๐—˜๐—กโ€™๐—ฆ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐—ž๐—œ๐—–๐—ž-๐—ข๐—™๐—™ ๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก, ๐—ง๐—จ๐— ๐—จ๐—š๐—ข๐—ก, ๐—”๐—ง ๐—ž๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”: ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ก๐——...
27/10/2026

๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿฏ๐Ÿฐ๐—ง๐—› ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐——๐—ฅ๐—˜๐—กโ€™๐—ฆ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐—ž๐—œ๐—–๐—ž-๐—ข๐—™๐—™ ๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก, ๐—ง๐—จ๐— ๐—จ๐—š๐—ข๐—ก, ๐—”๐—ง ๐—ž๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”: ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—”, ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 34th National Childrenโ€™s Month, isinagawa ang kick-off activity sa Mangatarem Public Plaza kasabay ng Flag Raising Ceremony.

Nakiisa sa aktibidad ang ating mga Child Development Workers/Teachers kasama ang ilang mga bata na nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng isang masigla at makabuluhang pagtatanghal ng sayaw.

Bilang pagpapakita ng suporta sa pagdiriwang, nakibahagi rin ang mga empleyado mula sa ibaโ€™t ibang departamento ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng isang photo opportunity upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa pagsusulong ng mga karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat bata.

Sa temang โ€œManindigan, Tumugon, at Kumalinga: Sa Batang Handa, Mas Ligtas ang Bansa,โ€ hinihikayat ang bawat isa na sama-samang manindigan para sa karapatan ng mga bata, tumugon sa kanilang mga pangangailangan, at kumalinga upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maayos na kinabukasan.

Sama-sama nating pangalagaan ang bawat bata, dahil sa batang handa, mas ligtas ang bansa!

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | ๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—จ๐—ก๐—ฃ๐—”๐—œ๐—— ๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆPara sa kaalaman po ng 166 na benepisyaryong hindi nakad...
20/10/2026

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | ๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—จ๐—ก๐—ฃ๐—”๐—œ๐—— ๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆ

Para sa kaalaman po ng 166 na benepisyaryong hindi nakadalo o hindi nakatanggap ng kanilang payout noong October 12, 2026, narito po ang bagong iskedyul ng payout:

๐Ÿ“… October 23, 2026 (Friday)
โฐ 8:00 AM onwards
๐Ÿ“ Ambassador Danding Cojuangco Mangatarem Umisem Sports Complex Mangatarem Pangasinan

๐Ÿ“Œ MGA DAPAT DALHIN:

- Original Valid ID
- Photocopy ng Valid ID na may tatlong (3) specimen signatures
- eGovPH Account

MAHALAGANG PAALALA:
May ilang pangalan sa nakalakip na listahan na natukoy na mga aktibong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Alinsunod sa pamantayan ng UPLIFT Program, ang mga aktibong miyembro ng 4Ps ay hindi kwalipikadong tumanggap ng nasabing tulong pinansyal.

Kaugnay nito, ang mga benepisyaryong aktibong miyembro ng 4Ps ay hindi na kinakailangang magtungo sa payout venue sa October 23, 2026, kahit pa nakasama ang kanilang pangalan sa listahan.

Maraming salamat po.

Maraming salamat po sa CSWDO at PDAO Alaminos City sa inyong mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng kaalaman, karanasan,...
17/10/2026

Maraming salamat po sa CSWDO at PDAO Alaminos City sa inyong mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at best practices sa aming Benchmarking Activity.

Taos-pusong pasasalamat din po kay City Mayor Arth Bryan C. Celeste, sa pamamagitan nina City Administrator Arthur C. Celeste Jr., CSWD Officer Elizabeth Radoc, at DAO IV Karen Mae R. Basobas, PTRP, sa inyong suporta at pakikiisa.

Isang makabuluhang pagkakataon upang higit pang mapahusay ang mga programa at serbisyo para sa ating mga Persons with Disabilities (PWDs).

Muli, maraming salamat po mula sa MSWDO at PDAO Mangatarem!

๐Ÿ“ข ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐— ๐—˜๐—ก ๐—œ๐—ก ๐—ง๐—›๐—˜ ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—œ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—ฌ: ๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—œ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ ๐—˜๐—ฅ๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—–๐—จ๐—  ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฃ๐—ข...
15/10/2026

๐Ÿ“ข ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐— ๐—˜๐—ก ๐—œ๐—ก ๐—ง๐—›๐—˜ ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—œ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—ฌ: ๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—œ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ ๐—˜๐—ฅ๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—–๐—จ๐—  ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ง๐—›๐—ข๐—ข๐—— ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐— ๐—”๐—ฆ๐—–๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š

๐Ÿ“… October 15, 2026 ๐Ÿ“ ABC Building, Mangatarem, Pangasinan

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng responsableng pagiging ama, positibong pagkalalaki, at matatag na ugnayan ng pamilya, isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Mangatarem ang Organization of Men in the Municipality: Orientation, Organization, and Election of Municipal ERPAT Officers cm Responsible Parenthood and Positive Masculinity Training noong October 15, 2026, sa ABC Building, Mangatarem, Pangasinan.

