07/10/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ซ๐๐ฆ ๐๐ข๐ง๐ข ๐๐จ๐ ๐
๐๐ข๐ซ
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakilahok ngayong araw sa aming Mini Job Fair!
Sa mga lokal na kumpanya na bukas-palad na nagbigay ng oportunidad, malaking karangalan para sa amin na mailapit ang mga trabaho at magandang kinabukasan na inyong handog para sa aming mga kababayan.
Sa DOLE na patuloy ang suporta sa aming mga Job Fair, maraming salamat po!
Sa aming butihing Mayor, Hon. Jensen Francisco Viray-Ventenilla na laging sumusuporta sa mga programa ng aming tanggapan. Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong suporta sa aming mga aktibidad tulad ng Job Fair na ito.
Sa iba pang mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng aming bayan na tumulong, maraming salamat po!
At sa mga Jobseekers na nakiisa, naway kami ay nakapagbigay ng pag-asa sa inyong mga napiling karera sa buhay.
Tunay ngang ang araw na ito ay punong-puno ng pag-asa at tagumpay! Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at suporta. Hanggang sa muliโtayo ay magkita kita sa susunod na Job Fair!