Dinaluhan ang programa ng mga lalaking Department Heads at rank-and-file male employees ng Local Government Unit (LGU) of Mangatarem, kasama ang mga kawani ng MSWDO sa pangunguna ni Ms. Nelfa Q. Evangelista, RSW, at si PMAJ Arturo C. Melchor Jr., Chief of Police, PNP Mangatarem, kasama ang iba pang mga kalahok.

Nagsimula ang programa sa orientation tungkol sa Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training (ERPAT) na pinangunahan ni Mr. Mark Jameson C. Lastimado, RSW, Social Welfare Officer I / ERPAT Focal Person. Tinalakay ang kahalagahan ng ERPAT sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kalalakihan bilang responsableng ama, katuwang sa pagpapalaki ng mga anak, at aktibong kalahok sa pagpapaunlad ng pamilya at komunidad.

Kasunod nito, isinagawa ang election of Mangatarem ERPAT Officers upang makabuo ng pamunuan na mangunguna sa pagsusulong ng mga layunin at gawain ng ERPAT sa munisipalidad.

Naging resource speaker naman si Mr. Jowey C. Celzo, MSWDO of LGU Anda and President of ALSWDOPI Pangasinan Chapter, na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa Responsible Fatherhood and Positive Masculinity, na nakatuon sa mahalagang papel ng mga ama sa child development, gender equality, at family well-being. Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga ama sa pagpapalaki ng mga anak, pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan, at pagbabahagi ng mga responsibilidad sa loob ng tahanan.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng MSWDO sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa programa, kay Mr. Jowey C. Celzo sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at karanasan, kay PMAJ Arturo C. Melchor Jr. sa kanyang pakikiisa, at kay Hon. Jensen F. Viray-Ventenilla, Municipal Mayor, sa kanyang patuloy na suporta sa mga programa at serbisyong naglalayong palakasin ang mga pamilya at itaguyod ang kapakanan ng bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng ERPAT, patuloy nating isinusulong ang isang komunidad kung saan ang mga kalalakihan ay nagiging responsableng ama, mapagmahal na katuwang, positibong huwaran, at aktibong tagapagtaguyod ng pantay, ligtas, at matatag na pamilya.

ERPAT: Sama-samang Pagpapalakas sa mga Ama, Pamilya, at Komunidad!

๐—˜๐—–๐—–๐—— ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ/๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—™ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ง๐—˜๐—”๐—  | ๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿญ๐Ÿฏโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒBilang paghahanda sa nalalapit na Internal...
15/10/2026

๐—˜๐—–๐—–๐—— ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ/๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—™ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ง๐—˜๐—”๐—  | ๐—ข๐—–๐—ง๐—ข๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿญ๐Ÿฏโ€“๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Bilang paghahanda sa nalalapit na Internal at External Assessment sa 2027, nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ng ECCD Seminar/Training of Public Internal Assessment Team noong October 13โ€“14, 2026, sa Krisantaโ€™s Oasis Private Resort, Brgy. Olo Cacamposan, Mangatarem, Pangasinan.

Dinaluhan ang pagsasanay ng mga Child Development Workers (CDWs), Barangay Nutrition Scholars (BNSs), Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Captains, at mga Parent Association Presidents. Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman at kahandaan ng mga kalahok sa proseso ng assessment at matiyak ang patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng mga programa at serbisyong pang-Early Childhood Care and Development (ECCD) para sa mga batang nasa ating mga Child Development Centers.

Naging resource speakers sina Ms. Carla Cacatian, Provincial ECCD Focal; Ms. Ma. Kian Camille O. Vinluan, Administrative Aide; at Mr. Julius O. Juni Jr., Administrative Aide, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at gabay upang higit na maihanda ang mga participants sa mga kinakailangang pamantayan at proseso ng assessment.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na sina Ms. Nelfa Q. Evangelista, RSW, MSWD Officer; Ms. Maricel A. Sison, MLGOO; Ms. Rosario F. Pulido, Municipal Budget Officer; at Ms. Cherrylyn E. Malagday, Municipal Treasurer. Kasama rin sa aktibidad ang ating mga ECCD Focal na sina Ms. Maria Juvy J. Aguilar, DCWI; Ms. Rosalie H. Saura, DCWI; at Ms. Joan S. Barlaan, DCWI, na patuloy na gumagabay at tumutulong sa pagpapatupad ng mga programang pang-ECCD sa ating bayan.

Taos-pusong pasasalamat po sa ating Municipal Mayor Hon. Jensen F. Viray-Ventenilla sa kanyang patuloy na suporta sa mga programa at serbisyong nagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng mga bata sa ating bayan.

Lubos din ang pasasalamat sa lahat ng mga resource speakers, department heads, ECCD Focals, kalahok, at sa lahat ng naging bahagi ng pagsasanay. Ang inyong oras, kaalaman, suporta, at pakikiisa ay mahalaga sa paghahanda ng ating mga Child Development Centers para sa nalalapit na assessment.

Sa sama-samang pagsisikap at pagtutulungan, patuloy nating isulong ang de-kalidad na serbisyong pang-ECCD para sa mas magandang kinabukasan ng mga bata.

Maraming salamat po sa PNP Mangatarem, sa pangunguna ni PMAJ Arturo C Melchor Jr, Chief of Police, sa pakikiisa sa adbok...
13/10/2026

Maraming salamat po sa PNP Mangatarem, sa pangunguna ni PMAJ Arturo C Melchor Jr, Chief of Police, sa pakikiisa sa adbokasiya ng LGU Mangatarem na palakasin ang kamalayan at pagkilos ng bawat pamayanan laban sa ilegal na droga. Ang inyong suporta ay mahalagang bahagi ng sama-samang pagkilos tungo sa mas ligtas na komunidad.

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐—›๐—œ๐—š๐—›๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—ฆ | ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ-๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐——๐—ฅ๐—จ๐—š ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—œ๐—š๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒBilang bahagi ng pagsusulong ng kamalayan at sama-samang p...
13/10/2026

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐—›๐—œ๐—š๐—›๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—ฆ | ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ-๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐——๐—ฅ๐—จ๐—š ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—œ๐—š๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Bilang bahagi ng pagsusulong ng kamalayan at sama-samang pagkilos laban sa ilegal na droga, nagtipon ang 82 Barangay Captains at iba pang mga kinatawan ng komunidad noong October 12, 2026, para sa Anti-Illegal Drug Awareness Campaign na ginanap sa ABC Building, Mangatarem, Pangasinan. Bitbit ng aktibidad ang temang โ€œWorld Drug Problem: Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses.โ€

Kabilang sa mga dumalo sina Ms. Nelfa Q. Evangelista, RSW, MSWD Officer; PMAJ Arturo C. Melchor Jr., Chief of Police ng PNP Mangatarem, kasama ang iba pang PNP personnel; Mr. Julius Catipon, LGOO II, kinatawan ni Ms. Maricel A. Sison, MLGOO; Rev. Dr. Antonio C. Garzon Jr., CSO Representative; at Ms. Jenny Q. Saura, RSW, SWO II, Children & Youth Focal Person, Ms. Jolina S. Oliva, President, BCPC Child Representative, MSWD staff, at iba pang mga kalahok.

Nagbahagi ng kaalaman at mahahalagang pananaw si Dr. Jeff Villafania, RSW, Head of The Haven โ€“ Regional Center for Children (TH-RCC), bilang resource speaker ng aktibidad. Binigyang-pansin sa kampanya ang mga patuloy na suliranin, bagong hamon, at makabagong paraan ng pagtugon sa problema ng ilegal na droga.

Mahalaga ang pakikiisa ng mga lider-barangay at iba pang sektor sa pagpapalakas ng kamalayan at pagtutulungan upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakibahagi sa aktibidad, gayundin sa ating Municipal Mayor Hon. Jensen F. Viray-Ventenilla sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng ligtas at maayos na pamayanan.

Sama-sama sa pagbuo ng komunidad na may kamalayan, malasakit, at paninindigan laban sa ilegal na droga.

๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—ง ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง: ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฃ-๐—•๐—ฌ-๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฃ ๐—š๐—จ๐—œ๐——๐—˜Para sa 1,883 benepisyaryo na tatanggap ng UPLIFT Assistance sa October 12, ...
10/10/2026

๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—ง ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง: ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฃ-๐—•๐—ฌ-๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฃ ๐—š๐—จ๐—œ๐——๐—˜

Para sa 1,883 benepisyaryo na tatanggap ng UPLIFT Assistance sa October 12, 2026, narito ang gabay sa proseso ng payout.

Mangyaring basahin at sundin ang mga nakasaad na hakbang upang maging maayos at organisado ang proseso.

๐Ÿ“Œ Huwag kalimutang dalhin ang inyong valid ID at iba pang kinakailangang dokumento.

Maraming salamat po.

Address

General Luna
Mangatarem
2413

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Social Welfare and Development Office - Mangatarem posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Social Welfare and Development Office - Mangatarem:

Shortcuts

Share